Chapter 28: The Prediction

844 37 1
                                    

The Prediction

~~~~

Aphrodite POV

Bakit ganon? Nag iiba ang mga nakikita ko sa pangitain ko? Kung hindi si Rizden ay Si Creed. Bakit ang gulo?

Sinubukan ko ulit mag focus para tignan ang mangyayare sa hinaharap.

Madilim, ang hirap maka kita dahil wala sa akin ang paningin ko, pero dahil sa tulong ng kapangyarihan ko nagagawa ko parin maka kita ng mangyayare sa hinaharap.

Malabo pero alam kong si Creed ang naka tayo.
Nag iba nanaman ang nakita ko at si Rizden yun na may hawak na patalim.

Hindi ito maaari.... Bakit ganito ang mga nakikita ko?

Ang gulo nila.

"Aphrodite?" Boses yun ni Clementine.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Tumawag sa akin si Van para humingi ng back up."sagot niya.

"Mag isa ka lang? Anong ginagawa mo dito?"tanong niya.

"Hinihintay sila."sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Clementine kailangan ka doon, kung maaring patigilin mo ang oras ay gawin mo."sabi ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Isa kila Creed at Rizden ang maaring mamatay." Sagot ko na nag patahimik sa kanya.

"Hindi ko pa makita ng malinaw sa ngayun pero isa sa kanila ang mamamatay eksaktong pag sikat ng araw... Kanina lamang ay nakita kong si Rizden ang mamamatay bago sumikat ang araw pero ngayun... Nakikita ko na isa sa kanila ang mamamatay eksaktong pag sikat ng araw."sabi ko.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Clementine sa mga kamay kong naka hawak sa kanya.

"Ako ng bahala sa kanila Aphrodite, iiwan na muna kita dito." Sabi niya. Tumango ako bilang pag sagot. Naramdaman ko ang pag bitaw niya sa aking mga kamay at ang papalayo niyang mga yapak.

Huminga ako ng malalim.

"Patnubayan niyo po sila aming mga ninuno." Dalangin ko.

Creed POV

"So ano Mr Mayor? Payag ka ba?"tanong sa akin ni Steve at hinawakan ang leeg ko, hinaplos niya.

"Hayop kayo! Anong ginawa niyo sa kanya!"sigaw ko habang naka tingin sa mga bampirang nag dala kay Rizden dito. Akmang lalapitan ko si Rizden ng mag labas ng baril si Steve at itutok iyon sa dereksyon ko. Agad namang tinutukan nila Fin at Cleopatra ng baril si Steve ngunit masyadong marami ang mga kasama ni Steve na Black Vampire. Halos lahat ng naririto ay naka tutok ang baril sa aming tatlo.

Natawa si Steve at binaba ang baril na hawak niya.

"One wrong move Mr Mayor, lahat ng bala sa mga baril na naka tutok sa inyo ay papasok sa mga katawan nyo." Sabi ni Steve.

"Oh baka naman gusto mong lahat ng mga bala sa baril ng mga kasama ko ang pumasok sa katawan mo?" Napa tingin kami sa nag salita. Si Von kasama si Leana. Sa likod nila ay ang mga tropa ni Aphrodite, mas madami kumpara sa mga black vampire na kasama ni Steve.

Bali napapagitnaan kami nila Fin. Sa likod namin ay ang mga Black Vampire, sa harap naman ay ilang black vampire kasama si Rizden at si Steve, sa pinaka harap ay Sila Von kasama ang mga tropa ni Aphrodite.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo."utos ni Von.

Natatawang binaba ni Steve ang baril niya, inutusan niya din ang mga tauhan nya na ibaba ang baril nila.

"Talaga bang ayaw niyong daanin to sa mabuting usapan?"tanong ni Steve sa amin.

"Pwes wala akong magagawa."sabi ni Steve at sa isang iglap lang ay napunta siya sa tabi ni Rizden bagay na kinabahala ko.

"Kill them." With that bigla nalang nawala si Steve kasama si Rizden.

Akmang susundan ko sana sila ng marinig ko na ang mga putukan, ngayun ko lang napag tanto na gumawa si Fin ng Shield para sa aming tatlo.

"Tumakas na kayo!"sigaw ni Von, tumingin sa akin si Fin.

"Creed! Teleportation bilisan mo!" Sigaw niya at mukhang nahihirapan na. Hinawakan ko siya at si Cleopatra saka nag teleport. Sa isang iglap lang ay napunta kami sa pangalawang palapag.

"Creed!" Tawag ni Fin ng matumba ako.

"Ayus ka lang ba?"tanong ni Fin sa akin. Lumapit sa akin si Cleopatra, tinignan niya ang leeg ko.

"May lason ka."sabi ni Cleopatra kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ni Fin.

"Mabagal lang ang pag kalat ng lason pero sa tansya ko bago sumikat ang araw lala ang lason na nasa kanya "sabi niya.

"Paano siya nag ka lason?"tanong ni Fin.

"Siguro dahil yun sa pag haplos ni Steve sa leeg niya kanina."sabi ni Cleopatra.

"Si Rizden... Kailangan natin siyang makuha."sabi ko.

"Kaya ko pa."agad kong sagot ng akmang mag tatanong si Fin.

"Fin, Creed." Napa tingin kami sa tumawag sa amin. Si Van at Leona kasama si Rio.

"Nasaan si Rizden?"tanong ni Leona sa akin.

"Kinuha sya ni Ste--" hindi natuloy ang sasabihin ni Cleopatra ng sa isang iglap ay lumapit ako kay Leona at sinakal siya.

"ANG SABI KO BANTAYAN NIYO SI RIZDEN PERO ANONG NANGYARE HA?!"sigaw ko.

"Creed ibaba mo si Leona!"utos ni Van sa akin.

"C-Creed.... N-nasasa-ktan ak-ako.." pabalibag ko siyang binitawan. Tinignan ko siya ng masama.

"Sa oras na may mangyareng masama kay Rizden tatanggalin ko ang ulo mo at ng kambal mo."sabi ko kay Leona, kitang kita ko sa mata niya ang takot.

Biglang umikot ang paningin ko. Tanginang lason.

"Hanapin na natin si Rizden."sabi ni Van ba tinulungan si Leona na tumayo.

"Leona ihatid mo na si Rio sa sasakyan. Doon muna kayong tatlo ni Aphrodite."sabi ni Van kay Leona.

Takot na tumingin sa akin si Leona saka tumakbo kasama si Rio.

"Creed ano bang ginawa mo? Natakot sayo si --"

"HANAPIN NIYO SI RIZDEN! SA ORAS NA MAY MANGYARENG MASAMA SA KANYA LAHAT KAYO PUPUGUTAN KO NG ULO!"galit kong sigaw sa kanila saka nag teleport.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon