Fin's Wedding.
~~~
Creed POV
"Bakla ka na ba ngayun? Nakaka diri ka." Sabi ko kay Fin na ngayun ay umiiyak habang hinihintay ang pag pasok ni Clementine sa Simbahan.
"Bitter ka kasi, kung ikaw kaya ang ikasal di ka maiiyak?" Gatong naman sakin ni Von.
"Hindi no, bat naman ako iiyak? Patay lang ang iniiyakan." Sabi ko.
"Anjan na siya." Sabi ni Van. Lahat kami ay naka tingin sa pintuan ng Simbahan at ng mag bukas iyon ay nakita namin ang napaka gandang si Clementine na naka suot ng wedding gown.
Napa ngiti ako.
Parang dati lang crush ko pa tong babaeng to, ngayun pinang didirian ko na sila ni Fin. Masyado silang sweet ang sakit sa mata sarap nilang itapon.
Dahan dahang nag lakad si Clementine palapit sa gawi ni Fin.
"Lil Bro." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Fin.
"Congrats." Naka ngiti kong sabi. Ngumiti sa akin si Fin at bigla akong niyakap.
"Salamat... Kuya" with that napa tigil ako at biglang napaluha ng marinig ko mula sa kanya ang salitang Kuya.
"Teka totoo ba itong narinig namin?" Kumalas ako sa yakap at pasimpleng pinunasan ang luhang namuo sa mata ko.
"Tinawag mong kuya si Creed?" Banat ni Van. Nakita ko ang pag ngiti ni Fin.
"Oo naman kuya Van." Sabi ni Fin.
"Fuck ang panget pakinggan." Sabi ni Von dahilan para batukan namin siya ni Van.
"Bunganga mo nasa simbahan ka." Sabi ko.
"Pero seryoso, ano bang nakain mo at sumapi sayo ang ganyang isipirito?"tanong ko.
" baka dahil nasa simbahan tayo kaya ganon."sabi ni Von.
"Nope, Clementine help me to realized na dapat igalang ko ang mas nakaka tanda sa akin. Look. Kuya Creed is 219 years old, at kayong dalawa naman ay 199 years old and I'm only 128 years old. So i realized na tama si Clementine." Sabi ni Fin. Napa tampal ako sa ulo ko ng banggitin niya ang edad ko.
"No need to mention my age." Sabi ko.
"Grabe ang tanda mo na KUYA Creed." Natatawang sabi ni Von at talagang pinag diinan pa ang salitang kuya.
"So it means tatawagin mo ding ate sila Liana at Leona?" Tanong ni Van.
"Yes."
"Ay loko tignan natin kung hindi uminit ang ulo ni Liana sayo." Natatawa kong sabi.
"Here she is." Sabi ni Van at humarap kay Clementine.
"Thank you foe accepting our brother." Sabi ni Van.
Ngumiti si Clementine.
"Please don't break our brothers heart." Sabi naman ni Von.
"I won't." Sabi ni Clementine.
"How about you KUYA Creed, what do you want to tell to Clementine?" Natatawang sabi ni Von. Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin kay Clementine.
"Thanks for everything Clementine. You and Fin deserve a happy ending." Sabi ko at ngumiti.
Sinundo na siya ni Fin at dinala sa harap ng altar. May ilang mga sinabi pa ang pari bago kami pinaupo.
Pinanuod namin kung paano mag palitan ng Vows at I Do ang dalawa at kung paano maging opisyal na mag asawa na sila.
Tumayo kami para palakpakan silang dalawa.
Nakaka iyak. Totoo, bilang kapatid ni Fin naiiyak ako sa katotohanang inunahan niya ako mag asawa. Dapat panganay muna ang mag kakaruon ng asawa eh ang daya.Pero masaya, masaya ako para sa kanila dahil deserved naman talaga nila ang happy ending. Ang dami nilang napag daanan at saksi kami sa mga yun.
Dumiretso kami nila Von at Van sa reception kung saan kami ay kakain at ibibigay ang mga regalo para sa kanila.
"Ate Liana!" Natatawang tawag ni Von kay Liana ng mapadaan ito sa harap namin.
"Fuck? What did you say?" Tanong ni Liana kay Von natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Sabi kasi ni Fin na sinabi daw ni Clementine na dapat daw ay igalang ang mas nakakatanda kaya ayan ginagalang kita." Sabi ni Von kaya mas lalo kaming natawa ng makita namin kung paano mamula sa galit si Liana.
"Fuck you Von. Stop calling me ate you stupid." Sabi ni Liana at inirapan siya.
Nag lakad papasok si Liana ng bigla namang dumating si Leona dala ang alaga niyang aso.
"Oh Ate Leona asan regalo mo?" Tanong ni Von kay Leona. Tumigil si Leona sa pag lalakad saka tumingin kay Von mula ulo hanggang paa.
"Wala akong kapatid na engot." Pag tataray ni Leona kay Von saka tinaas ang middle finger at nag lakad papasok ng reception. Natawa kami ni Van at tinignan namin si Von.
"Ayan unti unti ka ng tinatakwil ng mga Vaughn." Sabi ni Van.
"Narinig mo sinabi ni Leona? Wala daw kaming kapatid na Engot." Sabi ko at tinapik ang braso ni Von.
"Mga letse kayo." Pikon na sabi ni Von at naunang pumasok sa loob.
"Hahaha sundan mo na kakambal mo baka mag tamporurot yun." Sabi ko kay Van.
"Hahaha sige tabi tabi tayo sa table ha." Sabi niya sa akin. Tumango ako at pinanuod siyang pumasok sa loob.
Tumingin ako sa langit at nakita ang mga bituwing kumikinang. Napa ngiti ako.
'Soon ako naman ang ikakasal.'
"Opo boss sorry po na late ako." Napa lingon ako sa nag salita at nakita ang isang babaeng naka talikod sa akin. May kausap siya sa telepono niya at naka damit siya na parang pang waiter.
"Papasok na po ako pasensya na po talaga...sige po." Ibinaba niya ang kanyang telepono saka humarap sa dereksyon ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ng babaeng nasa harap ko.
Si Rizden! Wtf! Ang puso ko!
Teka ano?
I mean anong ginagawa ng taong yan dito?
~~~Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaperCreed Vaughn
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...