Pain and Pleasure 17

59.9K 1.9K 232
                                    

Nanginginig ang kamay kong takpan ang aking katawan ng kumot. I am naked and worn out. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba at iyak. Hindi maipaliwanag ang kaba na ang aking nadarama. Ang naalala ko lang ay kung paano ko tinanggap ang mga halik ni Zeus! At kung bakit ganoon ang naramdaman ko sa oras na iyon?!

Bakit nagawa sakin ni Zeus iyon? Noon paman ay nakakainom na ako at nakakapagparty but I've never got wasted like this! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kay Cindy. Bakit niya ako hinahayaan? Ang sitwasyon ko ngayon at ang nagkalat na mga damit ko sa sahig ang matibay na ebidensya kung anuman ang nangyari!

Nanginginig ang kamay kong napahilamos at madaliang sinuot ang aking damit. Parang binugbog ang aking katawan at parang lalagnatin ako! Muli akong naupo sa kama at may sariling isip ang aking kamay na may hinanap doon at dinial sa aking cellphone na tadtad sa text at missedcalls ni Zeke.

"S-Sorry. Oh my god! Sorry!" Impit na iyak ko at tinawagan ang taong kailanman man hindi ko inasahang hihingan ko ng tulong.

Gusto kong sumigaw at umiyak ng malakas pero alam kong hindi iyon makakatulong sa akin ngayon. Ang tanging naramdaman ko ay takot sa mga maaring gawin at sabihin sakin ni Ezekiel.

Hindi matagal ang pagring ng cellphone at may sumagot agad dito.

"Hello?"

"D-Darl.I-I need your h-help." halos hindi ako makasalita dahil sa pag iyak.

"Nasaan ka?" agad na tanong ni Darla, hindi pinag isipan. Napapikit ako dahil sa sitwasyon ko ngayon ay may tutulong sa akin.

Binigay ko ang address kay Darla. Nilinis ko ang sarili ko at lumabas sa hotel na iyon. Ang pinagdausan ng party kagabi ni Cindy ay nalinis na. Walang bakas ng kahit ano kagabi.

Bawat hakbang ko halos gumuguho ang aking mundo. Masakit ang ulo ko at wala pang suklay nang lumabas ng hotel tower na 'yun. Halos hindi ako makaangat ng tingin sa mga taong nakakasalubong ko dahil sa aking pag-iyak.

Nanginginig ang kamay kong tinext si Darla kung saan na siya. Ilang sandali pa may mabilis na SUV ang huminto sa aking harapan. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at niluwa 'nun si Darla na ayos na ayos. Tinakbo ko ng distansya namin at niyakap siya. Tila nakakita ng kakampi.

"Tulungan m-mo'ko. Di ko alam ang gagawin."

  She stiffened at hinila ako papasok sa kanilang sasakyan. Kahit sa loob ng sasakyan hindi ako tumigil sa pag iyak. Nilakbay ni Darla ang mga mata niya sa katawan ko.

"I know what happened." Seryosong sabi niya at huminga ng malalim. Nagsimulang umandar ang sasakyan.

"It's all over the social media." dugtong niya na ikinatigil ko sa pag iyak. Seryoso niya akong tiningnan.

"You're so dense and too innocent Cat. Hindi mo na alam kung sino ang totoo at hindi. That's why I hate you. Nakakainis ang kainosentihan mo." Diretsong sabi niya sakin.

"Total  umiiyak ka ngayon ay sasagarin ko na. Look at this." binigay niya sakin ang cellphone niya. Some page na hindi ko kilala. I clicked the video.

Ang video na maraming comments at shares mostly nag trending iyon.

  Nakita ko ang sarili na humihilig sa sofa at kahalikan si Zeus. Narinig ko ang pagcheer ng lahat. Hindi ko nakita si Cindy o baka siya ang may hawak ng camera? The next thing I saw was me and Zeus making out under the sheets minus the clothes. Nasapo ko ang labi dahil sa kahihiyan! Takot at kaba dahil alam ko kung ano ang ginagawa naming iyon!

"No..No." litong lito ako.

  "This is a big blow Cat. Its all over the social media at hindi impossibleng hindi ito nakita ng fiance-"

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon