I turned off my cellphone. Nasa kandungan ko si Cindy habang sinusuklay ang kanyang buhok. Si Zeus naman nakahiga sa kabila at nakatakip ang braso sa mga mata.
It's six in the evening. Iyak ng iyak si Cindy kanina at naawa ako sa kanyang mga hinaing.
"Kanina kapa ba dito?" tanong ko kay Zeus dahil alam kong gising siya.
"Oo. Saktong padaan ako sa village na'to ng tumawag si Cindy. "
Ibig sabihin medyo close sila ng mga nakaraan? At hindi ko iyon alam dahil nga simula nang tumira ako kay Ezekiel ay medyo hindi na ako nakakalabas. I will explain to Ezekiel later kung bakit ako ginabi.
"Ma'am Catalena?!" tinawag ako ng yaya nila Cindy na nasa ibaba ng tree house.
"Po?!" hinawakan ko ang ulo ni Cindy na humihilik sa kakatulog. Nilagay ko ang ulo niya sa throw pillow tsaka' lumabas ng tree house.
"Ma'am may naghahanap po sainyo! Uuwi na'raw kayo!" sigaw nito ulit.
Nagmamadali akong inayos ang sarili bago tumayo. "Zeus! Pakibantayan si Cindy hanggang dumating sila tita at tito."
"Fine. Ingat."
Lumabas ako ng tree house at pumasok sa bahay nila Cindy. Sa sala ay nakita ko si Ezekiel na nakaupo, nakabahagi ng malapad ang dalawang hita at nakapatong doon ang siko.
Kumalabog ang dibdi ko lalo nang makita ang seryoso nitong mukha habang nakayuko.
"Uhm Z-Zeke." Hindi ko alam kung ngingiti ako o' ngingiwi. Hindi ako umuwi at pinatay ko ang cellphone ko dahil alam kong pauuwiin niya ako agad. I will explain now anyway.
Tumayo siya at tiningnan ako.
"Let's go." sabi nito. Tumango ako pero hindi nakaligtas sakin ang matalim niyang tingin.Hinawakan niya ako sa baywang hanggang sa labas ng bahay. He opened his car habang sa kabila naman ay ang SUV na sumundo sakin kanina. Sumakay ako sa sasakyan niya bago siya sumunod.
I licked my lips at tiningnan siya. He did'nt say anything. Nagbigay iyon kaba sakin. Nagmumura nalang ako sa aking isipan.
"I'm sorry. I-"
"After you turned your phone off you'll say that?" He smirked madly. Kumuyom ang kamay nito sa steering wheel. Napalunok ako at umayos ng upo.
"I'm sorry. H-Hindi ko lang kasi alam ang sasabihin sayo lalo na't alam kong pipilitin mo'kong umuwi." I explained.
"Sakin ka nakatira so you will deal with my terms. I am your fiance.''
"I know!" agap ko.
"Pero matigas ang ulo mo!" parang kulog ang boses nito. Namula ang dibdib nito at matalim akong tiningnan. He close his eyes and massaged his nose bridge.
Tumahimik nalang ako kaysa patulan siya. Alam kong kasalanan ko rin naman.
Hindi ko matanggal ang tingin kay Zeke lalo na't naiilawan ng bahagya ang kanyang mukha sa tuwing may madaanan kaming lamp post. The erotic lights plus his furious face makes him more handsome.
Pag dating namin sa unit niya naghubad agad siya ng pang itaas. I think ay hindi ako masasanay sa basta basta niyang pag balandra ng katawan sa harap ko. Umiwas ako at nilapag ang bag sa sofa.
"Kumain ka at aalis tayo." Umalis siya sa tabi ko at pumunta sa itaas.
Napakurap kurap ako at sinunod ang mga sinabi niya. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Pagkapasok ko nalang sa kwarto namin ay may nakalatag nang gray tube dress with glitters on the waist. May set ng kwintas at hikaw sa harapan ng vanity mirror.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...