CHAPTER-26

1.8K 48 0
                                    

Cassie

"Ano bang kailangan mo— oh my god Cassie? What happened to you? Bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit namumugto yang mga mata mo? Oh god, your bleeding Cassie!" That's the only thing I heard before I passed out.

"What happened to her Amethyst?"

"Tsk, don't call me Amethyst Diego! At teka lang ha bakit ako ang tinatanong mo niyan eh hindi ko nga alam eh?"

"You are her bestfriend, dapat alam mo?"

"And you are her brother, dapat alam mo rin?"

"But your—"

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko puro puti ang nakikita ko at alam kong nasa hospital ako dahil sa amoy ng mga gamot.

"Oh my god Cassie mabuti naman at gising ka na? Nag-aalala kami sayo! You scared me Cass, mabuti na lang nadala kaagad kita dito dinugo ka kasi." Si Tin habang hinahawakan ang kamay ko. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya at napahawak ako sa tiyan ko, nangilid ang luha kong tumingin  kay Tin.

"Don't worry Cass, the baby was fine."Nakangiting sabi niya na nagpakalma sa'kin. "And congratulation your two weeks and three days pregnant!"Dagdag niya pa na may malawak na ngiti. Napaluha ako sa saya na nararamdaman ko at tama nga ang hinala kong buntis ulit ako.

"Sabi ng doktor hindi ka daw pwedeng ma-stress dahil makakasama daw ito sa baby na dinadala mo?" Sabi ni Tin at tumango lang ako.

"What happened Cassandra? Bakit may dala kang maleta ng pumunta ka sa condo ni Amethyst? Nag-away ba kayo ng asawa mo? Did he hurt you?" Sunod-sunod na tanong ng kapatid ko. Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi ko siya sinagot.

Hinawakan ni Tin ang kamay ko." Cass, we're here for you kung ano man yang problemang dala mo ngayon? Handa kaming makinig."

"Anong ginawa sayo ng asawa mo Cassie? Sinaktan ka ba niya?" My brother asked concerned.

"H-He impregnate another woman kuya." Hindi ko na napigilang umiyak. My brother cussed and hugged me while Tin holding my hand tightly.

"That son of bitch! I will beat him up to death!" He said angrily. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kapatid ko.

"Kuya please, don't hurt him I know he did a mistake but kuya it doesn't change the fact that I still love him so much. Mahal na mahal ko siya at ayokong saktan mo siya." Umiiyak na sabi ko.

"But he lorn you Cassie? Wala siyang karapatang pagtaksilan ka!" He
Ferociously said.

"He didn't lorn me kuya, it was set up! Samantha's set him up! Wala siyang maalala sa gabing may nangyari sa kanila kuya, So please don't hurt him." Nakita kong nagulat siya ng banggitin ko ang pangalan ni Samantha pati rin si Tin. Tumingin sila sa akin upang makumperma na si Samantha na tinutukoy ko ay ang anak ni Daddy sa labas. Tumango lang ako.

"How could it happened?
Paanong—"I  cut him off.

"She was my husband's ex fling kuya na hindi maka-get over sa asawa ko."

"And your husband's let that happened? That asshole—" Tin cut him off.

"Oh shut up Diego! Set up nga diba? So pwede manahimik ka jan? Bawal ma-stress si Cassie makakasama sa baby." Iniharapan niya muna ang kuya ko bago siya humarap sa'kin." So, what's your plan now? Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis mo?" Tanong nito sa'kin.

"I don't know, masyadong kumplikado ang sitwasyon namin ngayon at hindi ko pa siya kayang harapin Tin masyado pang masakit saka magkakaanak na siya sa iba."I said
Mirthless.

My brother sighed."I will support your decision Cassie, I won't tell Mom and Dad about this." Ginulo niya ang buhok ko."

"Thanks kuya." Nakangiting sabi ko.

Tumango lang siya."How do you feel?Are you hungry?"Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti ako." I'm fine kuya, oo nagugutom ako at gusto kong kumain ng fries tapos isawsaw sa bago-ong." Nagkatinginan silang dalawa ni Tin.

"Alright, Tin will buy you that, right Tin?"

Nakita kong umismid si Tin." You wish! Tayo kayang dalawa ang bibili no!" Sabay hila sa kapatid ko." We'll be right back Cassie." Sabi nito bago isinara ang pinto. Napangiti na lang ako.

Hinaplos ko ang tiyan ko."Baby patawarin mo si Mommy kung napabayaan kita at pasensiya ka na kung muntik ka nang mawala dahil sa kapabayaan ni Mommy. Mahal na mahal kita anak kaya kapit ka lang ok? Dahil ikaw na lang ang meron si Mommy."I can't help but to cry.

"Cassie please, kausapin mo naman ako? Alam kong nandyan ka, please wife?" Rinig kong sigaw ni Lyde sa labas ng gate. Nakakubli lang ako sa bintana ng kwarto ko dito sa mansyon habang pinapanood siya.

"Wife umuwi ka na please, kailangan kita hindi ko kaya kung wala ka. I miss you so much Cassie, please umuwi ka na." Nagmamakaawang sigaw nito.

"Titingnan mo na lang ba siya at iiyak ka na lang ba jan? Hindi mo ba siya haharapin?" Rinig kong sabi ni kuya ko mula sa likuran.

Lumingon ako sa kapatid ko." Pauwiin mo na lang siya kuya ayaw ko siyang makita o makausap man lang."

Isang linggo na rin ako dito sa mansyon na hindi lumalabas. After ko kasing ma-discharge sa hospital dito na ako umuwi sa mansyon, wala sina Mom at Dad dito hindi pa nakauwi nasa Italy pa rin. Araw-araw rin siyang pabalik-balik dito pero kahit ni minsan hindi ko siya hinarap hindi ko pa kasi kaya at masyado pang masakit.

"Ayaw mo siyang makita, eh bakit ka nakasilip jan at umiiyak ka pa?" Sabi nito.

"Paalis mo na lang siya kuya please." Sabi ko at tinungo ang banyo at do'n umiyak.

Alam ko hindi niya ginustong may mangyari sa kanila ni Samantha pero hindi ko maiwasang masaktan lalo na kapag naiisip ko na magkaka-anak na siya sa iba. Sobrang sakit, hindi ko siya basta-bastang patawarin agad at pakiharapan man lang. Masyado pang masakit ang sugat sa puso ko para magpatawad at tanggapin na parang walang nangyari.

Mahal namin ang isa't-isa pero hindi ito sapat para hilumin ang mga sugat at baka mas lalo lang kaming magkasakitan kapag ipagpilitan pa namin.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon