Chapter 21: Aphrodite

932 37 1
                                    

Aphrodite

~~~~

Rizden POV

Huminga ako ng malalim, ang daming nag bago simula ng mawala ang paningin ko. Hindi ko pa kayang kumilos ng ako lang mag isa, hindi pa ako sanay na wala akong makita. Puro dilim, maitim at para kang nasa malungkot na lugar.

Nasaan ba si Creed?

Nandito ako sa kwarto niya, hindi parin ako lumalabas. Kanina nag paalam si Creed sa akin may gagawin lang daw siya saglit at babalik din siya. Pero ilang oras na ang lumipas pero wala parin siya.

"Kapag naging bampira ka gaya namin."

Naalala ko ang sinabi ni Creed sa akin. Maging bampira gaya nila? Pero paano Rio? Kapag naging bampira ako paano ang kapatid ko?

"Hi?" Natigil ako ng marinig ko ang boses ng isang babae. Hindi yun familiar sa akin.

"Sino ka?"tanong ko.

Walang sumagot.

"Hindi mo ko nakikita?"tanong nito at base sa boses na narinig ko nasa harap ko siya.

"Sumagot ka sino ka?"tanong ko ulit.

"Ako si Aphrodite." Sagot niya.
Kumunot ang nuo ko. Aphrodite? Sino yun? Hindi nasabi sakin ni Creed sa akin kung sino yung Aphrodite.

"Don't worry hindi naman kita sasaktan. I'm a friend."sabi nito at naramdaman kong umupo siya sa kaliwang bahagi ko.

"Pinapunta ako ni Van dito, kasama niya si Creed."sabi niya.

"Ahh."yan nalang ang nasabi ko.

"If you don't mind... Bakit di mo ko makita?"tanong niya.

Natahimik ako. Bakit kailangan niyang tanungin sakin yan?

"The last time na nakita kita ang alam ko nakaka kita ka."sabi nito kaya kumunot ang nuo ko.

"Nakita mo na ko?"tanong ko.

"Sa party nila Fin at Clementine, kasama ako ni Van at Von."sagot niya.

"Wala akong natatandaan na may nakilala akong Aphrodite sa party."sabi ko.

"It's because hindi ako nag pakilala sayo."sabi niya.

"Now, bakit..... Wala kang makita?"tanong niya.

Lumunok ako at huminga ng malalim.

"Dahil sa sakit ko."sagot ko.

"Mga tao nga naman." Dinig kong bulong niya.

"Hindi ka tao?"tanong ko.

"Nope."sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Pero hindi naman kita sasaktan, I'm a friend."mabilis niyang sabi.

Naka hinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Nakita ko si Creed kanina na.... Umiiyak sa baba." Biglang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

"Sa palagay ko sobrang importanteng tao ka para sa kanya."dagdag niya.

"Limang araw nalang ay mawawala na ko."sabi ko.

"Limang araw?"

"Sabi ng doctor."sagot ko.

"Bakit ba napaka iksi ng buhay niyong mga tao?"tanong niya, natawa ako.

"Hindi ko din alam."sagot ko.

"Sa loob ng limang araw na iyon wala kang nakikita?"tanong niya.

"As if naman babalik pa ang paningin ko?"sagot ko.

Naramdaman kong natahimik siya.

"Alam kung ngayun palang tayo nag usap Rizden pero pwede favor?"tanong niya.

"Ano yun? Wag mahirap ah di na nga ko nakaka kita eh."biro ko. Narinig ko ang pag tawa niya.

"Pag katiwalaan mo ko."sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Saan?"tanong ko.

"Ipikit mo mga mata mo."utos niya.

"Anong gagawin mo?"tanong ko.

"Basta." Sagot niya.

"Wala akong tiwala sayo."sabi ko.

"Kailangan mong mag tiwala sakin." Sabi niya.

"Wala namang mawawala kung susubukan mo diba?"dagdag niya kaya natahimik ako. Dahan dahan kung pinikit ang mga mata ko at naramdaman kong hinaplos niya ang talukap ng mata ko.

"Alam kong sa ganitong paraan matutulungan kita."dinig kong sabi niya.

"Buksan mo na ang mga mata mo." Sabi niya. Dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko at unang tumambad sakin ang kulay Itim na pader, mga itim na gamit. Lumingon ako sa katabi ko. Nakita ko ang babaeng naka upo sa tabi ko, kulay ginto ang mga buhok niya, kulay pula ang mga labi niya at maputi siya.

"N-nakaka kita na ko?"tanong ko, nakita kong ngumiti ito ngunit kakaiba.

"P-paano?"tanong ko.

"Rizden!" Napa lingon ako sa nag bukas na pinto at nakita si Creed na hinihingal kasunod ang mga kapatid niya.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!"galit na tanong ni Creed kay Van habang naka turo ang daliri niya kay Aphrodite.

"Wala siyang ginagawang masama."sabi ko at tinignan si Aphrodite na kakaiba ang kilos. Bakit hindi nya tinitignan sila Creed?

"Rizden ayus ka lang ba?"agad na tanong ni Creed sa akin ng maka lapit siya, hinawakan nya ang dalawang braso ko at niyakap.

"N-nakaka kita na ko ulit."sabi ko dahilan para matigilan si Creed.

Kumalas siya sa pagkaka yakap sa akin saka tumingin sa akin.

"Paano?"tanong ko, tumingin ako kay Aphrodite.

"No... Hindi hindi Aphrodite anong ginawa mo?"bakas sa mukha ni Van ang pag aalala ng lumapit siya kay Aphrodite.

Ngumiti si Aphrodite. Hindi niya parin tinitignan si Van.

"Pinahiram ko sa kanya ang paningin ko." With that nang hina ako. Pinahiram niya ang paningin nya sa akin?

"Ano? Bakit? Hindi mo dapat ginawa yun Aphrodite!" Inis na sabi ni Van habang naka luhod sa harap ni Aphrodite. Ibig sabihin... Sya naman ang hindi nakakakita?

"Kasi sa ganong paraan ko lang siya matutulungan, isa pa malaki ang kasalanan ko sa kanya. Muntik na siyang mamatay ng dahil sakin." Sabi niya. Kumunot ang nuo ko.

Bigla kong naalala yung nangyare sa party nila Fin at Clementine. Siya... Siya yung black vampire na gustong patayin si Clementine? Pero bakit ginto ang buhok niya ngayun at hindi itim? Isa pa....

"Kung hindi ako nag padala sa emosyon ko ng makakita ako ng dugo.... Siguradong hindi nagka gulo sa party ni Fin at hindi napahamak si Rizden." Naka ngiting sabi ni Aphrodite.

Ibig sabihin....naging ganon lang siya ng dahil sa dugo?

"Kahit na dapat hindi mo binigay ang paningin mo!"

"Pinahiram ko lang naman yun Van, makaka kita din ako pagkatapos ng limang araw."sabi niya at huminga ng malalim.

"Nakaka awa sya, paano niya makikita ang mga ginawa ni Creed kung wala siyang paningin? Sa loob ng limang araw na natitira sa kanya paano niya masusulit ang mga araw na iyon kung hindi siya makaka kita?"tanong ni Aphrodite.

Namuo ang luha ko. Napaka bait niya.

"Paano siya magiging masaya sa mga natitira niyang araw kung puro kadiliman ang nakikita niya?"

Hindi ko na napigilan, agad akong lumapit kay Aphrodite at niyakap siya.

~~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon