Chapter 1: Start

2.4K 66 3
                                    

A/n: Hey to all of my bibeh's na naka basa ng VAMPIRE HIGH. thank u and i love you! If still na binabasa mo itong story ni Creed then Thank u ur the best God Bless you and i love you.

Take note: Kay Creed na iikot ang story hindi na kila Fin at Clementine okay?


Start

~~~~~

Creed POV

"Hoy! Ano ba naman yan! Nakaka inis na ha!" Sigaw ni Von kay Van matapos nilang mag laro ng Mobile Legends.

"Aba kasalanan ko bang Cancer ka sa larong yan?" Natatawang tanong ni Van kay Von.

"Hoy! Pinapalabas mo bang mahina ako? Ano One on One nalang oh suntukan." Sani ni Von kay Van.

"Eh kung mag patayan na kaya kayo?" Tanong ko sa dalawa dahilan para tignan nila ako ng masama.

"Aba. Nag suggest lang ako." Sabi ko. Sabay nila akong inirapan. Aba namana na ba nila ngayun ang ugali ni Fin?

"Leana! Give me back my dog!" Napa tingin kaming tatlo sa hagdan ng may sumigaw. Si Leona at Leana na nag sisigawan.

"No! I won't! Lagi nalang sinisira ng asong ito ang mga gamit ko! Alam mo dapat sa mga asong to tinatapon sa kalye!" Sigaw ni Leana.

"Fuck! I said give me back my dog!" Ginamitan na ni Leona ng magic si Leana but still hindi parin nag patalo si Liana.

What the fuck. Ganon ba talaga pag mga kambal? Hindi nag kakasundo? Una sila Von at Van na nag tatalo ng dahil sa game at ngayun sila Leana at Leona na nag tatalo naman ng dahil sa aso?

Buti nalang talaga wala akong kakambal.

"CREED!" Kumunot ang nuo ko ng marinig ko ang sigaw ni Fin mula sa taas.

Wala nga akong kakambal pero may epal naman akong kapatid na laging mainit ang dugo sa maliliit na bagay maliban nalang kay Clementine.

"Ano nanaman?" Tanong ko habang naka tingin sa taas.

"Ayus na ba yung venue? Bukas na yung kasal namin and what the fuck kailangan ba talagang hindi kami mag kita ngayung araw? I fucking miss my princess." Sabi niya at nag teleport papunta sa harap ko.

"Ayus na lahat lil bro no need to worry. Matutuloy ang kasal niyo ni Clementine. Saka yes lil bro kailangan mong tiising hindi makita si Clementine ngayung araw kung gusto mong matuloy ang kasal niyo." Sabi ko.

Inirapan niya ako.

"Bakit ba kasi naimbento ang pamahiin na yan? Nakaka inis." Sabi niya.

"Aba malay ko kung sino ang pasimuno ng pamahiin na yan. Sundin mo nalang. " sabi ko.

"ANO BA ANG INGAY NIYO!" sigaw nila Von at Van kila Leana at Leona kaya napa tingin kami ni Fin sa mga kambal.

"WAG KAYONG MAKISALI DITO HA KUNG AYAW NIYONG MAGING PALAKA!" sigaw nila Leana at Leona.

"HINDI BA KAYO MAKAPAG SALITA NG MAHINAHON?!"sigaw ni Fin dahilan para matahimik silang apat.

Wow. Alam niyo minsan naiisip ko ako yung bunso tapos si Fin yung panganay.

Sabagay nakakatakot naman kasi si Fin pag nagalit. Nag liliyab buong katawan parang demonyo.

Buti pa ko pa chill chill lang. Nakaka stress mag karuon ng mga kapatid na abnormal.
Dagdag sila sa stress na ibinibigay sakin ng pagiging Mayor.

Hindi ko naman gustong maging Mayor. Pero no choice ako. Gwapo kasi ako at mabait. Saka naging Mayor lang naman ako dahil don sa pinakalat kong balita na bayani si Clementine. Simula nong iniba ko yung pananaw ng mga tao tungkol sa mga Gredator eh naging Mayor na ako.


Pag kasama ko ang mga kapatid ko, saka lang ako nagiging timang pero pag wala sila sa tabi ko lalo na pag oras ng trabaho. Asahan niyong seryoso ako jan.

Heto nga't nagiging timang nanaman ako dahil nahahawaan nanaman ako ng pagka baliw nilang lima.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinignan ko ang mga appointment ko at schedule nakita kong may meeting nga pala ako mamaya kaya tumayo na ako mula sa pagkaka upo ko sa sofa. Tinignan ko silang lahat.

"HOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!" tumingin sila sa akin.

"Aalis na ko guys bye see you tomorrow." Sabi ko at nag teleport papunta sa kotse ko.

We're in modern year. So kaming mga bampira ay nakiki uso na din. Namumuhay kami na parang tao pero ang pag kakaiba. Ang mga tao malayang makapag lakad lakad sa ilalim ng sinag ng araw habang kaming mga bampira naman ay sa gabi lamang nakaka gala.

May ilang tao ang tutol sa pagiging mayor ko dahil baka daw sipsipin ko ang dugo nila. Kadiri ha, as if naman masarap ang mga dugo ng tao mas the best parin ang dugo ng baboy at baka.

Mga bad Vampires lang ang gumagawa nong pag sipsip ng dugo ng tao. Kadiri.

Napapaisip siguro kayo kung paano ang buhay ko pag sumikat na ang araw.

Sa pag sikat ng araw, nasa loob lang ako ng office ko mag damag walang labas labas.
Kapag sumikat na ang gabi, saka lang ako nakakapag gala.

*beeeeep

Bigla kong nai preno ang sasakyan ko ng may masagasaan akong isang tao. Napa lunok ako at dali daling lumabas sa kotse ko para tignan ang nabangga ko. Buti nalang at gabi ngayun.

"Shit. may naka lagay na ngang bawal tumawid pero tumawid parin." Irita kong sabi at lumapit sa nabangga ko. Wala siyang malay at sobrang putla niya.

Posibleng hindi ko siya nabangga. Posibleng nawalan lang siya ng malay.

Huminga ako ng malalim at kinarga ang babaeng nabangga ko.

"Lagot to sakin pag gising nito." Bulong ko sa sarili ko at inilagay siya sa likod ng kotse ko. Napa tigil ako sa pag aayus sa kanya ng mapansin na mainit siya.

"Letche naman talaga oh. May sakit pala to bakit pa gumagala at talagang sa gabi pa." Irita kong sabi saka sinara ang back door. Sumakay ako muli sa kotse ko at nag drive papunta sa hospital.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon