Chapter 10: Stay Away

1K 37 1
                                    

Stay Away

~~~

Rizden POV

Oras na naman para mag trabaho, inaayus ko nalang ang gamit ko para maka alis na ako sa bahay.

"Ate pasok na po ako!"

"Ingat ka!" Sabi ko at tumayo na, kinuha ko ang kandado ng bahay saka nag lakad na papunta sa pinto. Ni lock ko na ang bahay at umikot na.

"Hey." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Steve na nasa likod ko. Napa hawak ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili ko.

Josmio aatakihin ata ako sa puso nento.

"Oh? Hi? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bibisitahin ka sana kaso mukhang aalis ka." Sabi niya. Napa kamot ako sa nuo ko at tinignan ang relo ko.

"Oo eh sige bye na." Sabi ko at nilagpasan siya.

"Hey Wait ihahatid na kita saan ka ba pupunta?" Tanong niya.

Umiling ako at ngumiti.

"No need kaya ko naman. Sige na need to go." Sabi ko at lumabas na ng gate.

"Rizden wait." Tumigil ako at di siya nilingon. Pag ako talaga na late josmio itatapon ko to palabas ng earth, pag talaga nagalit sakin si Creed.

Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin niya ako mula sa likod.

"I miss you." Biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Dati kinikilig pa ako pag sinasabi niya yan ngayun nandidiri na ako.

"Steve." Kinalas ko yung pagkaka yakap niya sa likod at hinarap siya.

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya at tinignan siya ng seryoso.

"Aalis alis ka tapos ngayun babalik balik ka?" Taas kilay kong tanong.

"Pag ako na late matatampal kita." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Rizden wait please let's talk about us." Kumunot ang nuo ko at naiinis na.

"Walang US sa inyong dalawa." Napa tingin ako sa likod ko at sa likod ni Steve. Si Creed. Napa ngiti ako ng makita ko siya, yeay may savior!
Lumapit siya sa akin at hinigit ang bewang ko palapit sa kanya saka hinarap si Steve.

"Ginugulo mo ba ang Girlfriend ko?" Tanong ni Creed kay Steve.

"Stop pretending, hindi kayo mag girlfriend boyfriend." Sabi ni Steve. Kinabahan ako sa sinabi ni Steve.

"Really? Saang lupalop ng city na to mo nakuha ang wrong info na yan?" Tanong ni Creed kay Steve.

"I have my ways."

"I don't care about your ways." Sabi ni Creed.

"Steve please tigilan mo na kami." Sabi ko.
Tumingin sa akin si Steve.

"Rizden i still love you."

"Eh gago ka pala eh!" Sigaw ni Creed at wala pang isang kurap mata ay nasa harap na siya ni Steve at sinuntok.

"Tangina mo pala eh!" Bumawi ng suntok si Steve kay Creed.

Shemay nag aaway na sila!
Napa pikit ako sa inis at pumagitna sa dalawa.

"Tama na!" Sigaw ko. Hinila ko palayo si Creed kay Steve.

"Wag kang umastang ikaw ang boyfriend niya kasi wala namang kayo!" Sigaw ni Steve. Sinamaan ko ng tingin si Steve.

"Boyfriend ko siya at matagal ng kami." Sabi ko dahilan para matigil si Steve. Hinarap ko si Creed at nag tip toe saka hinalikan siya sa labi.

Josmio boss patawad kailangan ko lang tong gawin para matigil na yang Steve na yan!

Naka pikit kong tinigil ang pag halik kay Creed saka napa lunok.
Grabe ang sarap ng labi ng bampirang to ah, ay shet ano bang sinasabi ko? Nakaka loka.

Hinarap ko si Steve na ngayun ay mangiyak ngiyak na.

"Satisfied with that? O baka naman gusto mong mag porn pa kami dito?" Tanong ko sa kanya.

"Stay away with me Steve. Remember what you did to me? Tamang pag tatimer lang diba? So don't you dare comeback to me."sabi ko at hinila na palayo si Creed don. Napa lunok ako ng biglang tumulo ang luha ko ng maalala ko kung gaano niya ako niloko nong kami pa.

" umiiyak ka." Pinunasan ko ang luha ko at agad na tinignan si Creed.

"Sorry nga pala Boss hindi ko sinasadyang halikan ka ano ibawas mo nalang yun sa sweldo ko sorry talaga." Sabi ko. Ngumiti sya.

"No need to say sorry." Sabi niya.

"Josmio boss baka hatakin ng girlfriend mo ang buhok ko nako makaladkad pa ako ng bonggang bongga." Sabi ko. Tumawa siya dahilan para matigil ako.

Tama ba to? Ang isang Creed na bipolar ay natawa? Omigieee.

"Wala akong girlfriend." Sabi niya dahilan para matigilan ako.

"So kung kailan mo gustong halikan ako go lang." Naka ngisi niyang sabi at pinunasan yung luha sa pisngi ko.

"Wag lang kitang makitang umiiyak." Dagdag niya dahilan para matahimik ako.

Ang puso ko. Josmio ang bilis ng tibok ng puso ko!
Aatakihin na ba ako? Bakit naririnig ko yung kantang Nota?

Pinatitibok mo ng kay bilis ang puso ko. Ay josmio nag dideleryo na ata ako!

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon