Chapter 23: Rio

886 32 2
                                    

Rio

~~~

Rizden POV

Tumingin ako kay Creed na naka ngiti habang hawak ang kamay ko.

"Bababa na tayo."sabi ko, tumingin siya sa akin.

"Oo nga bababa na tayo."sabi niya.

"Paano tayo bababa kung di mo binibitawan ang kamay ko Creed?"tanong ko. Nag pout siya.

"Wag na kaya tayo bumaba?"tanong niya. Inirapan ko siya.

"Creed?"nag babantang sabi ko.

"Eto na."sabi nya at binitawan ang kamay ko. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at lumabas, tumingin ako sa harap ng bahay namin.

"Ba't naka patay ang ilaw?"tanong ni Creed sa akin.

"Baka tulog na si Rio."sagot ko. At nag lakad para buksan ang maliit naming gate, nag taka ako ng hindi iyon na sarado, naka awang iyon. Napa iling ako. napaka pasaway talaga ni Rio, sabi ko isarado ang gate. Nag lakad ako palapit sa pinto ng hilahin ako ni Creed.

"Bakit?"tanong ko.

Tumingin siya sa paligid.

"May naaamoy akong black vampire."sagot nya, nanlaki ang mga mata ko.

"Si Rio." Sabi ko at kumalas sa kanya saka binuksan ang pinto kita ko ang ilang mga nag kalat na gamit sa lapag.

"Rio?"tawag ko at binuksan ang ilaw at doon ko nakita ang kabuohan ng kalat sa loob.

"Rio nasaan ka?"kinakabahang tanong ko.

"Rio?" Agad na tumulo ang luha ko ng wala akong makitang Rio sa loob ng kwarto namin.

"Creed... Creed si Rio." Sabi ko, agad nyang nilabas ang cellphone niya at may tinawagan. Hinalughog ko ang buong bahay namin pero walang Rio sa loob.

Nang hihina akong napa upo sa lapag ng makita ang kwintas na laging suot ni Rio.

"Papunta na ang mga kapatid ko dito." Tumingin ako kay Creed.

"Creed.... Creed may kumuha kay Rio, Creed hanapin natin siya." Umiiyak kong sabi kay Creed. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang luha saka niyakap.

"Hahanapin natin siya pangako yan."

Creed POV

Ilang minuto ang lumipas at kumalma na si Rizden. Kanina pa siya iyak ng iyak habang hawak yung kwintas.

Kasama niya sa loob ng kotse ko si Leona at Leana.

Habang ako naman ay nandito sa loob ng bahay nila Rizden kasama sila Von, Van, Fin at yung Aphrodite na naka upo sa isang upuan.

Nag hahanap kami ng ilang bakas ng kung sino ang pwedeng kumuha kay Rio.

"Wala akong nakita sa Kwarto."sabi ni Van na kakalabas lang sa kwarto.

"Wala din sa kusina."sabi ni Von na kasunod lumabas si Fin.

"Sinong kumuha kay Rio?"tanong ko.

"Ano to?"tanong ni Fin at may kinuha sa likod ng pinto. Isang singsing na may tatak na ahas sa gitna habang may diamante sa buntot nito.

Kinuha ko yun kay Fin at tinignan.

"Maaaring pag mamay ari to ng kumuha kay Rio."sabi ko.

Nabaling ang paningin ko kay Von at Van na naka titig sa hawak ko.

"Familiar yang singsing na yan."sabi ni Van at napa kamot sa ulo.

"Oo nga parang nakita ko na yan sa kung saan."sabi naman ni Von.

"Alalahanin nyo kung saan niyo nakita ang singsing na ganito."sabi ko.

"Maaari ko bang hawakan?"napa tingin kami kay Aphrodite na naka upo at naka tingin sa kawalan.

"Anong maitutulong mo eh hindi ka nga--"naputol ang sasabihin ko ng inagaw sa akin ni Van ang hawak ko at binigay kay Aphrodite. Kinapa kapa iyon ni Aphrodite at inamoy. Weird.

"Isang singsing na may tatak na ahas sa gitna at may diyamante sa buntot tama ba?"tanong niya kaya nagulat akong napa tingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?"tanong ko.

Ngumiti lang siya.

"Mukhang alam ko na kung sino ang kumuha sa kapatid ni Rizden."sabi niya kaya kumunot ang nuo.

"At sa tingin mo maniniwala kami sayo? Isa kang black vampire at--" napatigil ako ng ma realize ko ang sinabi ko.

Black vampire.

"Tama! Singsing ng isang Black vampire yan kaya pala familiar kase may ganyan din si Aphrodite."sabi ni Van at tumingin siya sa akin.

"Eh di yang Aphrodite na yan ay isa sa mga kumuha sa kapatid ni Rizden."sabi ko at akmang susugod kay Aphrodite ng harangan ako nila Von,Van at Fin.

"Bro, ng dahil kay Aphrodite nakakita ulit si Rizden." Sabi ni Fin kaya napa tigil ako.

"Isa akong black vampire pero hindi ko kaya manakit ng tao o ng kapwa ko bampira."naka ngiting sabi ni Aphrodite habang naka tingin sa kawalan. Hindi ako nag salita.

Napalunok ako. Oo nga pala, may utang na loob ako sa babaeng itim na bampira na yan.

"Ang pag usapan natin ay kung paano natin makukuha yung kapatid ni Rizden."sabi ni Von at umupo.

"Matutulungan ko kayo."napatingin na naman ako sa Aphrodite na yun.

"Wag na, lalong dumadami ang utang na loob ko sayo baka singilin mo lang ako."sabi ko at inirapan sila.

"Napaka taas talaga ng aspeto ng ego mong kupal ka."sabi ni Van sa akin at inirapan ako.

"Hindi naman ako maniningil, gusto ko lang maka tulong."naka ngiting sabi ni Aphrodite.

"Hindi ba napupunit yang pisngi mo kakangiti?"inis kong tanong.

"Hindi ba nangungulubot yang nuo mo kaka kunot?"balik na tanong nya kaya natawa ang tatlo, tinignan ko lang siya ng masama saka sila inirapan.

"Mag tiwala ka sa kanya Bro."sabi ni Van.

"Wala akong tiwala sa mga black vampire."sabi ko at tinignan yung Aphrodite.

"Pero dahil gipit na gipit ako at para sa kapatid ng asawa ko. Sige, tulungan mo kaming makuha yung bayaw ko."sabi ko.

"Ang gago di pa nga kasal 'asawa ko' ang tawag, sinong niloko mo?" Tanong ni Von.

"Pake mo ba? Inggit ka lang dahil wala kang asawa."

"As if mag aasawa ako?" Sabi niya at naunang lumabas ng bahay.

Tinulungang tumayo ni Van si Aphrodite.

"Madadala ko kayo sa pinag tataguan ng mga black vampire."sabi ni Aphrodite.

"Pero nirerekomenda ko na bukas na lamang tayo mag punta don dahil sa mga oras na ito nag sisilabasan sila para kumuha ng mga bata." Sabi niya.

"Ano bang ginagawa ng mga yun sa mga bata?"tanong ni Fin.

"Iniinom nila ang dugo."sagot niya saka huminga ng malalim.

"Mas maganda kung may mga dala kayong sandata laban sa mga yun. Madami sila at masyadong malalakas."sabi niya saka nag lakad, tinulungan naman siya ni Van mag lakad.

Huminga ako ng malalim.

"Ipapa alam mo ba kay Rizden?" Tanong ni Fin na nasa tabi ko. Tinignan ko siya.

"Hindi ko alam, baka mapaano siya pag sumama siya sa atin."sagot ko.

"Kung ganon wag mo nalang sabihin sa kanya kung ano ang kumuha sa kapatid niya. Iiwan natin sya kasama nila Leona at Leana."sabi niya at tinapik ang balikat ko saka lumabas sa pinto.

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon