Bite
~~~~~
Rizden POV
Tinulak ko palayo sa akin si Steve, nasaan kami? Ang tanging nakikita ko lamang ay mga damo at puno. Saan niya ko dinala?
"Saan mo ko dinala?"tanong ko, tumitig siya sa akin. Isang tingin na para bang nag susumamo.
"I miss you."sabi niya. Umiling ako.
"Napaka sama ng ugali mo."sabi ko. Umiwas siya ng tingin.
"Ibalik mo ko kay Creed! Ibalik mo na ko!" Sigaw ko at tumakbo ngunit isang iglap ay nasa harap ko siya.
"Ano bang meron sa Creed na yun at gustong gusto mo siya?"tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para ma asiwa ako.
"Rizden bampira naman na din ako eh, bakit ayaw mo parin sa akin?"
"Dahil matagal na tayong tapos Steve."umiling iling ako. "Hindi na ikaw ang Steve na nakilala ko."sabi ko habang naka tingin sa kanya.
"Isang tao ang Steve na kilala ko--"
"Naging bampira ako para sayo Rizden!"sigaw niya. Kitang kita ko ang tulis ng pangil niya.
"Ginawa kong halimaw ang sarili ko para lang bumalik ka saken pero ano? Yung Creed na yun ang gusto mo! Bakit ba ayaw mo akong mahalin ulit Rizden?!"sigaw niya. Umiling ako at nag simulang tumulo ang luha ko.
"Madali lang naman akong mahalin Rizden eh."
"Noon yun Steve, Noon yun nong hindi ka pa nagiging bampira."sabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Pero para sayo lang din naman tong ginawa ko Rizden." Umiling ako.
"Para sa sarili mo lang ang ginawa mo Steve."sabi ko.
Natawa siya.
"Mahalin mo ko ulit Rizden."
"Si Creed Vaughn ang mahal ko Steve."sabi ko at umiling. "Kahit anong gawin mo siya ang mahal ko kaya please pwede ba... Ibalik mo na ko sa kanya."nag susumamo kong sabi.
"Itigil mo na 'to lahat Steve."natawa siya at umiling iling.
"Bakit ko naman susundin ang utos mo? Rizden nasa harap na kita papakawalan pa ba kita?"sabi niya at tinitigan ang mata ko.
Nakita ko ang pag kislap sa mga mata niya. Para bang hinihigop ako ng mga mata niya.
"Akin ka lang Rizden." Napa pikit ako ng marinig ko ang boses niya na paulit ulit sa utak ko.
"Akin ka lang." Napa mulat ako ng mata ng maramdaman ko ang pag kagat niya sa leeg ko.
Tinulak ko siya palayo sa akin ngunit nag iiba ang timpla ko."Ako ang mahal mo Rizden." Rinig kong boses niya sa utak ko. Napa tingin ako kay Steve na may dugo sa labi.
Kinagat niya ako?
"Isa ka na ding bampira gaya ko mahal ko."
Kinapa ko ang parte kung saan niya ako kinagat. Masakit yun. Sa isang iglap ay muli nanaman siyang nasa harap ko at tinititigan ako sa aking mga mata.
"Sinong mahal mo Rizden?"tanong niya.
Biglang naging blangko ang lahat. Tanging siya lamang ang nakikita ko.
"Ikaw ang mahal ko."
"Patayin mo si Creed mahal ko."
Tumango tango ako.
"Masusunod."
Creed POV
Napadpad ako sa likod na bahagi ng building. Madaming malalaking damo don at mga puno. Nag patuloy lang ako sa pag lipad bilang paniki ng may marinig ako.
Agad akong nag anyong asong lobo saka tumakbo ng napaka bilis.Boses yun ni Rizden sigurado ako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makita ko siya kasama si Steve.
"Sinong mahal mo?" Dinig kong tanong ni Steve.
"Ikaw ang mahal ko." Nadurog ang puso ko sa narinig ko. Nakita ako ni Steve at ngumisi.
"Patayin mo si Creed mahal ko." Tumingin ako kay Rizden.
"Masusunod." Pag kasabi niya non ay tumingin siya sa gawi ko. Kitang kita ko ang pag babago sa kanya.
Naging itim ang kanyang mga mata, itim ang kanyang labi at kapansin pansin ang mga pangil nito. Mahahabang itim na kuko at sobrang puti niya din gaya naming mga bampira.
Tumingin ako sa leeg niya. May kagat siya. Kinagat siya ni Steve. Tangina.
"Patayin mo na siya ngayun din mahal ko."dinig kong sabi ni Steve. Sa isang iglap lang ay nasa harap ko na si Rizden. Bigla akong nanghina habang nakikita ang babaeng mahal ko na nasa ilalim ng kapang yarihan ni Steve. Na hypnotized siya.
"Rizden...." Agad niya akong sinakal at iniangat sa ere. Wala akong magawang iba maliban sa titigan siya. Hindi ko kayang saktan ang babaeng mahal ko.
Nahihirapan na akong huminga. Hinawakan ko ang kamay niya na naka hawak sa leeg ko.
"Rizden..."tawag ko. Malakas niya akong binato sa gilid dahilan para tumama ang katawan ko sa isang puno. Ramdam ko ang sakit pero hindi ko kayang labanan si Rizden. Madaya si Steve. Ginamit nya ang kahinaan ko.
Sa isang iglap muli ay nasa harap ko nanaman si Rizden. Muli niya akong sinakal at iniangat sa ere.
Napa titig ako sa isa niyang kamay kung saan may hawak na siyang patalim.
"R-rizden..." Nahihirapan kong sabi.
"Rizden...."
"Creed!" Narinig ko ang malakas na pag sabog bago non, naramdaman ko ang pag hawak sa akin ng isang nilalang at sabay non ang pag tigil ng oras. Slowmo na tumigil ang lahat.
Tinulungan ako ng nilalang na humawak sa akin na maka alis sa hindi gumagalaw na si Rizden saka ako nilayo sa kanya ng ilang metro.
Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Clementine.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Tinignan ko ang paligid. Naka tigil ang lahat. Mula kila Van at Von na naging werewolf at sinugod si Steve. Kay Leana at Fin na naka lutang sa ere at akmang babagsak kay Steve at si Steve na naka lagapak sa lupa. Tinignan ko si Rizden. Isa na siyang bampira.
Ang kaibahan lang ay nasa ilalim siya ng hipnotismo ni Steve.
"Kailangan na nating umalis dito Creed, papasikat na ang araw."sabi ni Clementine.
"Ilang minuto nalang at gagalaw na sila tara na." Inalis ko ang pag kaka hawak niya sa kamay ko at tinignan siya.
"Umalis na kayo Clementine. Hindi ko iiwan si Rizden."sabi ko. Kumunot ang nuo niya.
"Pero Creed--"
"Please... Hayaan niyo nalang ako."sabi ko. Umiling siya.
"Pagalawin mo na sila Clementine." Sabi ko at lumapit kay Rizden. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa kanyang labi. Agad na tumulo ang luha ko ng kumalas ako sa pagkaka halik.
"Gawin mo na."sabi ko at bumalik sa kaninang pwesto ko kung saan sakal sakal ako ni Rizden.
"Creed..." Tinignan ko si Clementine. Ngumiti lang ako.
Nakita ko ang pag tulo ng luha niya bago niya pagalawin ang lahat.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinihintay ang pag tarak ng patalim na hawak ni Rizden sa puso ko ngunit wala akong ibang naramdaman. Idinilat ko ang mata ko at nakitang nakatigil ang patalim niya malapit sa puso ko. Tinignan ko si Rizden na naka titig sa akin. Unti unting nawawala ang itim sa kanyang mga mata.
Bigla niyang nabitawan ang hawak niya at maging ako ay nabitawan niya.
"Creed...."tawag niya sa akin habang gulat na naka tingin sa akin.
~~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...