Love?
~~~~
Creed POV
Napahawak ako sa labi ko ng muli kong maalala ang pag halik sa akin ni Rizden.
Napa ngiti ako ng wala sa oras.
Ang lambot ng labi niya! Parang.... Parang ang sarap niya ulit halikan.Teka ano?
Napa lunok ako at napa iling.
Pinag nanasahan ko ba si Rizden? Aba'y--"Boss, may nag hahanap po sa inyo sa labas." Napa pitlag ako ng makita ko si Rizden na naka tayo sa harap ko. Halatang nagulat sya sa inasta ko pero inayus ko nalang ang necktie ko saka normal siyang hinarap.
"S-sino?" Tanong ko.
"Si---"
"I can't wait anymore." Napa tingin kaming dalawa sa pinto ng office ko.
Si Fin. Oh?
With his dark aura and suplado look, tinaasan niya ng kilay si Rizden.
"Ang bagal mo naman mag paalam." Supladong sabi ni Fin at umupo sa sofa.
"So-sorry po." Kumunot ang nuo ko ng yumuko si Rizden kay Fin na walang pake alam.
"Leave us." Parang boss na utos ni Fin. Dali dali namang lumabas si Rizden sa office ko.
"What the hell was that?" Kunot nuong tanong ko. Tumingin sa akin ang kapatid ko.
"Ano? I didn't do anything." Sabi niya at nag teleport papunta sa wine station ko.
"Idiot. Bakit mo ginanon ganon ang secretary ko?" Sabi ko.
Tumingin sya sa akin. Nag salin siya ng alak sa baso saka muling nag teleport papunta sa sofang inuupuan niya kanina.
"Ang bagal niya kumilos. Sabi 1 minute daw at babalik na sya most 1 minute na ang nakalipas wala pa siya." Napa irap ako.
Hanggang ngayun mainitin parin ang ulo niya.
"Its because may pinagawa pa ako sa kanya." Pag sisinungaling ko.
"I don't care, still mabagal parin syang kumilos." Sabi niya at nilapag yung baso sa mini table.
"Ano ba't nandito ka." Inis kong sabi.
"Clementine is pregnant." Tinaasan ko sya ng kilay.
"And so?" Pag tataray ko.
"Well gusto kong iinform ang mga tito't tita." Sabi niya. Sumandal ako sa upuan ko.
"Okay, na inform na ako. So what now?" Tanong ko.
"Syempre as a proud first time father, may paparty sa bahay. So hope maka punta ka brother kahit na busy ka sa city at sa secretary mo." Sabi niya dahilan para mapapitlag ako.
"Anong sabi mo?" Inis kong tanong.
"You think I'm fool? Kanina, nag da-day dream ang secretary mo. Narinig ko sabi niya 'ang lambot ng labi ni boss.' 'Kahit kailan pwede ko siyang halikan?' 'Single siya, single din ako.' " bigla akong napa ngiti sa sinabi niya.
"Whow whow, looks like in love ka na naman brother." Naka ngising sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"You think, she like me?" Biglang tanong ko.
"I don't know. I'm not her to answer your question." Sabi niya kaya inirapan ko sya.
This moron has a point.
"Invite her later." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"We want to met her in personal, brother. By the way nasabihan ko na yung mga kambal so ready yourself. See ya'h later." Pag kasabi niya non ay bigla siyang nawala.
Napa iling iling nalang ako at muling napa ngiti.
Muli kong naalala yung sinabi ni Fin.
'Single siya, single ako.'
Pinindot ko yung intercom.
"Pumunta ka dito, now." Napa ngiti ako matapos ko yung sabihin.
Napa titig ako sa pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mag bukas ang pinto at niluwa non ang namumula na si Rizden. Tek, bat siya namumula?
"Y-yes po?"
"Anong nangyare sayo?" Tanong ko.
"W-wala po." Tinignan ko sya ng seryoso.
"Bakit ka namumula?" Tanong ko.
"Y-yung bisita niyo po kasi--"
"Anong ginawa sayo?" Putol ko at napa tayo sa kina uupuan ko.
"Wala naman po... Nagulat lang po ako kasi bigla nalang po siyang sumulpot sa harap ko tapos sabi niya 'Welcome to the Family.' " napa ngiti ako sa sinabi niya.
Fin, Fin, Fin. Kapatid nga talaga kita.
"B-bakit po kayo ngumingiti?" Tanong niya.
"Never mind." Sabi ko at muling umupo sa upuan ko.
"Ready your things--"
"Fired na po ako?" Kumunot ang nuo ko.
"Fucking no." Sabi ko.
"Bakit po may pa ready your things ka pang nalalaman?"
"Aalis tayo tanga." Sabi ko at inirapan siya.
"Saan po pupunta?"
"Sa puso mo. Este sa mall." Sabi ko.
"Ano pong meron?"
"May party tayong pupuntahan mamaya so, you need to look formal." Kumunot ang nuo niya.
"May pupuntahan po kasi ako--"
"Mas importante pa ba yang pupuntahan mo kesa sa pupuntahan natin?" Tanong ko. Napa lunok siya.
"Si-sige po aayusin ko na po yung gamit ko." Ngumiti ako.
"Good."
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...