Chapter 17: Rizden

974 39 2
                                    

Rizden.

~~~~

Creed POV

"Rizden, buksan mo ang mga mata mo."pakiusap ko kay Rizden na ngayun ay naka higa sa mga bisig ko.

"Tumawag kayo ng tulong!"sigaw ni Clementine na nasa harap ko.

"Niligtas nya ako."bulong ni Clementine kaya napa tingin ako sa kanya.

"ANO BA KASING GINAGAWA NIYO DITO?! HINDI BA'T SINABI NA NAMIN NI FIN NA MANATILI LANG KAYO SA LOOB!"Sigaw ko. Agad na nag punta si Fin sa harap ko at kinuwelyohan.

"WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN ANG ASAWA KO DAHIL UNANG UNA SA LAHAT HINDI SIYA ANG MAY KASALANAN!"sigaw ni Fin sa akin at sabay kaming napa tingin sa dereksyon ni Van na yakap yakap sa likod ang dahilan kung bakit nag aagaw buhay ang babaeng mahal ko.

"HAYOP KA!"sigaw ko at akmang susugurin ang babaeng black vampire ng biglang sumingit sa gitna si Von at Liana.

"TAMA NA!"Sigaw ni Leona at tumingin sa dereksyon ni Rizden.

"Nag aagaw buhay na ang babaeng mahal mo Creed, wag ka ng makipag away, sa halip ay dalhin mo siya sa pagamutan kami na ang bahala dito."sabi ni Leona. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Dadalhin na natin si Rizden sa hospital."sabi ni Fin. Napa tingin ako kay Van na ngayun ay nasa harap ng babaeng black vampire.

"Sa oras na may mangyareng masama kay Rizden, kakalimutan kong kapatid kita Van. Babalikan kita at yang babae mo."seryoso kong sabi at binuhat si Rizden.

"Nasa labas na ang sasakyan."sabi ni Clementine. Nag lakad ako palabas habang buhat buhat ang katawan ni Rizden.

Napa tingin ako kay Rizden na walang malay at may dugong lumalabas sa labi.

"Kumapit ka lang please."bulong ko at ipinasok siya sa sasakyan.

"Ako na ang mag mamaneho."sabi ni Fin at sumakay sa drivers seat. Katabi niya si Clementine na kakapasok lang din.

"Pakibilisan please."sabi ko kay Fin at tinignan si Rizden. Pumasok na ako at niyakap ang katawan ni Rizden.

"Wag mo kong iwan." Mangiyak ngiyak na sabi ko habag naka yakap kay Rizden.

Von POV

"NABABALIW KA NA BA VAN?!"sigaw ni Leona kay Van. Wala na ang mga bisita ngayun dahil pina alis na namin sila, kami nila Leona, Liana, Van at Veronica ang naiwan dito.

"NAG DALA KA NG HALIMAW SA LOOB NG BAHAY NATEN!"sigaw ni Leona at tumingin kay Veronica na ngayun ay nasa maayus ng pag iisip.

Katabi niya si Van na yakap yakap siya.

"Hindi niyo naiintindihan--"

"Talagang hindi namin maiintindihan at wala kaming balak intindihin yang babae mo Van. Nakita mo ba ang nangyare? Tinangka niyang patayin si Clementine! Alam mo namang buntis si Clementine at tignan mo kung anong nangyare, si Rizden ang nadale niyang halimaw mong babae!" Sermon sa kanya ni Liana.

"Pakinggan niyo muna kasi ang panig ni Van."singit ko.

"Isa ka pa Von tumigil ka, kinukunsinti mo itong kakambal mo." Napa pikit nalang ako sa sinabi ni Leona. Sinesermonan kami ng dalawang ate namin, kaya anong magagawa namin ni Van.

"Takot si Veronica sa aso, sa tuwing makaka kita siya ng aso nag wawala sya ta nawawala sa katinuan niya sana naman intindihin niyo yun."paliwanag ni Van.

"Hindi namin iintindihin yun dahil isa siyang black vampire Van."

"Hindi porket black Vampire si Veronica masama na siya."

"Lahat ng black vampire masasama!"sigaw ni Leona at tumingin kay Veronica.

"Anong katibayan mo na yang babaeng yan ay hindi masama?"tanong ni Leona kay Van. Hindi sumagot si Van.

"Ibabalik mo yan sa pinang galingan niya kahit na anong mangyare."malamig na sabi ni Liana kaya napa tingin ako kay Van.

"Ano? Liana naman--"

"Ibabalik mo siya o papatayin namin siya?"tanong ni Leona kay Van kaya natigilan si Van at napa tingin kay Veronica na nakatulala.

Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha ng kakambal ko.

"Hindi niyo naiintindihan."mangiyak ngiyak na sabi ni Van at sa isang iglap parehas silang nawala ni Veronica.

Napa pikit nalang ako at napa buntong hininga.

"Sakit talaga sa ulo yang Van na yan."sabi ni Leona kaya napa tingin ako sa kanya.

"Nasan si Papa?"tanong ko.

"Oo nga.... Nasan si Papa?"tanong nilang dalawa.

Agad akong napa tayo sa inuupuan ko at nakipag unahan kila Leona at Liana na maka punta sa lugar kung saan namin sila iniwan. Nakahinga kami ng maluwag ng makita naming naroon lamang si Papa sa ilalim ng mesa at natutulog.

"Antukin talaga kahit kailan."iiling iling na sabi ni Liana.

Creed POV

"Doc kumusta siya?"tanong ko sa doctor na nag opera kay Rizden. Ilang oras ang lumipas, pagka rating na pagkarating namin sa hospital na ito ay sinugod agad nila si Rizden sa E.R ilang oras silang nasa loob kaya naman kinakabahan ako.

"Natahi na namin ang sugat nya."sabi ng doktor kaya naka hinga ako ng malalim.

"Pero yung sakit niya napansin naming sobrang lala na."natigilan ako sa sinabi ng doktor.

Napa tingin ako kila Clementine at Fin na naka tingin din sa akin.

"May sakit siya?"tanong ko.

Kumunot ang nuo ng doktor.

"Hindi po ba nasabi sa inyo ng pasyente?"tanong niya kaya natahimik ako.

Wala naman siyang sinasabi sa akin.

"Malala na ang cancer niya sa dugo, ipapadala ko ang isang doktor dito mamaya para ipatingin kung kakayanin pa ba ng chemotherapy. Napansin din namin ang tumor niya sa kaliwang dibdib niya palaki iyon ng palaki." Bigla akong nanghina sa mga narinig ko.

After all this time may sakit pala siya?

~~~~
Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon