Chapter 19: Ways

900 33 2
                                    

Ways.

~~~~

Creed POV

"This is all your fault!" Sigaw ko at agad na ginawaran ng malakas na suntok si Van sa kanyang mukha ng makita ko siya sa pinto ng bahay ko.

Agad siyang lumagapak sa sahig na agad namang tinulungan ng kambal niya at ni Fin.

"Because of you nangyare ang lahat ng ito kay Rizden!"sigaw ko.

"Bro calm down--"

"SHUT THE FUCK UP FIN!"sigaw ko at akmang susugurin si Van ng may ginawang mahika si Leona na kakadating lang sa akin. Tumigas ang buong katawan ko at di ko ito maigalaw.

"Stop being a monster Creed."sabi ni Liana.

"Alisin niyo ang mahika na nilagay niyo sa katawan ko."malamig kong utos.

"I can't unless titigil ka at kakausapin ng matino si Van." Sabi ni Leona.

"No! He deserves a lot of punches in his face!"sigaw ko.

"He is your little brother Creed!" Inis na sabi ni Von.

"I don't care!"sigaw ko.

"You should care! You two have a same type of blood! Mag kapatid kayo eh yung Rizden na yun she was just nothing to you!"inis na sabi ni Leana.

"How dare you to say those words?! Rizden is everything to me!" Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. Natigilam naman sila sa nakita nila.

"She is my fucking everything!"sigaw ko at patuloy parin sa pag agus ang mga luha ko.

"She's my heart, my soul, my world, everything! So don't you fucking dare to say those words again!"sigaw ko kay Leana.

"Can we just please relax guys? Mapag uusapan naman natin to ng matino hindi ganito na puro sigawan."singit ni Fin.

"How can i relax if i know that my everything is dieing after 6 days?" Wala sa sarili kong tanong. Naramdaman ko ang pag alis ni Leona sa mahika na inilagay niya sa akin.

"She's.... Dieing?"tanong ni Von.

"She have cancer, and it affects her eye sight." Sabi ko habang naka tingin sa kawalan.

"And worst the doctor says she only have 6 days before she died."

Natihimik silang lahat. Tinignan ko sila, bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan.

"Ang buong akala ko hindi ako iibig sa isang tao na gaya niya."sabi ko at naramdaman ang muling pag agus ng mga luha ko.

"But look at me now."natawa ako. "I looked liked an asshole and idiotic bastard na inaaway ang mga kapatid ko ng dahil lang sa babaeng tao na yun..... But you guys can't blame me. Biktima lang ako ng mapanakit na pag ibig na yan."sabi ko at nang hina ang mga tuhod ko kaya napa upo ako sa lapag.

"Creed." Alarmang tawag ni Liana pero sinenyasan ko lang siya na wag siyang lalapit sa akin.

"Rizden have a lil brother, at sa tingin ko wala siyang kaalam alam sa sitwasyon ng ate niya."kwento ko. "How can i manage to relax if i know na may mangungulila pag nawala si Rizden?"tanong ko.

"How can i manage to relax kung ilang araw nalang ay mawawala sakin si Rizden? Ni hindi ko pa nga naaamin sa kanya na mahal ko siya, ni hindi ko pa sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko so how can i manage to relax kung alam kung mawawala siya sa akin?"tanong ko.

Rizden POV

Nakarinig ako ng malakas na lagabog sa ibaba ng bahay ni Creed. Dito nya ako dinala sa bahay niya dahil sinabi ko. Naalala ko kasi ang kapatid ko, hindi niya alam na may sakit ako. Pag nalaman niya na hindi ako nakaka kita ngayun sure ako na mag aalala siya at baka hindi na naman pumasok sa school niya bukas.

Nakatawag na ako kanina sa kanya at sinabing ayus lang ako. Sinabihan ko din siya na isarado lahat ng bintana at pinto sa bahay dahil hindi muna ako uuwi don.

Hanggang ngayun hindi parin bumabalik ang paningin ko. Malala ito, alam ko. Dahil hindi ito gaya ng dati na bumabalik din pagkatapos ng ilang minuto.

Nangangapa kong hinawakan ang paligid, madilim. Wala akong makita.

Nasaan ba si Creed?

"Creed?"tawag ko pero walang sumagot. Hanggang sa nahawakan ko ang doorknob ng pinto at pinihit iyon saka lumabas.

"You should care! You two have a same type of blood! Mag kapatid kayo eh yung Rizden na yun she was just nothing to you!" Natigilan ako ng marinig ang boses ni Leana sa ibaba.

Nandito pala ang mga kapatid niya?

"How dare you to say those words?! Rizden is everything to me!" Mas lalo akong natigilan sa narinig ko. Is this real?
Si Creed ba talaga ang narinig ko?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Rizden is everything to me.'

"She's my heart, my soul, my world, everything! So don't you fucking dare to say those words again!"sigaw nito na mas lalong nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Narinig ko na pinapakalma ni Fin ang mga kapatid niya pero ang mga sumunod na sinabi ni Creed ang mas nag pabilis ng tibok ng puso ko.

"How can i relax if i know that my everything is dieing after 6 days?" Naramdaman ko ang pag agus ng mga luha ko.

6 days.... Natawa ako.

Anim na araw nalang pala ay mamamatay na ako. Muli kong pinihit ang doorknob saka pumasok sa loob ng kwarto. Nanghina ang mga tuhod ko, hindi ko kinaya ang mga nalaman ko.

Anim na araw... Bakit... Bakit ba sobrang unfair ng mundo? Ayoko pang mamatay, ayoko pang mawala. Lalo na ngayun na nalaman kong ako ang everything ni Creed. Lalo pa ngayun na may nararamdaman akong iba para kay Creed? Bakit? Bakit sa akin pa nangyare ito? Hindi naman ako masamang tao pero bakit ako pinaparusahan ng ganito?

Creed POV

"May alam akong paraan kung paano maliligtas si Rizden." Napa tingin ako kay Van.

"Ano? Anong paraan sabihin mo?"tanong ko.

"Hindi yun madali Cr--"

"Sabihin mo nalang!"sigaw ko.

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.

"Hahaba ang buhay ni Rizden kagaya natin."sabi niya. Kumunot ang nuo ko.

"Hindi ko--"natigilan ako sa sasabihin ko ng marealize ang sinabi nya.

"Ano?"kunot nuong tanong ni Leona.

"Hahaba ang buhay ni Rizden once na naging bampira siya."dugtong ni Fin kaya napa tingin ako sa kanya.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon