Ex
~~~
Rizden POV
Huminga ako ng malalim ng makalabas ako sa office ni Creed. Grabe, para akong nasa hot seat kanina. Hindi ko nalang kinikibo si Creed pag nag sasalita siya.
Nakakatakot siya kanina, josmio parang ano mang oras ay kakagatin niya ang leeg ko at sisipsipin ang dugo ko. Pero syempre alam ko naman na hindi niya gagawin yun dahil mabait siyang bampira.
Bago ako lumabas sa office nya sinabi ko na mag tratrabaho nalang ako, ayus lang naman ako at siguro dahil lang yun sa pabago bago ng panahon kaya dumugo ang ilong ko.
Bumalik na ako sa pwesto ko at nag simulang mag trabaho.
Buong oras ay nasa trabaho lamang ang isip ko. Kanina ay lumabas na si Creed, binati ko siya pero di nya ako pinansin. Bipolar talaga.Hanggang sa sumapit ang alas sais ng umaga, yun ang oras kung saan kailangan ko ng umuwi para mag pahinga. Hindi na bumalik si Fin kaya naman nag deretso lang ako palabas ng building.
Nag aabang ako ng sasakyan ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Bumaba ang bintana non at mula sa kinatatayuan ko nakita ko si Creed na naka tingin sa akin.
"Get in, ihahatid na kita." Cold niyang sabi. Napa ngiti nalang ako saka sumakay sa sasakyan niya. Tumingin ako sa kanya bago niya simulan ang pag mamaneho.
Galit ba sya?
"Creed.. Galit ka ba?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin saglit saka binalik ang paningin nya sa daanan.
"May nagawa ka ba para magalit ako?" Tanong niya. Umiling ako.
"Wala ano kasi pansin ko lang parang bad mo--"
"Don't mind me." Sabi niya. Tumango nalang ako at tinignan ang daanan. Buong byahe ay tahimik lamang. Gusto ko sana kausapin si Creed kaso baka mairita siya kaya nanahimik nalang ako.
Nag park siya sa tapat ng bahay namin. Di kalayuan sa pinag paradahan ni Creed ay nakita namin ang pulang kotse na naka tapat din sa bahay namin.
"May bisita ka?" Tumingin ako kay Creed at umiling.
"Wala." Sabi ko at sinimulan ng lumabas sa kotse niya. Isinarado ko ang pinto, lumabas din siya at lumapit sa akin.
"Ughm... Ano sige ayus na ako dito salamat sa pag hatid." Sabi ko. Hindi siya kumibo.
"Hindi mo manlang ba ako papapasukin sa bahay mo?" Nagulat ako ng marinig ko yun mula sa kanya. Para siyang mabait na batang nag mamakaawa.
"Ah... Sige pasok ka." Naguguluhan kong sabi. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para magulat ako. Sabay kaming pumasok sa gate at siya na mismo ang nag sarado non. Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at mula sa kinatatayuan ko nakita ko kung sino ang nasa loob.
"Ayan na pala si Ate eh." Sabi ng kapatid ko. Lumingon yung kaharap ng kapatid ko at halos madurog ang puso ko ng makita ko kung sino yun.
"Steve." Tawag ko. Natigilan si Creed sa tabi ko at tumingin sa harap ko. Bigla niyang hinigpitan ang pag kakahawak sa akin. Tumayo si Steve at ngumiti sa akin.
"Hey... Ughmnm Hi?" Medyo awkward niyang bati sa akin. Lumingon ako kay Creed na matalim ant tingin kay Steve.
"Who are you?" Tanong ni Creed kay Steve.
"I'm Steve her ex and you?" Tanong ni Steve. Hinigit ni Creed ang bewang ko at pinag dikit ang katawan naming dalawa.
"I'm Creed Vaughn... Her boyfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Creed.
"Hoy!--"
"What are you doing here?" Agad na pinutol ni Creed ang sasabihin ko.
"I'm just.... Ughm... Want to say Hi?" Sabi ni Steven.
"You done right? Now you may go." Sabi ni Creed. Kumunot ang nuo ni Steven. Tinitigan ako ni Creed at ngumito siya ng pagka tamis tamis.
"Baby sugar honey pulm are you tired? Let's go you need to rest." Sabi ni Creed at hinawakan ang braso ko.
"Ughm ihahatid ko lang si Ste--"
"He can leave alone Baby Sugar Honey pulm, he have his own foot to walk."sabi ni Creed.
Tanginang Baby Sugar Honey Pulm yan napaka haba at nahilo ako sa sinabi niyang yun ha. Nakaka loka sya.
" ah sige aalis na ako Riz... Sa susunod nal--"
"Wala ng susunod yan." Putol ni Creed at tinaasan ng kilay si Steven.
"You left remember? No need to comeback go shu shu leave our house." Sabi ni Creed. Halos sumabog na ako sa pag pipigil ko ng tawa. Grabe.
Pinanuod kong lumabas si Steve sa bahay hanggang sa sumakay ito sa kotse niya. Lumingon pa ito sa akin bago umalis.
"You." Tinignan ko si Creed na matalim ang tingin sa akin.
"W-what?"
"Don't you ever dare talk to him again. Makaka ubos ako ng dugo ng tao pag nakita kong may kausap ka." Sabi niya at hinigit ako. Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin niya ako bigla.
"You're mine. Understand?" Tanong niya. Napa lunok ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos tumigil ang pag galaw ng mundo ko. Josmio.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampiroVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...