Where's Rizden?
~~~~~
Leona POV
"Bago sumikat ang araw... Mamamatay si Rizden."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Protektahan mo si Rizden kahit na anong mangyare, kung hindi.... Magiging halimaw ng di oras si Creed."
Tuloy parin ako sa pag takbo habang inaalala ang mga sinabi ni Aphrodite sa akin. Mamamatay si Rizden at magiging halimaw si Creed? Hindi naman masamang maniwala at wala namang mawawala pag naniwala ako sa sinabi ng black vampire na yun.
Naka rating ako sa loob ng gusali at kung mamalasin nga naman ay naka salubong ko ang ilang Black vampire. Agad kong nilabas ang wand ko at nag cast ng spell sa kanila saka nag patuloy sa pag takbo.
Nasaan na ba sila Rizden at Leana? Nakaka inis na ha, sobrang kulit at ang tigas ng ulo ng babaeng yun gusto niya talagang mapahamak siya?! Kung pwede lang gawing pagong ang Rizden na yan ay ginawa ko na. Masyado siyang nag mamagaling nakaka inis na.
"Leona sa likod!" Nataranta ako at agad na nag cast ng spell sa likod ko. Pag katingin ko sa likod ko nakita ko ang isang black vampire na sumusunod sa akin.
Tumingin naman ako sa harap ko at nakita si Leana na may kinakalabang limang black Vampire. Agad kong nilabas ang maliit na dagger sa bulsa ko saka itinapon iyon sa ere at nag cast ng spell dahilan para maging lima ang dagger at itinapon iyon sa dereksyon ng limang black vampire na kinakalaban ni Leana.
"Salamat."sabi niya at huminga ng malalim.
"Nasaan si Rizden?"tanong ko.
"Kinuha siya ng... Ng tatlong black vampire."sagot niya. Lumapit ako sa kanya para pagalingin ang galos niya sa mukha.
"Tara bawiin na natin siya." Sabi ko at hinatak.
"Sa kaliwa mo Von!" Napa tingin kami sa isang sulok ng may marinig kaming sumigaw. Sila Van at Von.
"Tara."sabi ni Leana at hinila ako papunta sa dereksyon nila Van at Von. Tumulong kami sa pag patay sa mga black Vampire na kalaban ng dalawa.
"BAKIT KAYO NANDITO?!" Gulat na tanong ni Van.
"Nasaan si Rizden?"tanong ni Von.
"Kinuha siya ng mga black vampire."sagot ni Leana.
"Ano?! Bakit ba kasi kayo nandito?"inis na tanong ni Van.
"Kasi nag pumilit si Rizden na pumunta dito! Nadala lang si Leana sa pag mamakaawa ni Rizden kase akala namin 24 oras nalang ang itatagal niya." Sabi ko at tumingin sa likod ni Von. Agad kong iniwasiwas ang wand ko sa black vampire na nasa likod ni Von. Tumilamsik iyon sa malayo.
Mag katinginan kaming apat.
"Pag nalaman ni Creed 'to, sigurado ako na magagalit siya sa atin."sabi ni Van.
"Kaya nga tara na diba."sabi ko at naunang nag lakad sa kanila.
"Nasaan sila Creed?"rinig kong tanong ni Leana.
"Na trap sila, kailangan nila ng tulong."sabi ni Von.
"Mag hiwalay tayo." Sabi ko at tinignan sila.
"Hahanapin naming dalawa ni Van si Rizden. Kayong dalawa ni Leana ang tumulong kay Creed."sabi ko kay Von.
"Tara na."
Nag hiwalay kami ng dereksyon.
Napa tigil kami ni Van sa pag lalakad ng makita ang ilang mga--
"Nasaan si Cleopatra?"tanong ng isang lalaking kaharap namin. Sa likod niya ay madaming ilang kalalakihan at mga kababaihan.
"Na trap sila, papunta na don si Von, tulungan niyo sila."sabi ni Van don sa nag tanong.
"Sa dereksyon na yun nag punta sila Von. Bilisan niyo."sabi ni Van, tumango ito sa kanya at nag simulang mag lakad kasama yung mga nasa likod nya.
"Sino sila?"tanong ko at nag simulang mag lakad.
"Mga kakampi sila, tropa ni Aphrodite."sagot niya.
"Bat parang ang dami nila?"tanong ko.
"Kulang pa yan, wala pa yan sa kalahati."sagot niya kaya napa lingon ako sa likod namin at pinag masdan yung mga yun.
Kulang pa sa kalahati? Ang dami naman atang tropa ni Aphrodite?
Tumingin ako kay Van na may kausap sa cellphone ng ibinaba niya na iyon ay nag tanong ako.
"Sino tinawagan mo?"tanong ko.
"Back up."sagot niya kumunot ang nuo ko.
Tumingin siya sa akin.
"Si Clementine at papa."
"Ano?! Baka si Fin naman ang magalit sa atin."sabi ko.
"Hayst kailangan natin sila kesa sa galit ni Fin."sabi niya at nag patuloy sa pag lalakad.
Creed POV
"Nagulat ba kita Mr Mayor?"tanong ni Steve sa akin habang naka ngisi. Hindi ako umimik. Hindi ba't tao siya?
"Nag tataka ka siguro kung paano ako naging ganito?"tanong niya at natawa.
"Mahabang kwento pero para sayo papaiksiin ko lang."naka ngiti niyang sabi. Nababaliw na siya.
"Simulan natin don sa nag cross ang landas natin, naalala mo yung sa bahay nila Rizden? Yung iniwan nyo ko? May isang mabait na kaibigan ang nag alok sa akin para maging isang bampira." Natatawa niyang sabi.
Napapalibutan na kami ng mga black vampire.
"Nong una nag dadalawang isip ako kase bakit ko naman gugustuhin na maging masamang bampira? Pero nong makita ko kayo ni Rizden. Naisip ko na bakit hindi ko tanggapin ang alok ng aking mabait na kaibigan, baka sakaling bumalik sa akin si Rizden kase isa na din akong bampira gaya mo." Natatawa niyang dugtong saka lumapit sa akin.
"In short, naging bampira ka para kay Rizden."bored na tanong ni Cleopatra kaya napa tingin kami sa kanya.
"Oo na oo na lumang strategy ng mga taong nauulol sa pag ibig. Pwede ba kung papatayin mo kami gawin mo na?"mataray na tanong ni Cleopatra. Kumunot ang nuo namin ni Fin.
Natawa naman si Steve at umiling iling.
"Bakit ko naman kayo papatayin kung pwede naman nating daanin sa mabuting usapan hindi ba Mr Mayor?"tanong ni Steve sa akin.
"At ano naman ang kailangan mo?"tanong ko.
Ngumiti siya.
"Simple lang."sagot niya at mas lalong lumapit sa akin, kitang kita ko ang tulis ng pangil niya.
"Ibibigay namin ang kapatid ni Rizden sayo kapalit niya."sabi ni Steve at may tinuro sa likod. Tumingin kami sa likod at halos pang hinaan ako ng makita ko si Rizden na may tali sa kamay at nag dudugo ang ilong.
"Rizden..." Nang hihinang tawag ko. Bakit nandito siya?! Nasaan sila Leana at Leona?
"Creed.."umiiyak niyang tawag sa akin na halos mag pa durog ng puso ko.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Painted Destiny (Creed Vaughn)
VampireVaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bampira sa buong lugar nila ay nakilala ang isang babaeng mag papabago ng kanyang buhay. Date Started: A...