Lyde
Kanina pa ako hindi mapakali. Iniwan ko na ang trabaho ko at nagpasya na akong umuwi, madaling araw pa kasing masama ang pakiramdam ni Cassie dapat hindi na lang ako pumasok sa opisina ngayon para mabantayan ko siya.
Hindi ako mapakali sa loob ng kotse ko habang nagmamaneho ako pauwi parang may nagsasabing kailangan ko ng makarating agad ngayon din. Biglang tumunog ang phone ko kinuha ko ito sa compartment at sinagot ng makitang si Cassie ang tumawag.
"Cass pauwi na ako ma—"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko si Aling Flor sa kabilang linya at bigla akong kinabahan.
"Sir si Ma'am Cassie...." Nanginginig na usal nito.
"Damn! Aling Flor what happened to my wife? What happened to Cassie? just tell me?" Nagpa-panic na usal ko.
"Nasa Del Real hospital po si ma'am Cassie isinug—"
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi nito bigla kong na tapakan ang preno ng kotse ko. Dammit! Pinagpapawisan ako at hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Nang maka-recover ako mula sa pagkagulat agad ko ng pinaharutrot ang kotse ko, halos paliparin ko na ito makarating lang ako sa Del Real hospital. Pagkarating ko agad na tumakbo ako papunta sa loob. Nakita ko kaagad si Aling Flor na sinalubong ako.
"Where's Cassie? "Agad na bungad ko.
"Nasa loob po Sir." Ani nito.
"Is she okay?" Nag-aalalang tanong.
Umiling si Aling Flor at nanghihina akong napasandal pader nitong hospital. Pakiramdam ko ng mamanhid ang katawa ko.
Nakatanaw lang ako sa maliit na bintana sa kwarto. I ran my fingers through my hair and closed my eyes out of worry, sana walang mangyaring masama kay Cassie. Oh god, I'm almost sure she lost the baby dahil sa mga sinabi ni Aling Flor na mula sa pagdala nila dito kay Cassie patuloy pa rin ang pagdudugo nito.
Gusto kong patayin kung sino man ang walang hiyang gumawa nito sa asawa ko. Dammit! I will kill that bastard and I'll make sure mapaparusahan siya sa ginawa nito sa mag-ina ko! Shit! She was fine when I left her, gusto kong sisihin ang sarili ko. Dapat hindi na lang ako pumasok sa opisina at dapat binantayan ko na lang siya.
Nanghihina akong napaupo sa silya sa tabi ng pinto. Oh God, wag niyong pababayaan ang mag-ina ko. Ilang oras akong naghintay sa labas ng kwartong iyon at hindi mapakali.
Tears started to fall from my cheeks, sinapo ng dalawang palad ko ang mukha ko at hindi ko mapigilan ang umiyak. This is my fucking fault!
Maya-maya ay lumabas si Magnus ang kaibigan ko na siyang doktor ni Cassie mula sa pinto. Agad akong lumapit sa kanya.
"How's my wife and the baby?" Agad na tanong ko.
"Unfortunately, we couldn't save the baby Lyde. Your wife had a miscarriage due to abdominal trauma. Maraming dugong nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang salinan ng dugo as soon as possible dahil maaari niya itong ikamatay at may kunting sugat siya sa ulo, mga galos sa katawan. Mabuti na lang hindi ito malala, man." Puno ng simpatyang usal nito.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, our baby is gone and now my wife's life is still in danger. Kung wala lang si Magnus sa harapan ko I probably would have broke down.
"What's my wife blood type Magnus?" I asked.
"She's AB negative and it is a big problem Lyde, her blood type is rarely to find. Mahihirapan kang humanap nito kahit pa sa blood bank." Sabi nito sa akin.
Kahit saang lupalop o impyerno pa makikita ang blood type niya hahanapin ko iyon. I can't bear to lose my wife nawala na nga ang baby namin ayokong pati si Cassie mawala pa sa'kin.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
