Chapter 7: Assistant Secretary Rizden

1.1K 46 0
                                    

Assistant Secretary Rizden

~~~

Creed POV

Maaga akong nagising ngayung araw na ito, dahil hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ngayun ang umpisa ng trabaho ni Rizden sa akin. And speaking of her, pinasundo ko na siya sa driver.

Since may araw pa sa labas ay hindi akong pwedeng lumabas, dito muna kami ni Rizden sa bahay ko. And i don't know why but nag pahanda ako ng pagkain para sa kanya, i mean para sa aming dalawa.

Nag ayus na din ako and i make sure na presentable ang itsura ko once na kaharap ko siya.
I don't know what the hell is going on but i only know is Rizden is coming.

I'm not excited okay, masaya lang ako dahil may assistant na ako.

"Sir, nanjan na po sila." Nilingon ko yung maid. Ngumiti ako at agad na bumaba ng hagdan. Pagka baba ko ay nakita ko ang kakababa lang na si Rizden mula sa sasakyan.

Nilibot niya ang tingin sa buong labas ng bahay saka tumingin sa gawi ko. Nag tama ang paningin naming dalawa at halos tumigil lahat ng mga gumagalaw sa gilid ng makita ko ang pag ngiti niya.

Damn! She's so hot! I mean no she's not hot duh.

Nag lakad siya papasok sa bahay habang naka tingin sa akin. Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko while she's walking in front of me.

"Good morning Mr Vaughn." Magalang niyang sabi.

"There's no good in morning Ms Quatre, you're 3 minutes late." Malamig kong sabi. Ngumiti lang siya.

"Eh kasi naman inasikaso ko muna kapatid ko bago ako umalis. Saka nakiusap ako kay manong na kung pwede ihatid muna namin yung kapatid ko sa school. Sorry Sir." Sabi niya.

"Don't call me Sir Ms Quatre."

"Ma'am?"

"Fuck!"

"Joke. Mr Vaughn?"

"Too formal."

"Oh eh anong itatawag ko sayo? Babe? Baby? Mister? Sugar bear?" Tanong niya na kinatigil ko. Sinamaan ko siya ng tingin but deep inside there's something na natuwa ako.

"Joke lang ulit haha." Awkward niyang sabi.

"Call me Creed." Sabi ko at inirapan siya.

"Sir handa na po ang pagkain niyo." Tinanguan ko yung maid saka tumingin kay Rizden.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Pa fall ka sir no?" Tanong niya at tumawa. Kumunot lang ang nuo ko.

"Hindi pa po CREED." Sabi niya.

"Then let's eat." Sabi ko at naunang mag lakad papunta sa dining table.
Umupo ako sa upuan ko at siya naman ay umupo sa harap.

"Ayus ng theme ng bahay mo ha, all black tas hinaluan ng red." Sabi niya.

"Just eat." Sabi ko. Tumingin siya sa table.

"Ang dami naman ata nento? Mauubos mo ba ito?" Tanong niya.

"Kaya ka nga nandito para tulungan akong ubusun to eh." Sabi ko.

"Sabagay. Teka ano yan? Red wine?" Tanong niya habang naka turo sa baso ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dugo ng baboy to." Sabi ko. Nakita ko naman ang pag tango tango niya.

"Ahh oo nga pala. Instead na uminom ng dugo ng tao, dugo nalang ng hayop ang iniinom mo." Sabi niya at nag simulang kumuha ng pagkain.

Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa aming dalawa.

Did i scare her?

"Rizden..." Tawag ko. Tumingin siya sa akin.

"Are you.... Are you scared of me?" Tanong ko. Tumigil siya at hinarap ako. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara't tinidor saka tumawa.

"Hindi ah." Sabi niya. "Bakit naman ako matatakot sa gwapong bampirang kagaya mo?" Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

"Pero... Isa akong bampira, hindi mo ba naiisip na maaari kong sipsipin lahat ng dugo mo?" Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko.

"Alam mo para kang ewan." Sabi niya habang natatawa.

"I'm just asking, some people afraid of vampires. They hate vampires and they trying to kill vampires." Sabi ko.

Natigilan naman siya at seryosong tumingin sa akin.

"Alam mo unang kita ko palang sayo halatang bampira ka na. Sa puti mo ba namang yan at sa pangil mo, saka alam ko namang mabait ka." Sabi niya.

"Really?"

"Oo. Kasi kung bad vampire ka eh di sana habang wala akong malay nong unang kita mo sa akin ay sinipsip mo na ang dugo ko." Sabi niya at natawa.

"Saka cool kaya magkaruon ng boss na vampire." Dagdag niya.

Napa ngiti ako sa sinabi niya. She's different from the others.

"Teka, ano bang pakiramdam na maging bampira? Diba sabi nila pag bampira ka umaabot ng ilang libong taon ang buhay mo? Ilang taon ka na ba?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin.

"I'm... I'm 219 years old." Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at pagka mangha.

"Seryoso? Cool." Sabi niya at napa ngiti.

"Sana all umaabot ng ganyang age." Sabi niya.

Kumunot ang nuo ko.

"Bakit? Ikaw ilang taon ka na ba?" Tanong ko.

"27 years old." Sagot niya.

"Hmm."

"Alam mo, pangarap kong mabuhay ng matagal." Napa titig ako sa mga mata niya na ngayun ay napalitan ng lungkot.

"Hindi ba't kayong mga tao ay nabubuhay hanggang 90 years old?" Tanong ko. Tumawa siya.

"Depende kung may sakit ka o wala." Sagot niya at muling kumain.

"Bakit ikaw ba may sakit?" Tanong ko. Hindi siya sumagot sa halip ay ngumiti lang siya at kumain.

There's something strange with this girl.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon