Chapter 16: Black Vampire

997 39 0
                                    

Black Vampire
~~~~

Rizden POV

Hindi ako mapakali, kanina pa wala sila Creed. At kanina pa ko nakakarinig ng mga nababasag na gamit sa labas ng pinto kung nasaan kami.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, gusto kong lumabas sa pinto kung saan ako naka tingin ngayun ay hanapin si Creed pero hindi ko magawa siguro ay gawa ng takot at kaba.

"Rizden." Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Clementine na kanina pa nasa tabi ng tatay nila Creed. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay kong kanina pa nanginginig sa kaba.

Alam kong natatakot din siya pero napaka galing niyang mag tago ng takot.

"Magiging ayus din ang lahat." Sabi niya at ngumiti sa akin, isang ngiti na may halong kaba.

"Gusto kong.... Lumabas at tulungan si Creed." Sabi ko. Tumingin siya sa mga mata ko.

Para akong hinihigop ng mga titig niya.

"Parehas lang tayo ng nararamdaman." Sabi niya at biglang natigilan.

"Bakit?" Tanong ko.

Tumingin sya sa papa ni Creed na may kausap sa telepono, binalik niya ang tingin sa akin at lumapit bahagya.

"Alam kong magagalit sa akin si Fin pag ginamit ko ulit yung kapangyarihan ko." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

Nanatili sa kanya ang tingin ko, sa isang iglap naramdaman ko ang malamig niyang mga kamay na humawak sa aking mga kamay.

Parang may mali, bakit nawala ang mga ingay?

"Nawala ang ingay." Sabi ko. Umiling siya at itinayo ako.

"Pinatigil ko ang oras." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Napatingin ako sa paligid at doon ko lang napagtantong totoo nga ang sinasabi niya, nakatigil ang orasan at pati na rin ang tatay nila Creed ay animo'ng isang statwang walang buhay.

Hinila niya ako palabas ng pinto at doon ko nakita ang mga nakalutang na bagay gaya ng basag na salamin at mga sirang lamesa, ang mga security na animo'y isang statwa na walang buhay habang hawak hawak ang kanilang mga batuta.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hahanapin natin sila Fin." Sagot niya at agad na nag lakad.

"Gaano katagal hihinto ang oras?" Tanong ko.

"10 minutes lang." Sagot nya kaya naman mas binilisan pa namin ang pag hahanap kila Fin at Creed.

Napadpad na kami sa pangalawang palapag ngunit wala sila Fin at Creed doon.

"Nasa labas sila." Sabi niya kaya napa tingin ako sa bintana at doon ko nakita sila Fin at Creed kasama ang mga kapatid nila na nakatigil din habang nasa gitna nila ang isang babaeng all black ang outfit.

"Humawak ka sakin." Sabi niya kaya naman humawak ako sa kamay niya at sa isang iglap lang ay napadpad kami sa harap ng babaeng naka all black.

Maganda yung babae, kulot ang mahaba niyang buhok na kulay gray, sobrang puti ng balat niya at dahil naka buka ang labi niya kitang kita ko ang talas ng pangil niya.

"Humanda ka Rizden, gagalaw na sila." Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag tungo sa likod ni Creed.

Sa isang iglap, bigla silang gumalaw, kitang kita ko kung paano ikumpas nila Leona at Liana ang mga wand nila at ipatama iyon sa dereksyon ng babae pero nakakapag taka lang dahil biglang humarang si Van.

Kitang kita ko kung paano matigilan sila Creed at Fin habang pinapanuod nila si Van na protektahan yung babae.

"Van ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Creed kay Van. Nang hihinang tumingin si Van kay Creed at napa tingin sa akin saka binalik kay Creed ang paningin.

"Sure ako.... Na... Kapag sa babae mo nangyare to.... Proprotektahan mo din siya." Sabi ni Van dahilan para mapakunot ang nuo ni Creed.

"What do you mean?" Tanong ni Fin.

Akmang sasagot na si Van ng bigla nalang lumipad yung babae papunta sa dereksyon ni Clementine na nasa likod ni Fin na walang ka- alam alam na nandito kami.

Biglang nag labas ng matalim na kutsilyo yung babae dahilan para manlaki ang mga mata ko, agad akong takbo papunta sa dereksyon ni Clementine at agad siyang niyakap. Saktong pag yakap ko sa kanya ang pag baon ng isang matulis na bagay sa likod ko.

Kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Clementine sa ginawa ko.

"RIZDEN!" Rinig kong sigaw ni Creed pero nakay Clementine lang ang paningin ko.

Naramdaman ko ang pag hugot ng kutsilyo sa likod ko, kasabay non ang pang hihina ng katawan ko. Naramdaman kong pabagsak na ako sa lupa ng may maramdaman akong sumalo sa katawan ko at bago ko pa'man maisara ng tuloyan ang aking mga mata ay nakita ko pa ang nag aalalang mukha ni Creed at ang pag patak ng luha niya.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon