Chapter 24: Plan

889 29 3
                                    

Plan

~~~~

Creed POV

"So anong plano?"tanong ni Fin. Nandito kami ngayun sa loob ng sasakyan ni Fin. Naka parada ito ilang metro ang layo sa building ng mga Black Vampire. Si Rizden, iniwan namin siya kasama ang kambal na sila Leana at Leona. Hindi ko din sinabi sa kanya kung sino ang kumuha. Ang alam lang ni Rizden ay may pinuntahan ako.

Tumingin kaming lahat kay Aphrodite.

"Eto yung blueprint ng building kung saan nag tatago ang mga black vampire."sabi ni Aphrodite at inabot kay Van ang isang papel.

"Para mapabilis kayo, dapat mag hiwa-hiwalay kayo. May tinawagan na ko para makasama niyo sa pag bawi sa kapatid ni Rizden."sabi ni Aphrodite kaya napa tingin ako sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na makaka tulong yang tinawagan mo sa amin."sabi ko. Ngumiti lang siya. Maya maya pa ay may kumatok sa bintana ng sasakyan namin. Nag katinginan kaming lahat.

"Black vampire?"bulong ni Van.

"Hindi, sila Cleopatra yan."sagot ni Aphrodite kaya napa tingin kami sa kanya.

"Ano? Bakit sila ang tinawagan mo?"tanong ni Van kay Aphrodite, binuksan naman ni Von ang bintana ng sasakyan at doon ko nakita ang isang babae na may kulay dilaw na mga mata.

"Aphrodite, nice to see you again. Ready na?"tanong nong Cleopatra kay Aphrodite, napa tingin ito sa akin saka ako kinindatan bagay na pinandirihan ko.

"Hoy Cleopatra, sasabihin ko lang sayo, tutulong ka wala tong bayad."sabi ni Van don sa Cleopatra. Napa irap si Cleopatra.

"Nakaka ngawit tumayo dito, try niyo kaya lumabas jan."sabi nito.

"Hindi mo pa nga alam ang plano."sabi ni Fin. Tumingin siya kay Fin.

"Why would i? We have our own ways."sabi ni Cleopatra.

"We?"tanong ko.

Tumingin siya sa akin.

"Sa tingin mo kakayanin ko mag isa ang sumugod sa kuta ng mga black vampire na yan?"tanong nito.

"Tara na sa labas."sabi ko at binuksan ang pinto. Unang lumabas si Fin at napa tigil bigla kaya naman sumunod ako sa pag labas at tinignan ang tinitignan nya. Napa awang ang labi ko ng makita ang dami ng kasama ni Cleopatra.

Kung tatansyahin parang isang buong baranggay ang kasama niya, may dala din silang mga armas at ang karamihan sa kanila ay lalaki.

"Cleopatra, bakit mo sila dinala lahat?"tanong ni Van habang naka tingin sa tinitignan namin. Sa susunod nga kakausapin ko tong si Van kung saan niya nakuha yang si Aphrodite at kung papaanong kilala nya ang Cleopatra na to.

"Ang kukulit nila gusto daw nila makita si Aphrodite." Napa tingin ako sa kakalabas lang na si Aphrodite, halos mabingi ako sa hiyawan ng mga nasa harap namin ng lumabas si Aphrodite.

"Anong bampira ba yan si Aphrodite?"tanong ko kay Fin. Tumingin siya sa akin.

"Hindi ko din alam."sagot niya at bumulong sa akin. "Kapag aawayin mo si Aphrodite siguradohin mong wala yang mga yan dahil mag kakalasog lasog ang katawan mo."bulong niya saka umayus ng tayo. Napa lunok naman ako sa sinabi nya.

Maling awayin ata si Aphrodite.

"Hayst nakaka gawa sila ng ingay."inis na sabi ko kay Aphrodite. Sa isang kumpas lang ng kamay niya nag sitahimik ang lahat, parang naging ghost town sa sobrang tahimik.

"Mga kaibigan, tulungan nyo silang makuha ang isang bata." Sabi ni Aphrodite. Kaibigan nya yang mga yan?

"Nawa ay pag palain kayo ng ating mga ninuno."naka ngiting sabi ni Aphrodite.

"Pinuno? Bakit hindi ka kumukurap?"tanong ng isang kasama ni Cleopatra. Pinuno?

Iniwagayway ni Cleopatra ang kamay niya sa harap ni Aphrodite. Maya maya pa ay itinutok nilamg lahat ang mga baril nila sa aming dalawa ni Fin dahilan para kabahan kami.

"Anong ginawa niyo sa kanya? Bakit hindi siya nakaka kita?"tanong ni Cleopatra.

"Ibaba ang mga armas."utos ni Aphrodite na siya namang sinunod ng lahat.

"Pinahiram ko ang paningin ko sa isang babae na malapit ng mawala."sabi ni Aphrodite. Natahimik ako, malapit ng mawala?

Oo nga pala, nakalimutan ko ang kalagayan ni Rizden. Na mimiss ko na siya.

"Creed tara na?"tanong ni Van. Tumango ako.

"Aphrodite, dito ka nalang muna sa loob ng sasakyan, hindi ka sasama sa amin."sabi ni Van at inalalayan si Aphrodite na pumasok sa loob.

Rizden POV

Binuksan ko ang mga mata ko. Sila Leana at Leona ang una kong nakita.

"Nasan si Creed?"tanong ko. Nag katinginan ang kambal at ngumiti.

"Hindi pa siya umuuwi."sagot ni Leona at sumandal sa upuan.

"Saan ba siya nag punta?"tanong ko.

"Hindi ko alam, baka may surpresa sayo?"sagot niyang tanong. Kumunot ang nuo ko.

"Si Rio? May balita na ba sa kanya?"tanong ko.

"Hinahanap na sya nila Von at Van kasama si Fin."sagot ni Leona.

"You know what, since gising ka na tara mag girl bonding tayo."sabi ni Leana at hinila ako patayo sa kama.

"Leona sumunod ka."sabi nito. Nag patangay lang ako kay Leana kung saan niya ako dadalhin. Naka dating kami sa rooftop ng bahay nilang dalawa.

"We're having a tea party."sabi ni Leana at nilabas ang wand nya saka ikinumpas sa ere at sa isang iglap lang nagkaruon ng mga tea sa harap ko.

Napa pikit ako ng bigla akong naka ramdam ng hilo. Bigla ding sumakit ang ulo ko kaya napa hawak ako don.

"Rizden? Are you okay?"tanong ni Leona na kakadating. Naka ngiti akong ngumiti at kinuha ang baso na may Tea saka ininom.

"I think your not, your nose is bleeding."sabi ni Leana kaya napa tigil ako at kinapa ang ilong ko. Naramdaman kong basa nga ito, at ng tignan ko ang kamay ko na ginamit ko para kapain ang ilong ko. Meron itong dugo.

"Let's go to your doctor."

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon