Cassie
Pagkauwi namin ni Lyde sa bahay galing sa bakasyon sinalubong kaagad kami ni Aling Flor na may malawak na ngiti sa labi.
"Welcome home Ma'am, Sir." Masiglang bati nito sa amin ni Lyde.
Nagmano si Lyde dito bago naunang umakyat para iakyat ang mga gamit namin. Binalinga ako ni Aling Flor na may mapanuring tingin.
"Ang blooming mo naman yata ngayon Ma'am Cassie? Halatang masaya kayo ah?"Nakangiting sabi nito.
Nakangiting tinaas ko ang palasingsingan ko kung saan nakasuot ang engagement ring na binigay ni Lyde.
"He proposed to me and asked me to marry him again in the church this time, Aling Flor. Yong magpapakasal kami hindi dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin. Magpapakasal kami dahil gusto namin at dahil nagmamahalan kami." Nakangiting sabi ko.
Malawak ang ngiti ni Aling Flor sa'kin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Masaya ako para sa inyong dalawa alam ko na talagang nagmamahalan kayo. Hindi madali ang buhay bilang mag-asawa kung minsan may mga pagsubok na darating para subukin ang pagsasama n'yo pero dapat mong tatagan ang sarili mo at panghahawakan mo ang pagmamahal sayo ng asawa mo." Sabi ni Aling Flor.
Ngumiti ako at tumango."Salamat po Aling Flor."
"Walang anuman, o sige sa kusina lang ako." Nakangiting paalam nito.
Tumango lang ako at nagpasyang umakyat sa taas ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan ko muna kung sino ang caller nang makita kong si Tin ito sinagot ko na agad.
"Hello?"
"Cassieeeeee?" Tili nito sa kabilang linya.
"O, bakit?"
"Wala lang na-miss lang kita. Kamusta ang bakasyon n'yo ng hubby mo?"
"Okay lang masaya, nag-enjoy talaga ako. Eh ikaw kumasta ka na? Kayo ng kuya ko I mean?"Panunukso ko.
"Okay lang ako saka ba't nasali sa usapan natin yong arogante at may masamang ugali mong kapatid!" May himig na inis ang boses nito. Hate to the bones yata nito ang kuya ko.
"Akala ko ba gusto mo siya?"
"Noon yon, hindi ko naman aakalain na siya yong lalaking nag-take advantage sa kalasingan ko at saka di bale ng hot at gwapo siya masama naman ang ugali, napaka-arogante pa hmp!" Inis na sabi nito. Natawa na lang tuloy ako.
"So, mangangamusta ka lang kaya ka tumawag?"
"Well, actually gusto ko lang i-inform sayo na nasa harap ako ng bahay n'yo ngayon."
"Huh? Paano mo nalaman ang address ng bahay namin?"
"Saan pa edi sa magaling mong kapatid nilandi ko este inuto ko kayo ayon bumigay but anyway lumabas ka na kaya diyan puntahan mo na ako dito dahil excited na akong makita at makilala ang hubby mo ng makita ko kung gaano siya kagwapo at ka-hot ng mapagnasaan ko na." Halakhak nito.
"Sira ka talaga, maghintay ka jan papunta na ako." Sabi ko bago pinatay ang tawag.
Paglabas ko ng gate nakita ko kaagad siya nakaupo sa hood ng kotse niya. Nang makita niya ako ngumiti ito at naglakad palapit sa akin, niyakap niya kaagad ako.
"Are you okay?" Tanong ko dito dahil sa higpit ng yakap nito sa akin.
"Oo naman na-miss lang kita isang linggo ka kayang MIA." Sabi niya bago humiwalay sa akin.
"Anong MIA?" Takang tanong ko.
Tumawa naman ito."MIA means missing in action."
"Ah, so tara na sa loob?" Aya ko dito at hinawakan ko siya sa kamay.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
