Aphrodite's Prediction.
~~~
Creed POV
Mula sa mga malalaki at matatabang tubo na nandito na puno ng mga dugo, hanggang sa mga batang naka higa sa lapag katabi ang ilang kalansay, mga lumulutang na katawan ng bata na naka konekta sa mga tubo na sumisipsip ng kanilang dugo. Nakaka suka.
"Tulong...." Napa tingin kami sa isang gilid, nanlaki ang mga mata ko.
"Rio..."tawag ko at akmang lalapitan siya ng pigilan ako ni Cleopatra.
"May naka connect na device sa kanya."sabi niya at may nilabas na kung ano sa bulsa niya saka iyon tinapon kay Rio. May tumunog na 'tit tit tit' hanggang sa sumabog si Rio. Nanlaki ang mga mata ko.
"Rio!"
"Hindi siya si Rio."sabi ni Cleopatra saka kinasa ang baril.
"Trap ang napuntahan naten."sabi ni Cleopatra at binuksan ang radio.
"Na trap kami kailangan namin ng back up."
"Papunta na kami."boses yun ni Van.
"Kailangan na nating umalis dito."sabi ni Fin na naka tingin sa taas.
"May mga cctv, alam nila na nandito tayo." Dagdag ni Fin saka akmang aalis na ng may marinig kaming kasa ng baril, itinutok iyon kay Fin at sunod kay Cleopatra at sunod sa akin.
"Well, well, well." Gumilid ang ilang black vampire na naka harang dadaanan namin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na tao, ito yung Ex ni Rizden hindi ba? Si Steve.
"Nice to see you again, Mr Mayor."naka ngisi nitong sabi.
Rizden POV
Nakarating kami sa isang building, nakita pa namin ang kotse ni Fin.
Naka bukas ang bintana non ay may tao sa loob.
"May tao sa loob ng kotse ni Fin."sabi ko. Nag lakad palapit sa kotse si Leana saka iyon sinilip.
"Aphrodite?"tanong niya. Lumapit kami don ni Leona na hanggang ngayun ay may spell parin sa bibig.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Hinihintay ko sila Van, kayo bakit kayo nandito?" Tanong niya habang deretsong naka tingin sa harap niya.
Naalala ko, hindi nga pala siya nakaka kita.
"Nandito kami para tumulong."sabi ko. Kumunot ang nuo niya.
"Rizden? Pahawak nga ng kamay mo."sabi niya kaya nilahad ko ang kamay ko at hinawakan niya yun.
Ilang minuto pa ay nabakas sa mukha niya ang pagka balisa.
"Rizden, hindi ka dapat nandito."sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Tutulungan ko si Creed."sabi ko.
Umiling siya.
"Maling doktor ang nakausap niyo kanina."sabi ni Aphrodite kaya nag katinginan kaming tatlo.
Inalis ni Leana ang spell sa bibig ni Leona.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Leona kay Aphrodite.
"Isang Black Vampire ang naka usap niyo kanina, na trap kayo." Sabi niya na ikina kunot ng nuo namin.
"Nakita ko sa pangitain ko na planado ang lahat."sabi niya.
"Anong planado?"tanong ni Leana.
"Sinabi sa inyo ng doctor na naka usap niyo na 24 oras nalang ang itatagal ni Rizden tama ba?"tanong niya.
"Oo"
"Planado ang lahat, sinabi niya yun para pumunta si Rizden dito."sabi niya.
"Hindi ko maintindihan."
"Isang lalaking tao na naging Black Vampire ang may pakana ng lahat Rizden, kinuha niya ang kapatid mo para makuha ka." Kumunot ang nuo ko.
"Isang tao na naging Black Vampire?"
"Basta sinasabi ko sayo Rizden umalis na kayo."sabi niya. Umiling iling ako.
"Hindi pwede."sagot ko.
"Hahanapin ko si Creed at tutulungan." Sabi ko.
"Hindi Pwede Rizden mapapahamak ka!"biglang sigaw niya na kinatahimik namin.
"Hindi.... Sorry pero pupuntahan ko si Creed." Pag kasabi ko non ay tumakbo ako palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pag tawag ni Leana sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Leona POV
Sinundan ni Leana si Rizden. Napa tingin ako kay Aphrodite ng hawakan niya ang kamay ko.
"Sundan mo sila, Leona, protektahan mo si Rizden kahit na anong mangyare."sabi niya sa akin.
"Ano bang meron?"tanong ko.
"Nakikita ko sa hinaharap na... Mag wawala na parang halimaw si Creed sa oras na...." Tumigil sya.
"Sa oras na alin?"tanong ko.
"Bago sumikat ang araw..... Mamamatay si Rizden."
~~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram:rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...