Rizden and Clementine
~~~~~
Rizden POV
"Nakakahiya Creed Josmio." Sabi ko at pinigilan si Creed na lumabas ng sasakyan. Nakita ko kung paano siya natawa sa reaction ko. Paano, sino ba namang hindi mahihiya kung malalaman mong buong Angkan ng Vaughn ay nandon sa loob ng magarang itim na bahay na nasa harapan namin.
"Anong nakakatawa? Akala ko may meeting tayo sa client kaya pumayag akong sumama. Josmio hindi mo naman sinabi na sa buong angkan nyo pala tayo pupunta." Sabi ko.
"Relax okay, party ng kapatid ko ang pupuntahan natin, si Fin. He invited you kaya sinama kita." Sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.
Iniskip ko yung pag punta sa hospital para lang sa party?! Josmio marimar.
"Wag ka ngang mahiya Rizden nandito naman ako." Sabi niya kaya natigilan ako.
Ba't parang may ibang meaning yung 'nandito naman ako?'
"Saka isa pa, may mahalaga akong sasabihin sayo mamaya kaya naman tara na para mapakilala na kita sa kanila." Sabi niya at akmang bubuksan yung pinto ng pigilan ko ulit siya.
"Ipapakilala mo ako? Josmio Creed kilala na nila ako duh secretary--"
"Lalabas tayo sa sasakyan na ito o iuuwi kita sa bahay ko at doon tayo mag aaway?" Napa lunok ako, ako na mismo ang nag bukas ng pintuan at naunang lumabas.
Inaatake nanaman ng pagka bipolar si Creed.
Rinig na rinig mula sa kinatatayuan ko ang maingay na tugtog mula sa loob ng bahay. Nakikita ko din ang ilang mga bisita na pumapasok sa gate ng bahay at sinasalubong sila ng... Teka yun yong lalaki kanina na pumunta sa office ni Creed. May kasama siyang babae na maganda.
"Let's go." Bigla akong naka ramdam mg kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan ako ni Creed sa kamay at hinatak para mag lakad.
Napa tingin ako sa kamay naming magka hawak. Shit, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Agad akong kinabahan ng makarating kami sa harap nong Fin at nang babaeng katabi niya.
"Oy Creed up." Bati sa kanya ng babaeng katabi ni Fin.
"Buti nakapunta ka." Naka ngiting sabi nito.
Nakita kong ngumiti si Creed at akmang makikipag beso don sa babae ng humarang si Fin at niyakap si Creed.
"Zup bro, show some respect nandito ang asawa." Natawa ako bigla sa sinabi ni Fin. So asawa pala ni Fin itong katabi nya.
"Fin umayus ka nga." Suway sa kanya ng asawa niya.
"Napaka seloso parin." Iiling iling na sabi ni Creed at hinawakan ako ulit. Napa tingin sa akin yung asawa ni Creed at ngumiti.
"Sino yang kasama mo Creed? Girlfriend mo?" Nagulat ako sa tanong nong asawa ni Fin.
"No she's not. But i think malapit na." Sagot ni Fin.
Napa tingin ako kay Creed na natatawa lang.
"She's my friend." Sabi ni Creed at tumingin don sa babae na para bang nag uusap sila sa isip nila.
"Ohhh? Really? So malapit na?" Nakangiting tanong nong babae.
"Yes, later after the party." Sabi ni Creed dahilan para maguluhan ako. Nag usap ba sila sa isip nila?
"Hi, I'm Clementine nice to meet you." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya dali dali kong binitawan si Creed at pinunasan ang kamay ko sa damit ko saka tinanggap yung kamay ni Clementine.
"Rizden, nice to meet you." Naka ngiti kong sabi.
Nakakahiya kaya dapuan ng bacteria itong si Clementine, ang ganda niya kaya.
Nawala yung ngiti sa labi niya at napa tingin sa mga mata ko.
Ughm... May mali ba?
"Parang may problema sayo?" Tanong niya kaya napa kunot ang nuo ko.
"Ayus ka lang ba?" Tanong niya kaya napa tingin ako kay Creed.
Ako na mismo ang bumawi sa kamay ko at itinago sa likod ko. Ang weird nitong babaeng to, Bampira din ba siya gaya nila Creed?
"Bakit Hon?" Tanong ni Fin kay Clementine. Nanatiling naka tingin sa akin si Clementine.
"Nothing... It just like may mali sa kalusugan nya." Nanlaki ang mga mata ko at napa lunok.
Nakita kong napa tingin sa akin si Creed.
"Maybe she's tired, after kasi ng work namin ay niyaya ko siya mag mall tapos dumeretso na kami dito agad." Sabi ni Creed kaya naka hinga ako ng maluwag.
Napatingin ako kay Clementine na parang sinusuri ako.
"Pasok na kayo sa loob kuya, nandoon na yung mga kambal." Sabi ni Fin at tumabi.
"Okay, sunod kayo ha."
"Yes."
Hinawakan na ako ni Creed sa kamay pero nakay Clementine parin ang paningin ko.
Na sense niya ba na--
"Ayus ka lang ba?" Napatingin ako kay Creed, di ko namalayang nasa loob na pala kami.
"O-oo." Sagot ko. Humarap siya sa akin.
"Gutom ka na ba? Ikukuha kita ng pagkain." Sabi nya. Agad akong umiling.
"B-busog pa ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Ganon ba? Tara, ipapakilala kita sa mga kapatid ko." Naka ngiti niyang sabi at hinila ako.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...