Chapter 2: The Girl

1.6K 55 3
                                    

The Girl.

~~~~

Creed POV

Imbis na dalhin siya sa hospital ay dinala ko nalang siya sa bahay ko.
Yung bahay ko na ako lang mag isa hindi yung kasama sila Fin ah.

Pasensya na ang dami ko kasing bahay. Ganyan talaga pag mga gwapo.
Saan ka pa makakakita ng bampirang mayaman, mabait at Gwapo diba? Mwahahaha.

So ayun nga, dinala ko yung babaeng muntik ko ng masagasaan dito sa bahay ko. May nakalimutan kasi akong papeles dito sa bahay kaya dito ko nalang siya dinala.

Ipapa asikaso ko nalang to kay manang, kailangan ko rin agad umalis eh.

"Manang? May babae don sa sofa naka higa at walang malay. Ikaw na muna bahala sa kanya kasi aalis pa ako." Sabi ko agad namang tumango si Manang.

"At saka nga pala. Pag nagising siya bigyan mo pagkain at wag mong papaalisin." Sabi ko. Muli siyang tumango. Nag teleport na ko papunta sa kotse ko saka nag maneho papunta sa opisina ko.

3 AM na ako natapos sa gawain ko sa opisina. 3:30 AM na ako naka uwi sa bahay ko. Pag dating ko don ay nasa sofa parin yung babae at wala paring malay.

"Manang?"

"Po?"

"Nagising na ba yan?" Tanong ko.

"Nako po hindi pa nga po eh. Mataas po ang lagnat kanina." Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Sir kakain po ba kayo?"

"Hindi na. Nakakain na ko kanina." Sabi ko. Bumalik siya sa kanyang kwarto habang ako naman ay nilapitan yung babaeng wala paring malay.

Ano ba naman itong babaeng ito? Daig pa si sleeping beauty kung makatulog.

Pinag masdan ko yung mukha niya.
May kayumanggi at makinis siyang kutis. Mahabang pilikmata, pointed nose, mapupulang labi at may nunal pa sya sa bandang pisngi niya. Mahaba din ang itim nyang mga buhok na sa palagay ko ay hanggang bewang niya iyon.

Kinapa ko yung nuo niya at napansing medyo mainit pa siya.

Isa siyang tao. Purong dugo ng tao ang naaamoy ko sa kanya.
Mabango ang dugong nananalaytay sa kanya. Wala akong maamoy na dugong bampira o dugong werewolf.

"Sino ka?" Napa atras ako ng idilat niya ang kanyang mga mata. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang kulay brown niyang mga mata. Napa lunok ako dahil ngayung mga oras na ito para akong naka tingin sa isang diwata.

"Nasan ako?" Tanong niya at nilibot ang paningin sa buong bahay ko. Nanatili akong naka tingin sa kanya hanggang sa tumingin sya sa akin. Muling nag tama ang mga paningin namin.

Ano itong nararamdaman ko? Bakit kinakabahan ako?

"Sino ka?" Tanong niya dahilan para mabalik ako sa wistyo ko.

"A...ano teka sino ka ba?" Tanong ko.
Kumunot ang nuo nya.

"Ako ang unang nag tanong." Sabi niya.

"So kailangan ako ang unang sumagot?" Tanong ko.

"Nasan ba ako?" Tanong niya.

"Sino ka nga muna kasi." Sabi ko.

"Ako ang unang nag tanong."

"Wala akong pake alam nasa teretoryo kita." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim.

"Ako si Rizden ngayun ikaw naman ang mag pakilala." Sabi niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Rizden? Hmmm.

"At bakit ko naman ipapakilala ang sarili ko sayo?" Tanong ko. Napa irap siya at tumayo mula sa pagkaka higa sa sofa.

"Kung sino ka man. Salamat sa pagkupkop sakin ng panandalian. God Bless." Sabi niya at umambang mag lalakad na ng bigla akong humarang sa dadaanan niya.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Uuwi na?" Tanong niyang sagot.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi." Sabi ko. Kumunot ang nuo niya.

"Kasi may lagnat ka pa saka di ka pa kumakain." Sabi ko.

"Salamat nalang Mr i don't know who you are. Pero baka kasi hinahanap na ako ng kapatid ko kaya uuwi nalang ako." Sabi niya.

"Teka lang." Sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

Bakit ba pinipigilan ko siyang umalis?
Litse anong nangyayare sa akin?

"Creed." Sabi ko.

"Ha?"

"Creed ang pangalan ko." Sabi ko.

Ngumiti siya. Bagay na nag pakabog sa puso ko. Tanginaaaaaaaa.

"Salamat sa pag kupkop Creed." With that. Tumakbo na siya palabas ng bahay ko.

Naiwan akong naka tulala sa kinatatayuan ko habang naka tingin sa kaninang kinatatayuan niya.

Shit! Her smile! Damn!

What the hell is happening to me?
~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Tweet me @redious_inFacebook: Arline Laure llInstagram: rediousinpaper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Rizden Quatre

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon