Chapter 20: 5 Days

900 33 1
                                    

5 Days

~~~~

Creed POV

Pinag mamasdan kong maigi si Rizden na mahimbing ang tulog sa tabi ko.
Matapos ang pag uusap namin kagabi ng mga kapatid ko sinabi nila sa akin na tutulong sila kay Rizden lalo na si Van.

Hinawi ko ang buhok na naka harang sa mukha ni Rizden at pinag masdan ang maamo niyang mukha.

Hindi pwedeng mawala ang babaeng ito sa akin. Kung ang tanging paraan lang para mabuhay siya ng matagal ay maging bampira gaya namin ay gagawin ko.

Napa tingin ako sa leeg ni Rizden.

"Kapag nakagat ng isang purong bampira ang leeg ng isang tao na may halong pag mamahal, ang taong ito ay magiging bampira."

Naalala ko ang sinabi ni Fin sa akin.
Hindi ako pure vampire, isa akong bampira na may halong wolf.

"Creed..." Nabaling ang paningin ko kay Rizden na naka pikit parin.
Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay kong naka yakap sa kanya.

"Nakaka kita ka na ba?"tanong ko. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. Ngumiti siya at umiling.

"Hindi."sagot niya. Biglang namuo ang luha ko.

"Creed ayoko na dito." Sabi niya.

"Saan mo gusto? Dadalhin kita."sabi ko.

"Gusto ko sa isang paraiso."sabi niya.

"Tara dadalhin kita doon ngayun. "Sabi ko.

"May gusto ka bang sabihin sa akin Creed?"tanong niya na nag patigil sa akin.

"W-wala naman."sagot ko.

Tumango tango siya saka ipinikit ulit ang mga mata.

"Nag bago na ang isip ko. Mas gusto ko nalang na matulog."sabi nya.

"Rizden...."

"Hanggang kelan mo itatago sakin?" Tanong niya.

"Alam kong pag tapos ng anim na araw mamamatay na ko."sabi niya kaya napatitig ako sa mukha niya.
Nakapikit siya at para bang wala lang sa kanya ang mga nalaman niya.

"Gusto ko Floral white ang kabaong ko, naka dress ako ng itim at gusto ko naka red lipstick ako pag nasa loob na ko ng kabaong."napa mura ako.

"Ano bang mga sinasabi mo Rizden?"tanong ko. Nakita ko ang ngiti ss labi niya.

"Yung kapatid ko..... Sa oras na mawala na ako sana alagaan mo siya."sabi niya.

"Rizden tama na, hindi... Hindi ka pwedeng mawala."agad na tumulo ang luha ko.
Binuksan niya ang mga mata niya.

"Gagawa tayo ng paraan para hindi ka mawala naiintindihan mo ba?"tanong ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

Ngumiti siya.

"Bakit?.... Bakit ayaw mo kong mawala Creed?"tanong niya.

"Kasi... Kasi pag nawala ka sino nalang ang magiging secretary ko? Saka ayokong.... Ayokong alagaan ang kapatid mo." Pag sisinungaling ko. Hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Na duduwag ako.

"Ang sabi ng doctor... Malala na ang mga cancer cells mo pero.... Pero gagawa ako ng paraan para mabuhay ka."sabi ko at hinawakan ang kaliwang kamay niya.

"Hindi ako papayag na mawala ka." With that kitang kita ko kung paano umagos ang luha niya sa mga mata niya.

Parang pinipiga ang puso ko habang naka tingin sa kanya.

"Wala ng paraan Creed, kahit anong chemotherapy ang gawin sakin alam kong hindi ko iyon makakayanan."umiling iling ako.

"Hindi, hindi Rizden... May paraan pa. Sinabi sakin ng kapatid ko na pwede pang humaba ang buhay mo."sabi ko.

Natawa siya.

"Sa paanong paraan naman?"tanong niya.

"Kapag.... Kapag naging bampira ka gaya namin."sagot ko. Natahimik siya. Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Yun nalang ang paraan Rizden... Yun nalang ang natatanging paraan."sabi ko at hinalikan ang kamay niyang hawak hawak ko.

"Kung ganon bakit hindi mo pa ko gawing bampira ngayun Creed?"tanong niya.

"Hindi ko kaya."sagot ko.

"Akala ko ba ayaw mo kong mawala?"tanong niya.

"Oo nga, ayaw kitang mawala pero... Hindi kita kayang gawing bampira kasi... Hindi naman ako purong bampira Rizden, isa akong bampira na may halong Wolf."sabi ko.

"At ang makakagawa lang sayo non ay isang purong bampira na may pag mamahal sayo."dagdag ko. Natawa siya.

"Mukhang hindi umaayon ang pag kakataon sa atin Creed."sabi niya. Umiling iling ako.

"Gagawa tayo ng ibang paraan. Pangako yan." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay kong naka hawak sa kanya.

"Sa tansya ko limang araw nalamang ang natitira sa akin bago ako mamatay tama ba?"tanong niya

Tinitigan ko ang mukha niya, nawawalan na siya ng pag asa.

"May tiwala ka ba sa akin Rizden?"tanong ko.

Ngumiti siya.

"Malaki ang tiwala ko sayo Creed."sagot niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

May plano ako.

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon