Illness.
~~~~
Creed POV
Nasa harap ako ngayun ni Rizden na wala paring malay, kanina ko pa hinihintay na magising siya pero hindi parin sya nagigising.
"Mr Vaughn." Napa lingon ako sa tumawag sakin, ang doctor ni Rizden na sumuri sa kanya kanina. Sya yung pinadalang Doctor ng mas nauna sa kanya.
"Lumabas na po ang finding namin about sa sakit nya."sabi nito at halata sa mukha niya na di iyon maganda.
"Base sa result, hindi na kakayanin ng chemotherapy ang mga cancer cells na kumalat sa dugo niya. Tungkol naman sa bukol niya sa kanyang dibdib, isa din iyong cancer sa dibdib. Pahina ng pahina ang katawan ng pasyente." Napa tingin ako kay Rizden.
"Naapektohan na din pati ang paningin niya. Ang cancer cell na nasa kanya ay hindi biro, it can affect the other organs niya."
"W-wala na ba talagang... Pwedeng gamot sa sakit niya?"tanong ko. Huminga siya ng malalim at umiling.
"I'm so sorry Mr Vaughn... All you can do is to spent her remaining time." Bigla kong naikuyom ang kamao ko sa narinig ko.
Hindi pwede.
Pumikit ako at pinigilang umagos ang luha ko.
"H-hanggang ilang taon nalang siya mabubuhay?"tanong ko at tumingin sa doctor. Umiling iling ito at huminga ng malalim.
"2." Sagot niya.
"2 years?"tanong ko.
"2 days." Sabi niya kaya natigilan ako.
"Ano? Masyado naman atang--"
"Mr Vaughn... Gaya ng sabi ko, ang magagawa nalang natin ay sulitin ang oras na natitira para sa kanya."sabi niya kaya napa lunok ako at napa tingin kay Rizden. Tuloy tuloy na umagos ang luha ko habang naka tingin kay Rizden.
"Maiwan ko na po muna kayo."hindi ko na nilingon ang doctor, sa halip ay dahan dahan akong lumapit kay Rizden at kinuha ang kaliwa niyang kamay saka iyon hinalikan.
Ang daya.... Ang daya daya.... Hindi ko pa nga naamin sayo na mahal kita, ngayun may taning na ang buhay mo? Bakit? Bakit napaka iksi ng buhay niyong mga tao?
"C-creed?" Ngumiti ako ng makitang unti unting minumulat ni Rizden ang kanyang mga mata.
"Nandito ako."sabi ko at ngumiti.
"C-creed.... Creed wala akong makita... Nasan ka?"napatigil ako sa sinabi niya.
"Creed...." Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya sa aking mga kamay.
"Shh Nandito lang ako sa tabi mo Rizden."sabi ko at pinipigilang pumiyok.
"Creed bakit hindi kita makita?" Nakita ko kung paano umagos ang luha sa mga mata niya. Gusto kong sumigaw sa galit ng makita ko ang pag agus ng luha niya. Nang hihina ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.
Niyakap ko sya ng mahigpit habang siya ay tinatawag ang pangalan ko.
"Creed...."
"Nandito lang ako." Bulong ko.
"I'm..... I'm sorry." Ngumiti ako at umiling.
"It's okay."
"I'm sorry.... Nag sinungaling ako." Hinarap ko sya at kitang kita ko ang sakit sa mukha niya, ang lungkot sa mga mata niya.
"H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo... Hindi ko alam."
"Naiintindihan kita."bulong ko.
"Ang... Ang sabi mo kasi ayaw mo sa lahat ang may sakit at sakitin." Umiiyak niyang sabi.
"I'm sorry." Bulong ko.
"Natakot akong sabihin sayo kasi baka tanggalin mo ako sa trabaho, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng kapatid ko kapag tinanggal mo ako sa trabaho."umiiyak niyang sabi.
"I'm sorry." Bulong ko ulit.
"Dapat hindi ko sinabi yun."dagdag.
"No, I'm sorry kasi dapat sinabi ko sayo na may sakit ako." Umiiyak niyang sabi.
Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
"Gagaling ako tama ba?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Babalik din sa normal ang lahat... Makaka kita ulit ako diba?" Pinipigilan kong makagawa ng ingay habang umiiyak ako sa harap niya.
"Creed sumagot ka."
"O-oo." Hindi ko na napigilang pumiyok. Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, isang ngiti na sarkastiko.
"Sinungaling." Naka ngiti niyang sabi at tuloy tuloy na umagos ang luha niya.
"N-nong nakaraan pumunta ako sa doctor ko.... Ang sabi nya.... Dalawang lingo nalang ang itatagal ko sa mundong to."parang dinudurog ang puso ko sa mga narinig ko.
Paanong ang isang babaeng mortal na gaya niya ay nagagawang labanan ang sakit na gaya nito?
Mentally and physically ang sakit na meron siya pero nagagawa niya paring lumaban.
"Ilang... Araw nalang ang itatagal ko?"tanong niya.
Hindi ko sya sinagot.
"Alam mo ba... Nag papasalamat sayo si Fin ngayun dahil sa ginawa mong pag liligtas sa asawa niya."pag iiba ko.
"Sumagot ka." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.
Yumuko ako at kinuha ang dalawang kamay niya saka iyon hinalikan.
"Iuwi mo na ako."nang hihinang sabi niya habang naka tulala.
Sobrang sakit para sa akin na makita siyang nagkaka ganyan. Sobrang sakit para sa akin na hindi niya ako nakikita ngayun. Sobrang sakit para sa akin na malamang unting panahon ko nalamang siya makakasama.
Bakit? Bakit sobrang iksi ng buhay ng mga tao?
~~~~Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...