Pain and Pleasure 4

66.9K 2.1K 486
                                    


Nababaliw na ba ako kung sasabihin kong kahit nasa loob ako ng kotse ni Zeke ang ngiti ko ay parang nasa amusement park?

Kasalungat ng kanyang mukha ang mukha ko. Ako ay halos mabinat ang labi kakangiti siya naman ay bagot na nagddrive at ang suplado. Halos magtagpo na ang kanyang kilay.

"Uh..." hinimas ko ang gwantes na nasa aking kamay. Dapat di koto papalagpasin! Alam kong minsanan ko nalang siyang makikita ngayon.
"First kiss kita!" proud na proud pa ang boses ko.

Tinapunan lang ako nito ng matalim na tingin. Hinilamos niya ang mukha at umiling.

"Stop it little kid...." banta nito.

Ngumuso ako at umirap,kalaunan ay ngumisi. "Bakit ba? Lahat naman tayo magkakaroon ng first di'ba? Gusto kita, kaya dapat ikaw ang first kiss ko. Dapat ikaw rin ang mapapangasawa ko-"

"I said stop it...kung ayaw mong paluin kita.." umigting ang panga nito at hinilamos ulit ang mukha. Tila frustrate na frustrate sa sinabi.

Ewan ko parang matatawa ako sa sinabi niya! Ganon ba ako ka bata sa paningin niya?

"Anong paluin?! Halikan kita ulit diyan e!"

Tinaliman ulit ako nito ng tingin. Ngumisi nalang ako at kasing kinang ng nga nagtatayugang building ang aking mata.

Hanggang sa makarating kami sa bahay busangot parin mukha niya at ako naman ay masayang masaya.

Nagtaka ako kung bakit hindi niya pinasok ang sasakyan sa gate.

"Uh, ba't di mo ipasok?"

His jaw clench and he cursed. Wala naman akong sinabing masama ah! Ang highblood niya.

Bumaba ito at' pinagbuksan ako ng pintuan. Agad namang binuksan ng security ng bahay ang maliit na pintuan ng gate namin ng makita ako.

"Get in, wala pa ang papa mo. Kakausapin ko siya mamaya pag uwi ko."

"Bakit? Saan kapa pupunta?" tanong ko ulit. Nagiging madaldal talaga ako kapag siya na ang usapan. Hindi naman ako madaldal sa iba pero kapag tungkol kay Ezekiel ang usapan halos lahat na maliit na impormasyon aalamin ko.

"None of your business..." diin na sabi nito.

Bumuntong hininga ako," Puwede mahingi number mo?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko. Umiling iling ito.

"What for?" he said using his baritoned voice.

"Bawal ba humingi ng number mo?"

Umirap ito at kinuha ang cellphone ko. Tinipa nito ang number niya doon at halos magdiwang ako.

"Thanks!" sabi ko ng isauli niya ang cellphone sakin.

"Pumasok kana.."

Tumango tango ako at hinawakan ang saya ng aking gown bago pumasok.

Hindi pako nakapasok sa gate nang humarurot na ang kotse nito paalis. Hay, hindi siya gentle man! But it's okay!

Bakasyon na pagkatapos ng prom namin. Sumama ako minsan sa hacienda pero hindi ko na talaga nakita si Ezekiel.

"Ba't hindi mo tawagan? May number ka naman niya di'ba?" si Cindy habang nakatihaya sa sofa. Nandito kami ngayon sa kuwarto ko at nanunuod ng netflex. Nasa mesa yung laptop at ako naman ay nakaupo sa sahig.

Pag talaga may bisita ang may ari pa ang nag aadjust..sila naman ay feel at home. Grabe.

"Hindi nga ako nirereplyan!" ungot ko. Two weeks yung bakasyon namin. Noon, kahit nasa abroad si papa, nagbabakasyon ako sa mga tita ko sa Milan o Maldives. Ngayon...parang ayoko nang iwan ang Pilipinas.

"Sa kalibre ba naman ni Zeke? He's a tycoon, busy talaga iyon."

"Grabe naman. Kahit "Hi" o "Hello" man lang sana."

Umupo bigla si Cindy mula sa pagkakahiga. "Alam mo Cat, makaasta ka e' kinuha ni Zeke yung virginity mo!"

Tumango tango agad ako, hindi nagdalawang isip.

"Oo.."inosenteng sabi ko.

Halos mawala yata ang kaluluwa ko nang bigla akong sipain ni Cindy!

"Aray! It hurts! Ang tigas ng paa mo!"

"Wala akong pake kung matigas! Ano?! Hindi kana virgin?! My God Cassiee!"

Pinalo ko naman yung ulo niya ng throw pillow. "Pwede ba makinig ka muna? Atat ka? Ang sakit mo manipa!"

"Ah, ganon ba.Sorry.." hinimas nito ang aking likod na sinipa niya. "Ano ba iyon? Nakakagulantang naman kasi."

"Hinalikan ko siya nung kelan-"

Hindi na natapos yung sinabi ko nang sinabunutan ako nito at parang kiti kiti.

"Hala! Hala! Nakakakilig! Tumagal ba? Ilang minuto? Oras?"

Inayos ko ang buhok ko, "Uh, three seconds?" parang tanong rin ang sagot ko.

Nalupaypay ito bigla at bumusangot, "Ayos rin pala ang first kiss mo. Goodluck nalang saiyo ha? Kokoronahan na kita bilang isang stalker at martyr."

"Suportahan mo nalang kaya ako! Magiging akin rin si Zeke. Gagawin ko lahat." Determindo kong sabi.

Lumipas ang araw na iyon, gabi na umuwi si Cindy. Si papa naman nasa abroad. Mag isa na naman ako sa mansyon. Hindi naman mahigpit si papa sakin. Nakakalabas naman ako na mag isa. Depende sa luhar na pupuntahan.

Nakapajama na ako at handa nang matulog pero nababalisa ako dahil hindi parin nagrereply!

Hindi ko na nakayanan, napagdesisyonan na tawagan ito. Sa ikalimang ring nito ay halos mapabangon ako dahil sinagot.

"Hello Zeke-"

"Who's this?" biglang may sumagot na babae.

Ramdam kong uminig yata ang ulo ko. "Sino ba to?" pabalik na tanong ko.

"Wrong call? You can't disturb right now-"

"Babae ka ni Zeke? Humanda ka sakin!"

Binaba ko ang tawag. Nagbihis ako nang pormal. Yung pwede pang gala pwede pang party, parang ganon.

Habang inaayos ko ang buhok tumawag ako kay papa.

"Hello pa?"

"Oh dear, how are you?"

"Okay lang papa. May tanong sana ako." hindi ko alam kung tama ba na si papa ang tanungin ko nito? Wala namang mawawala diba?

"Okay, ano iyan?"


"Uh..nasaan kaya ngayon si Zeke papa?" dahan dahan kong tanong. Kinagat kagat ko ang aking kuko.

I heard him sigh, "Ang dinig ko nasa office pa iyon until now. His sched is hectic today.."

Alright! Mabuti nalang alam ko ang tower nila!

"Thanks dad!"

"All for you hija.. Sleep kana."

"Uh okay dad. Take care!" binaba ko agad ang tawag at bumaba ng kuwarto ko.

Nang lumabas ay nakita ko ang driver namin.

"Mang Riko, Montenegro tower tayo.."

Nangunot ang noo nito parang ayaw pa akong pag buksan ng pinto.

"May pupuntahan lang ako doon. Safe naman ang tower na yun di'ba? Tsaka, babantayan mo naman ako sa labas. Sandali lang ako ,promise."



Sumuko rin si Mang Riko. Nagagalit ako at kinakabahan. Pero hindi iyon sapat para tigilan ako sa gusto ko, gusto ko lang naman makita ang babae niya that's all. May kotse ako at may driver kaya afford ko naman. No big deal.


Sa labas ng tower ay konti nalang ang tao. Base sa labas konti nalang ang palapag na may ilaw.

Hinayaan ako ng guard na pumasok. Ang front desk ay maraming kinakausap kaya sumabay ako sa mga empleyadong papasok para hindi makita. Nang makalagpas ay mabilis akong pumasok sa elevator.

"Woo!" I wiped the sweats on my forehead.

Pinindot ko ang floor na natandaan ko noon ng nagkameeting sila ni papa na kasama ako.

Bawat hakbang ko parang matutumba ako dahil sa nerbiyos. Pero wala nang atrasan, titignan ko lang naman!

Hindi na ako kumatok. Diretso ko na iyon binuksan. Walang ingay ang pintuan ng binuksan ko. Dahan dahan kong nilibot ang tingin ko. Walang tao sa likod ,sa may sofa. Pero nang tumingin ako sa mesa nakita ko doon ang dalawang tao.

The girl kissing Ezekiel. Si Zeke ay nakaupo sa mesa niya at ang kamay ay nasa baywang ng babae. Ang babae naman ay nakaangkla kay Zeke at inaanggulo ang ulo para mahalikan ng madiin.

Parang kidlat yung nangyari. Naramdaman ko nalang na hinila ko ang braso ng babae kaya nahiwalay silang dalawa.

Nakita ko pa kung paano nangunot ang noo ni Zeke at tila nagalit.

"Fuck..." mura nito ng makita ako, halatang gulat.

"Oh god! Who are you?!" so ito pala yung babaeng sumagot ng cellphone kanina ni Zeke?

"Ikaw sino ka? Hindi naman ikaw yung girlfriend ni Zeke na nasa magazine!"

Halos pumiyok ang boses ko, nangingilid rin ang luha ko.

"Anong ginagawa mo dito Catalena?!" hinawakan ni Zeke ang braso ko at hinila. Niluwagan niya ang polo nang marahas. His chest became red.

"So siya pala yung babae na sumagot kanina ng cellphone mo?!" galit ko nang patuloy akong hinila.

"Bitawan mo'ko.." gigil ko.

Marahas niya akong binitawan nang nasa labas na. Malayo sa office kanina. Walang tao dito.

Halos nanlulumo akong tingnan ang labi niya na nahalikan ko na noon at humalik sa iba ngayon. Parang di ko tanggap!

"Anong inaakala mo ang ginagawa mo Catalena!? Gabi na. Ba-' Shit!" marahas nitong ginulo ang buhok.

"May babae ka! Siya yung babaeng sumagot ng cellphone mo ng tumawag ako!'" Hinampas ko ang dibdib niya. "Hindi mo sinagot mga tawag ko!"

"Catalena!"

"Babaero ka-" sinikop nito ang dalawa kong kamao at tinulak ako sa dingding.

"Can you stop?! Please?!" sigaw nito sakin. "Kahit di ko sagutin ang tawag mo, kahit ilang babae pa ang hahalikan ko walang kang pakealam! You're so young! Mag aral ka nang mabuti wa'g yung ganito! Ayoko maging bad influence sayo lalo na't magkasosyo kami ng papa mo. You wanna know the truth? I am inlove with Aurora okay?! Bata kapa at hindi kita mahal."

Hindi ko makuhang lumunok o kumurap. Naramdaman ko nalang ang pisngi ko na basa ng luha at ang nanginnginig kong labi. Bawat bwelta ng kanyang salita ay napapaatras ako. Bawat atras ay nasasaktan ako.

Parang sampal sakin ang lahat. Anong nginangawa ko? Simulat sapol hindi kami. Ayaw niya sakin. Bakit ako nandito? Anong point ko?

Nagpadalos dalos ako sa batang pagmamahal ko sa kanya kaya ito ako ngayon, walang kasing sakit ang puso kong namimihit. Parang hindi ako makahinga.

Natuod rin ito nang makita ang mukha.

Yumuko ako at dahan dahan umayos para umalis na.

Umasa lang ako at nagpadalos dalos pero walang kami. Assumera lang ako. Nagising ako sa katotohanan ng mga sinabi niya.

"I-I'm sorry..." yumuko ako at tumakbo paalis ,palayo sa kanya.

Narinig kopa ang pagsipa niya sa dingding bago sumara ang elevator. Pero bago sumara iyon ay nakita ko pa ang mabilis niyang hakbang patungo sakin. Alam kong...nakita niya ang luha kong sunod sunod na bumagsak bago sumara ito ng tuluyan.

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon