#VOHFlyHome E-00
"Nakita mo 'yon?" Tanong ko kay Rain nang nakalabas na kami sa Starbucks. Grabe, regular customer ba 'yon? Parang gusto ko na magkape araw-araw!
"No. Anong meron?" inosenteng tanong sa'kin ni Rain.
Hindi makapaniwala ko siyang tingingnan. "Bakit hindi mo nakita?! Ang gwapo kaya! Head turner yun!"
"Well, not enought to make my head turn," inikutan niya ako ng mata.
"In love na yata ako," bigla kong sabi.
"Wow. That fast? Dream, you're delusional," she shook her head.
"Edi sige crush ko na 'yun," ngumuso ako.
"Kakarating lang natin dito kanina pero apat na yung crush mo dito? Sa airport, sa katabi ng condo ko, sa nagpark sa tabi ng kotse ko, then now, sa customer ng coffee shop? Girl, okay ka pa? "
"Galing mo magbilang ah. Pero oo no! Bali siya yung pinaka-leader sa kanilang lahat. Tsaka nakita ko siya na may katawag sa iPhone niya! Not my intention to eavesdrop, pero sa isang International School siya nag-aaral!"
"And so?" Tinaasan niya ako ng kilay. Hmp! Napaka unsupportive niya ah!
"Edi dun din ako magpapa enroll! Sasabihin ko kay Papa since sabi niya pumili ako ng mapapasukan dito," wika ko.
"It's really final na pala? You'll be here when you're college?"
Tumango ako. "Oo. Punta nalang kayo dito nina Hera 'pag gusto nyo."
"Okay. Good luck nalang sa'yo," she smirked.
Napabugtong-hininga ako habang nakatanaw sa kanya na kinakausap yung babae, sana all Stella.
Magkatabi pa sila tapos parang annoyed na yung babae sa kanya kasi di makapag-focus sa binabasa. Eh sino ba naman makakapag-focus kung isang Brave Rigel Velarde ang nakatingin sa'yo?!
Boba hindi ako nagbabayad ng ganito kamahal na tuition para lang makakita ng ganito. Bakit ba kasi angganda ng mga type niya? Napapalaban tuloy ako!
"Dream, clubbing tayo mamaya ah," giit ni Mel habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Tumango ako habang nakatanaw pa rin kina Brave.
"Is that the Brave you were all talking about?"
Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin na rin siya kina Brave. Bumuntong-hininga ako at tumango.
She slowly nodded repeatedly habang nakatingin pa rin doon. "Well, galing mo pumili ah! Yung gwapo talaga! Tapos may jowa pa!"
"Hoy, excuse me! Di pa siya sinasagot niyan kaya hindi pa sila mag-jowa!" Depensa ko.
"Oh? You think hindi yan sasagutin?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. Sinong tanga ba naman kasi ang hindi yan sasagutin?!
"Oh, broken ka na ngayon?" Mel chuckled. Napasimangot ako sa kanya at tinawanan niya lang ako. "Baka hindi lovelife ang kulang sa'yo. Baka cuervo! Clubbing na!"
"So far, parang kayo ang pinakalasinggerang magnu-nurse," umiling ako.
"Hoy! Hindi ako umiinom no! Dance floor lang kaya trip ko!"
"Okay, kunyare naniniwala ako."
"Sige, tutal magaling ka naman magkunware," asar niya at binuksan na ang pintuan ng kotse ni Rain.
BINABASA MO ANG
Vault Of Heaven (MNL Boys Series # 1)
RomanceMNL Boys Series #1 - Of all the things that we want in life, reaching our dreams is probably one of our top desires. Well, who doesn't want to chase and achieve his/her dreams? Brave Rigel Velarde has his eyes on the prize. He'll definitely do anyt...