CHAPTER-30

2.3K 65 5
                                        

Cassie

Pagkatapos naming ipagdiwang ang birthday at death anniversary ni Dad sa cemetery umuwi na kami. Napatingin ako sa dalawang anak ko na nasa backseat natutulog. Nakatulog ang mga ito dahil sa pagod kakalaro kanina kasama ang Tito Diego nila.

"Anak?" Tawag ni Mom kaya napalingon ako sa kanya." Kailan mo pagtatagpuin ang mag-ama mo? Hindi ba dapat ito na yong tamang panahon para makilala at makita na nila ng personal ang kanilang ama?"

Kahit kailan hindi namin to napag-uusapan ni Mom ngayon palang. Lumaki ang mga anak ko na wala akong nililihim sa kanila, sa murang edad pinaintindi ko na sa kanila ang situwasyon namin ng Daddy nila. Kung bakit hindi namin ito kasama at kung bakit ni minsan wala ito sa mga espesyal na araw nila.

Matalino ang mga anak ko na kahit sa murang edad pa lamang mabilis nilang naintindihan ang situwasyon at mga paliwanag ko tungkol sa amin ng ama nila. Lumaki silang minahal ang kanilang ama, kahit na hindi pa nila ito nakikita at kahit lahat ng tungkol sa ama nila ay sa kuwento ko lang nila naririnig nakukuntento na sila.

Ni minsan hindi ko sila narinig na nagtanong ng nagtanong, kung ano ang sinasabi ko sa kanila nakukuntento na sila. But I know that they long for their Dad presence and their Dad loved. Even though they didn't say it out but I know that they missed their Dad so much. Alam kong nangungulila sila sa pagmamahal ng isang ama at napakamakasarili ko kung hanggang ngayon hindi ko sila pagtatagpuin? O hindi ko sila hahayaan magkasamang mag-ama?

"Pagkatapos kong maasikaso ang lahat Mom, babalik ako ng Pilipinas kasama sila. Sapat na ang ilang taong pagkalayo namin sa ama nila." Mom smiled.

"Mabuti kung ganon Cassie, hindi madali para sa isang ama ang mahiwalay sa mga anak. Lalo na kong hindi man lang nito alam ang tungkol sa mga anak niya. Maraming oras at panahon na ang nasayang sa halip na dapat ay magkasama ang mag-ama mo. I want you and my grandchildren to be happy sweetheart. I know Lyde will be the best father and husband to you at alam ko na hindi niya kayo pababayaan." Nangilid ang luha sa mga matang sabi ni Mom. Tumango ako habang naluluha na rin.

"Can't sleep?" Tanong ko sa anak kong nasa teresa na nakatingin lang sa kawalan. Napalingon naman ito sa'kin bago tumango. Lumapit ako sa anak ko at naupo sa tabi nito.

"Do you want me to read your favorites book until you fall asleep?"

"No thanks Mom." Maikling tugon nito." Mom can I ask you something?"

"Oo naman, ano ba yon?"

"How Dad looks like?" Tanong nito. Bigla naman akong natigilan. Ni minsan kasi hindi ito nagtanong kung ano ang hitsura ng Daddy nila ngayon palang.

"His handsome baby, you and your twin brother have all the features of your Dad. Your eyes was just like him." Manang-mana silang dalawa sa Daddy nila. Ang mata at labi ko lang ang namana ni Clade habang labi lang ang namana ni Drade. All in all sa Daddy na nila.

"D-Did you um–missed Dad?" Sunod na tanong nito. Kaya napabaling ako dito. Nakatingin lang ito sa malayo.

"Of course, wala namang araw na hindi ko na-miss ang Daddy n'yo."

"I missed him too and how I wish that his here with us." Mahinang usal nito pero sapat na para marinig ko.

"Gusto mo bang makasama ang Daddy n'yo?"

"Yeah, gustong-gusto ko siyang makasama Mom. I want to experience how it feels like growing up with a Dad on your side and a Dad who always there supporting me while I'm playing my favorites sport. Also I want to feel how good it is when you have a complete family."It's tugged my heart after hearing it from my son. 

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon