CHAPTER-42

2K 50 2
                                    

Lyde

"Hindi n'yo pa rin ma-trace ang asawa ko hanggang ngayon?" Tanong ko sa mga tauhan ni Papa at sa mga awtoridad, nawawalan na ng pasensiya." Akala ko ba magagaling kayo? It's been three days for Pete's sake!"

"Lyde, calm down." Sabi ni Papa habang tinapik ako sa balikat at siya na ang nakipag-usap sa mga tauhan niya at pati na rin sa mga awtoridad.

Padarang akong naupo sa sala dito sa mansyon at napahilamos sa mukha ko. Para na akong masisiraan ng bait sa isiping hanggang ngayon wala pa ring balita ang mga awtoridad at ang mga tauhan ni Papa tungkol kay Cassie. Kung saan ito dinala ng mga dumukot sa kanya.

Sana lang ligtas siya kung nasaan man siya ngayon, hindi ko yata kakayanin kung may ginawa silang masama sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan bakit hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag ang mga kidnapper na dumukot kay Cassie, for a ransom?

"We will do everything we can Mr Braganza, para matunton namin ang mga kuta ng mga kidnapper na kumidnap sa daughter in-law niyo." Sabi ni PNP Chief Ignacio.

"Thank you so much Chief."

"Mauuna na ho kami."

"Sige at mag-iingat kayo. Aasahan namin ang magandang balita sa susunod nating pagkikita." Sabi ni Papa.

"Sir, hindi rin kami titigil sa paghahanap sa daughter in-law niyo at gagawin rin po namin ang aming makakaya para mahanap po namin siya." Rinig kong sabi ni Fredo ang leader ng mga tauhan ni Papa.

"Salamat Fredo at nagtitiwala ako sa kakayanan mo at ng mga tauhan mo."

"Sige ho Sir at tutungo na kami." Nakita kong tinanguhan ito ni Papa bago ako binalinga.

"We will find your wife son no matter what, as soon as possible." Sabi ni Papa at hinawakan ako sa balikat.

"Paano kung mahuli na tayo Papa? Paano kung may ginawa na silang masama sa asawa ko?" I said frustratedly." Hindi ko kaya pag nawala siya sa akin Papa." Nanghihinang sabi ko.

"Hindi siya mawawala sayo, mahahanap natin siya." Sabi ni Papa." So, don't lose hope, son."

"Anong sabi ng mga pulis? Nahanap na ba nila si Cassie?" Si Mama na kakababa lang sa hagdan.

"No, Mama hanggang ngayon wala pa rin silang lead kung nasaan ang kuta ng mga dumukot kay Cassie." Lumapit si Mama sa amin ni Papa at naupo sa tabi ko.

"Hindi pa rin ba tumawag ang mga kidnapper?"

Umiling ako."Hindi pa rin sila
tumawag Mama."

Bumaling si Mama kay Papa." Ang mga tauhan mo Marcos wala rin ba silang lead kung saan matatagpuan si Cassie?" Umiling si Papa.

Bumuntong hininga si Mama at hinawakan ang kamay ko. Nag-aalalang tingin ang pinukol niya sa akin." Mahahanap rin natin siya, anak."Tumango ako. Hindi ako susuko sa paghahanap kay Cassie kahit saang lupalop o impiyerno pa siya dinala ng mga dumukot sa kanya, hahanapin ko siya.

"Ma,Pa kayo na ang bahala sa mga bata, dito na muna sila hangga't hindi pa nahahanap si Cassie." Sabi ko at tumayo na.

"Saan ka naman pupunta?" Mama asked concerned.

"Sa presinto at baka rin kasi tumawag ang mga kidnapper."

"Mag-iingat ka at kami na ang bahala sa mga bata." Sabi ni Mama at niyakap ako.

"Just call me if you need anything, son." Si Papa. Tumango ako bago umalis.

Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit bago nagmaneho patungo sa presinto. Pagkapasok ko sa presinto tumunog ang phone ko, nang tingnan ko kung sinong tumawag nakita kong si Cassie. Malakas ang tibok ng puso ko ng sagutin ko ito.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon