Chapter 8: Workaholic

1.1K 42 0
                                    

Workaholic.

~~~~

Rizden POV

Isang lingo na ang nakakalipas ng mag simula akong mag trabaho bilang assistant secretary ni Creed.

Aaminin ko mahirap maging Assistant Secretary lalo na pag wala talaga ang secretarya ni Creed. Ako ang pumapalit as his personal secretary. Laging taga report kung may schedule, sasama kung saan pupunta si Creed. Ang mahirap ay tuwing gabi iyon at uuwi pag alas sais na ng umaga. In short night shift ako.

Lately nabalitaan kong nag resign na yung Secretary ni Creed kasi daw di na kaya ang pang gabing trabaho. So it means ako na ang secretary ni Creed. Wala ng assistant.

Pero kahit ganon hindi ko parin napapabayaan ang kapatid ko lalo na ang kalusugan ko. Hindi naman kasi porke't umaga na ako umuuwi ay mapapa bayaan ko na ang kalusugan ko at ang kapatid ko.

Sobrang seryoso ni Creed pag dating sa Trabaho. Bukod kasi sa pagiging Mayor niya ay may iba pang trabaho si Creed kumbaga hati ang oras niya. Pag kakarinig ko sa umaga ay nag tratrabaho si Creed bilang CEO ng kumpanya ng pamilya niya. Siya ang tagapag mana kaya naman sobrang busy siya. At dahil bampira siya, asahan mong hindi siya lumalabas sa building ng kumpanya niya hanggat hindi lumulubog ang araw.

At kapag gabi naman ay inaasikaso niya ang City. Inaalam niya kung may mga problema ba sa city o wala. As in masasabi kong isa siyang perpektong halimbawa ng mabuting Mayor. He can divide his time. But I'm concern to his health. Pansin ko kasing unti nalang kung siya ay kumain. The last time na nag sabay kaming kumain ay iisang kutsara palang ang nakain niya ng may tumawag sa kanya.

And yes, bibihira nalang kung kami ay mag usap. I mean di naman kami masyadong close but i see him as my friend na rin.

"Ms Quatre, any report?" He ask without looking at me.

"You have a meeting to Mr Guanzon later 5 PM--"

"Cancel all of my appointment." He said and look at me.

"Okay." Sabi ko nalang.

"And by the way... Are you free tonight?" Napa tingin ako sa kanya. He looks serious.

"Yes sir--"

"I said stop calling me Sir." Tamad niyang sabi.

"Yes." Pag uulit ko. Nakaka ilang kaya! Boss ko siya so nararapat lang na igalang ko siya! Abnormal na Creed.

"Samahan mo ko mag dinner. Mamaya mag out ka na. Maaga kang uuwi." Sabi niya at sumenyas na umalis na ako.

Lumabas ako palabas ng kanyang office. Bumalik ako sa pwesto ko at ipinikit ang aking mata.

Shit nahihilo nanaman ako.
Huminga ako ng malalim saka nag relax sandali. Maya maya lang ay naramdaman kong babahing ako kaya naman agad kong kinuha ang puti kong panyo saka bumahing.

Parang mag kaka sipon ata ako ah.
Ibabalik ko na sana ang panyo ko sa bulsa ko ng mapag tanto kong may mantsa iyon.

Bakit may dugo?

"What the hell is happening to you?" Napa lingon ako sa likod ko ng may mag salita. Si Creed. Naka tingin siya sa akin na para bang nag aalala.

"A-ano pong ginagawa niyo dit--"

"I smell some blood so sinundan ko yung amoy. " sabi niya at inagaw ang puti kong panyo na ngayun ay may mantsa na.

"You're nose is bleeding." Sabi niya at pinunasan ang ilong ko. Napa lunok ako.

"Baka sa init ng panahon kanina." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Tsk. That's why i hate sun." Sabi nya.

"Stand up. Kakain na tayo." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko tumayo ka na at kakain na tayo." Sabi niya.

"Pero diba mama--"

"Uuwu ka ng maaga para mag pahinga." Sabi niya.

"Pero may araw pa sa labas." Sabi ko. umiwas siya ng tingin. Alam kong takot ang mga bampira sa araw.

"But you need to eat and rest." Sabi niya at yumuko. kumunot ang nuo ko.

"Pero--"

"Fine. Mag papa deliver nalang ako ng pagkain para sa atin." Seryoso niyang sabi saka tinalukuran ako.

Mag sasalita na sana ako ng bigla siyang mag laho ng parang bula sa harap ko. Napa tampal nalang ako sa ulo ko. Teleportation josmio.

Dahil sa masunorin akong sekretarya ay sinundan ko nalang si Creed sa kanyang office. Nakita ko siya doong pinapaayus yung office niya sa isang janitor. Nag handa siya ng lamesa at dalawang upuan para sa aming dalawa. Napa iling nalang ako.

Kakain lang naman kami pero bakit parang ang effort nito? Umalis na yung Janitor at saktong pag alis nito ay ang pag dating ng pagkain.

"You're 5 minutes late." Sabi nito sa nag deliver.

"Sorry sir, traffic po ka--"

"So kasalanan ko kung traffic? Get loss." Sabi niya at inagaw yung dalawang pagkain. Kumunot ang nuo ko. Bat ang sungit ni Creed ngayun sa mga tauhan niya?

Lumingon siya sa akin.

"Sorry late yung pagkain." Sabi niya na para bang maamong tupa. Luh bipolar amp.

"May mental sickness ka ba?" Di ko maiwasang di mag tanong. Kumunot ang nuo niya.

"Mental what?"

"Mental sickness. Bipolar ganon. Ang sungit mo kasi kanina tas bigla kang babait." Sabi ko. Inirapan niya ako. Kitams abnormal na bampira.

"Ano tatayo ka nalang jan?" Pag susungit niya.
Lumapit ako at tinulungan siyang mag ayos. Nakaka hiya naman baka isipin niya na ginagawa ko siyang utusan.

Matapos naming ayusin ang pagkain namin ay lumamon na kami. Grabe nagutom ako.

"May sakit ka ba?" Biglang tanong niya dahilan para mabilaukan ako.

"Ha?" Tanong ko ng matapos na akong uminom ng tubig.

"Sabi ko may sakit ka ba?" Tanong niya habang naka tingin sa akin ng seryoso.

"W-wala ah." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Isa akong masamang damo kaya di ako tatablan ng sakit." Sabi ko.

"Pero bakit madalas nahihilo ka at dumudugo ang ilong mo?" Tanong niya.

"Malay ko." Sabi ko at lumunok.

"May allergy kasi ako." Sabi ko nalang saka umiwas ng tingin.

"Ayoko sa lahat yung may sakit." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

Seryoso ang mukha niya habang hinihiwa yung laman ng baboy.

"At ayoko sa lahat yung nag tatago ng sekreto." Tumalim ang tingin nya sa akin dahilan para kabahan ako.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon