Natapos ang bakasyon naming iyon na napupuno ng masayang kaganapan.Umuwi kami dahil dalawang araw nalang kaarawan na ng kambal. Madalian ang bawat paghahanda namin. Gusto ni Ezekiel ng magarbong party para sa aming anak.
Ayoko nang pahirapan pa kaming dalawa. I can feel that he's true with his words. Pinanghahawakan ko iyon ngayon. Sumugal ako ulit dahil mahal ko siya hindi dahil may anak kaming dalawa.
Dahil nga sa kawalan ng oras at pagmamadali ni Zeke ay gusto na niyang kausapin ang kanyang ama at kapatid tungkol sa amin. Sakto iyon dahil may malaking party ang mga Businessman ngayong gabi.
Hindi na ako nakauwi sa mansyon ni William dahil sa kagagawan ni Zeke. Pate ang dalawang kambal ay halos ayaw na niyang tigilan.
Tonight, I wear a sleek dark gray backless gown. Ang aking buhok ay nakakulot at nakalugay sa aking balikat para maexpose ang aking hubad na likod.
"May gusto ka pa bang idagdag para sa birthday ng kambal bukas?" tanong niya habang nagdadrive. Hawak niya ang aking kaliwang kamay at nakasiklop iyon.
Umiling ako. "Wala na. Ang dami na nga ng handa natin."
He sighed. "They are my sons and I want it to be perfect."
Ngumiti ako. Kinagat ko ang labi dahil sa hindi masanayang na ganito na pala kami ngayon. Hindi ko parin mapagkakaila ang pagka asiwa ko.
He groaned. Bigla niyang itinigil ang kotse sa gilid ng daan. Pareho kaming napatingin sa kotseng bumusena pa samin bago kami lampasan dahil sa biglaang pagtigil ni Zeke.
"B-Bakit?" My heart beat so fast again.
Umiling siya at nilapit ang mukha sakin. Humilig ako sa sandalan ng upuan at hinayaan siyang ilapit pa ang katawan sakin.
"Thank you." he whispered sincerely. "Kung hindi kapa bumalik sakin baka nabaliw na'ko ng husto."
Hinaplos ko ang kanyang panga. Ang kanyang mata na kasing dilim ng kalangitan pero nakitaan ko ng kislap tulad ng mga bituin.
"I trust you." Huminga ako ng malalim. I licked my lips at tinitigan siya sa mga mata. "K-Kahit natatakot akong masaktan ulit."
Umiling siya. "Hindi na kita sasaktan ulit. Sa kama oo pero-"
Kinurot ko siya sa braso kaya huminto siya at pumikit ng mariin dahil sa pananakit ko sa kanya. Tila ininda niya lang iyon at hinayaan lang ako.
"Pagbibigyan kita sa pananakit sakin kasi mahal kita." Pilyo niyang sabi at hinalikan ang aking labi.
"Tse! Mali-late na tayo. Naghihintay sila papa mo doon!"Kinagat niya ang labi at hinalikan ako ulit ng mas malalim.
Marami na akong napuntahan na parties na magagarbo. Hindi ko makakaila na isa rin ito sa mga 'yun.
"Dad's here.'' Zeke announced. Sinilid niya ang cellphone sa bulsa at hinila ako upang hawakan ang aking baywang. I smiled at him.
Marami agad ang nakaabang na media at photographer na nandoon. May iilang nagkwestiyon sa kanya na tingin ko'y parte ng kompanya na sinagot niya ng tipid.
"Mr. Montenegro. Is she your girlfriend?" A gay asked.
"Fiancee." Zeke drawled lowly.
"Ohhh ! " Nasapo nila ang dibdib at hindi makapaniwala.
"She's pretty!" sigaw ng isa na namamanghang tiningnan ako. Medyo, nasstress ako sa mga ganitong tao.
Hindi na nagbigay ng anumang komento si Zeke at hinila na ako paalis sa watermarked doon.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...