Chapter 6: Appreciation

1.2K 46 0
                                    

Appreciation.

~~~

Rizden POV

"Ate bakit ang dami mo atang nabiling pagkain? Tignan mo parang good for 3 months na natin to." Sabi ng kapatid ko habang inaayus ang mga pinamili ko.

"May mabait kasing bampira ang nag bigay sakin ng pera at bagong trabaho." Sabi ko at sumandal sa sofa.

"Ano ate? Sinabi mo bang bampira?" Tanong nito. Tinignan ko siya, naka tingin siya sa akin na para bang takang taka.

"Totoo sila Rio, totoo ang mga bampira." Sabi ko. Kumunot ang nuo niya saka napa kamot sa ulo.

"Hindi ba't naninipsip yun ng dugo? Ate baka naman sipsipin non ang dugo mo." Sabi niya dahilan para matawa ako.

Umiling ako.

"Hindi Rio, mabait siya. Kung tunay nga na balak niyang inumin ang dugp ko ay dapat nong unang pagkikita palamang namin ay ininom niya na ang dugo ko." Sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Sabagay, yung Mayor nga natin mabait din eh." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo ba ate, kanina yung Mayor pumunta dito at may binigay na limang kaban ng bigas, natakot nga ako kasi diba bampira yun. Baka mamaya sipsipin yung dugo ko. Pero ang sabi niya wag daw akong matakot. Di daw sya umiinom ng dugo ng tao." Kumunot ang nuo ko.

"Ibig mo bang sabihin ay pumunta dito si Creed?" Tanong ko.

"Ha? Creed ba ang pangalan non? Teka paano mo nalaman na Creed ang pangalan non ate?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Sya yung mabait na bampirang sinasabi ko sayo." Nanlaki ang mga mata niya.

"Talaga ate? Alam mo bagay kayo! Ang gwapo niya pero mas gwapo parin ako." Natawa ako sa sinabi niya at niyakap siya.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi pwedeng mag sama ang tao at Bampira Rio. Mag kaiba kami." Sabi ko.

Niyakap niya din ako.

"Nag babaka sakali lang ako ate." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

Biglang umikot ang paningin ko at naka ramdam ng panghihina.

"Ate... Ate bakit may dugo sa ilong mo?" Tanignan ko si Rio na ngayun ay nag aalala. Kinapa ko ang ilong ko at tama nga siya. May dugo ang ilong ko.

"Ano... Baka napagod lang ako." Naka ngiti kong sabi.

"Ate jan ka lang kukuha lang ako ng tubig.... Ate!"

Biglang nandilim ang paningin ko at nanghina ang buong sistema ko.

Creed POV

"Hoy sino yung babae sa party ni Fin kahapon na hinila mo palabas ng reception?"tanong sakin ni Liana.

" none of your business. "Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

" the fuck Creed don't tell us na gagaya ka din kay Fin?"tanong nito.

"Liana, don't be so bitter. Creed has his own mind and heart." Sabi ni Leona.

"Tompak, saka ano naman kung may hilahin palabas si Creed?" Tanong ni Von.

"Duh I'm just curious. Can't you all notice? Nong nakita ni Creed yung babae at nakita niya yung mga bisitang lalaki ni Fin na naka tingin sa legs nong babae ay namula si Creed." Sabi ni Liana.

"And so?"

"Hay nako nakaka stress kayo. Aalis muna ako ng bansang ito at uuwi lang ako kung kailan ang kasalan niyo Creed. Make sure na may mga pamangkin na ako." Sabi ni Liana at nag walk out.

"Stupidang babae. Di mo alam kung anong gustong iparating." Iiling iling na sabi ni Leona.

"Guys, nag post sa IG si Fin look." Pinakita sa amin ni Van ang post ni Fin sa IG account niya na nasa Isla Vempero na sila ni Clementine.

"Hayst buti pa ang bunso natin may pamilya na." Sabi ni Van.

"Yuck Van pangarap mo din talagang ikasal no? Don't worry ako ang pinaka masayang bampira pag kinasal ka na." Sabi ni Von.

"Eh kung nag Pari ka nalang diba Von? May saysay pa sana ang buhay mo." Sabi naman ni Van.

"Teka nga. Bakit ba yan ang usapan natin?" Tanong ni Leona.

"Ewan ko." Sagot ko.

"Tss. Sya nga pala Creed. Pupunta ako sa Maldives bukas. Sama ka?" Tanong ni Leona.

"Ako sama ako!" Sabi ni Von.

"No, ayoko busy ako madaming gagawin dito sa City." Sabi ko.

"Ow i forgot, Mayor ka nga pala." Natatawang sabi ni Leona.

"Ayan si Von isama mo ikaw Van?"

"No Thanks. Mas gusto kong mag travel mag isa kesa makasama yang dalawang hilaw na hipon."

"ANO?!" sabay na sigaw nila Leona at Von. Agad na tumakbo palabas si Van at agad naman siyang hinabol ng dalawa.

Walang nag bago josmio.

Napa ngiti nalamang ako. Kakaiba. Kakaibang pamumuhay ang nangyare sa amin pag labas na pag labas namin sa Vampire high.

Hindi ko lubos maisip na ganito kasayang pamumuhay ang makukuha namin.

Sana wala ng katapusang saya ito. Sana ganito nalang lagi.

Biglang nag pop up sa isip ko ang mukha ni Rizden na naka ngiti. Napa iling ako at napa lunok.

Bakit ko ba naiisip ang pag mumukha ng babaeng tao na yun?
~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon