Hindi mawaksi ang ngiti sa mga labi ko ng makauwi kami ni Ezekiel galing sa bahay nila William at Darla. I think my bestfriend is pregnant. I suggest kuya William na magpacheck na sila.
My kuya's face was priceless.
"You're silent huh." aniya ni Zeke habang nagmamaneho. Gabi na nang umuwi kami.
Ngumuso ako at umiling. "Wala naman. I'm just hungry."
He nodded and licked his lips. "Where do you wanna eat?"
Lalo akong napanguso. Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa aking kamay. Mga one hour pa na biyahe bago kami makauwi sa Hacienda.
"Gusto ko kasi ng shrimp." I sound like a kid. Damn.
Ngumisi si Zeke at hinagkan ang aking kamay. " All for you."
Niliko niya ang kotse sa kalsada ng mga naglalakihang buildings. Nakita kong may nakahilera doong expensive hotels and restaurants.
Naglalaway na talaga ako!
"Gusto ko rin dalhan ng shrimp and sea foods ang kambal." nasabi ko bigla habang nagtingin tingin sa mga buildings na dinadaanan.
"Baby, our twins can't eat sea foods."
I pouted . "Hmm. Kahit ano nalang basta healthy."
"Of course."
Pinarada niya ang sasakyan doon at pinabantayan sa isang valet. He snaked his hand on my waist.
Umupo kami sa sa two seater na mesang babasagin. Maganda ang ambiance dito. The music was smooth to my ears. Palangiti rin ang kanilang waiters.
Tumitingin lang ako habang umoorder si Zeke ng gusto ko at nagtake out narin.
"Sa hacienda ba may guava?" tanong ko kay Zeke nang maibalik niya ang menu.
Kinagat ni Zeke ang labi at ngumisi,
"I'll see it tomorrow. Ganito karin ba noon ng mabuntis sa kambal?"May kung anong dumaan sa kanyang mga mata. Suminghap ako at yumuko.
"Yes. "
Hinila niya ang aking baywang at mas nilapit pa sa kanya. He kissed my ear.
"Don't worry. I am here now. I will give what you want. I' ll give my baby wants."
Ngumiti ako sa kanya. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Parang umaaapaw na kasiyahan. Pakiramdam ko ay hindi na ako masasaktan pa. Pakiramdam ko magtatapos na ang kabanata ng pasakit. Pakiramdam ko ay magbubukas na ang pintuan ng katapusan ng walang hanggan.
Sinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib at dumaloy ang aking luha. I can't wait to spend my whole life with him. Hindi na ako maninisi pa sa mga pasakit na nadaanan ko noon dahil alam kong lahat na iyon ay naging gabay sa kung nasaan man kami ngayon.
Hinihimay ni Zeke para sa akin ang piniritong shrimp at may crabs pa. Parang hindi na siya kumakain dahil ako ang inuuna niya.
"Ang sarap talaga." sabay inom ko sa juice na nasa harapan.
"Slowly. Nagmumukha kanang hipon niyan." mahinang sambit ni Zeke na ikinatigil ko sa pagkain.
"What?" singhal ko. Ewan. Bigla akong nanlamig.
Nagulat rin si Zeke sa naging reaksyon ko at napamura siya ng marahan.
"No. That's not what I meant,"
"No!" sabay tulak ko sa kanyang braso. "Sinasabi mo ba na mukha akong hipon?!"
Kinagat niya ang labi. Tila hirap na hirap.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...