Chapter 22: Confession

956 37 5
                                    

Confession.

~~~

Creed POV

"Saan mo ba ko dadalhin Creed?"tanong ni Rizden sa akin. Natawa lang ako at inalalayan siya sa pag lalakad.

"Basta wag na wag kang didilat. Mag tiwala ka lang sakin."sabi ko at tinignan ang sunset. Sadyang napaka ganda nga ng araw, ngunit masyadong mapanganib para sa aming mga bampira.

Ilang oras kong pinahanda ang lugar na ito para lamang masigurado na magugustuhan ito ni Rizden, gustuhin ko man na sa malapitan makita ni Rizden ang sunset ngunit sadyang delekado ito para sa akin.

"Ready ka na?"tanong ko.

"Oo."naka ngiti niyang sagot.

Sinenyasan ko si Fin na nasa gilid namin.

"Buksan mo na."utos ko kay Rizden, dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya at kitang kita ko kung paano mapuno ng kasiyahan ang mukha niya.

"Wow." Manghang sabi niya habang nakatingin sa papalubog na araw.
Tumingin ako kay Fin bilang hudyat.

Tumango siya at nag punta sa mini stage.

"Dito ka lang, wag kang aalis jan."bulong ko kay Rizden. Tumango tango siya at muling binaling ang atensyon sa papalubog na araw.

Pumunta ako sa mini stage at pumwesto kasama sila Fin, Von at Van.

"1,2,3."bilang ni Fin at nag simulang mag patugtog.

A/n: Play Infinity by James Young


Napa tingin sa gawi namin si Rizden.


"Baby this love, I'll never let it die
Can't be touched by no one, I'd like to see him try
I'm a mad man for your touch
Girl, I've lost control
I'm gonna make this last forever
Don't tell me it's impossible"

Dahan dahan siyang lumapit sa harap namin, pinag patuloy ko lang ang pag kanta. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya na mas lalong nag pasaya sa akin.

" Cause I love you for infinity
I love you for infinity
'Cause I love you for infinity
I love you for infinity"

Habang binabanggit ko ang mga liriko ng kantang iyan ay naka tingin ako sa kanyang mga mata, kitang kita ko kung paano siya umiwas ng tingin at namula ang pisngi.

"Darling, my soul

You know it aches for your's
And you've been filling this hole since you were born
'Cause you're the reason I believe in fate
You're my paradise
And I'll do anything to be your love, or be your sacrifice"

Bumaba ako sa munting entablado na kinatatayuan ko at lumapit sa kanya saka hinawakan siya sa pisngi niya.


" 'Cause i love you for infinity
I love you for infinity
Cause i love you for infinity
I love you for infinity."

Kanta ko habang naka tingin sa kanya.

"Alam mo ba na naiinis ako?" Tanong ko sa kanya. Kumunot ang nuo niya.

"Bakit?"tanong niya.

"Naiinis ako kase Nananahimik ako dito tapos bigla mong guguluhin puso ko? Panindigan mo to o ipapakulong kita?" Tanong ko sa kanya, Kumunot ang nuo niya kaya natawa ako.

"Teka teka. So pinapalabas mo na kasalanan ko kung bakit may sakit ka sa puso?" Kunot nuong tanong niya. Napa mura ako sa loob ng utak ko at huminga ng malalim.

"Pasalamat ka mabait ako kung hindi baka--"

"Baka ano?"

"Baka pinakasalan na kita." Gatong ko dahilan para matigilan siya.

"Ang slow mo naman. Akala ko ba alam mo lahat? Bat hindi mo alam na mahal kita? Tsk tsk. Ginugulo mo utak at puso ko 24/7 kaya dapat pakasalan mo ko pag hindi mo ko pinakasalan ipapakulong kita sa salang robbery." Naka ngising sabi ko at agad siyang sinunggaban ng halik. Bakas sa kanya ang gulat sa ginawa ko pero ng agad siyang nakabawi at humalik sa akin pa balik.

"Alam ko naman na mahal mo ko."sabi niya kaya napa tigil ako, natawa siya.

"Narinig ko yung pag uusap niyo ng mga kapatid mo kagabi, sobrang saya ko ng malamang parehas tayo ng nararamdaman para sa isa't isa pero bigla din akong nalungkot kase--"

"Will you be my girlfriend?"tanong ko na nag patigil sa kanya.

Kinakabahan ako lalo na ng titigan niya ang mga mata ko, ngumiti siya at tumango tango.

"Yes!" Sigaw ko at tumingin sa mga kapatid ko.

"May girlfriend na ko!"masaya kong sabi sa kanila. Inirapan lang nila ako habang si Fin naman ay pumapalakpak.

"Malapit ka ng makasali sa club ko."sabi ni Fin na kinatawa ko. tumingin ako sa labas at saktong madilim na.

"Tara."sabi ko at hinila si Rizden.

Tumingin ako kay Fin hudyat para gawin ang pangalawang plano.

Tumango siya at nag sign ng okay.

Dinala ko sa labas si Rizden. Malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sa amin sunod ang ingay ng alon. Tumingin ako kay Rizden na naka ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya saka iyon hinalikan.

"Mahal mo ko?"tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Sobra."naka ngiting sabi niya.

"May tiwala ka sa akin diba?"tanong ko.

"Malaki ang tiwala ko sayo."sagot niya. Niyakap ko siya at di napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. Bakit ba pag dating sa babaeng ito ay nagiging iyakin ako?

"Alam kong masyadong mabilis ang lahat."sabi ko at kumalas sa pagkaka yakap saka tinignan ang mukha niya. Ngumiti ako.

"Umiiyak ka?"tanong niya.

Umiling ako. "Tears of joy."sabi ko na kinatawa niya.

Tumingin siya sa kalangitan ng may mga fireworks na nag siputukan. Kitang kita ko kung paano gumuhit ang gulat sa mukha niya at napa tingin sa akin.

"Will you marry me?"tanong ko at lumuhod sa harap niya saka nilabas ang singsing na nasa bulsa ko. Labis parin ang gulat sa kanyang mukha at muling binalik ang paningin sa mga fireworks saka tumingin sa akin.

"Yes." Kasabay ng pag sabi niya ng salitang yan ang pag buhos ng luha niya, agad niya akong niyakap at humagulgol ng iyak.

Napa ngiti ako at napa iyak sa tuwa.

"I will marry you Creed Vaughn." Sabi niya habang naka yakap sa akin at umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit at pumikit. Hindi ko ata kaya na mawala ang babaeng ito sa akin. Kumalas siya ng yakap at inilahad ang kamay niya, isinuot ko ang singsing sa ring finger niya at hinila siya saka hinalikan sa kanyang labi.

Promise... Gagawa ako ng paraan para mabuhay ka ng matagal Rizden, promise.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon