CHAPTER-4

3.5K 87 0
                                    

Cassie

So, marunong siyang magluto? Edi siya na! May kinuha siya sa ref tapos naghiwa-hiwa ng...ano nga ba tawag do'n? Ay basta! Pinanood ko lang siya habang nagluluto. Ang galing niya at ang hot niyang tingnan kahit yong apron na suot niya ay pambabae, napangiti na lang ako.

Maya-maya umalingawngaw na ang mabangong amoy ng niluto niya, shit nagwawala ng ang mga alaga ko sa tiyan. Inihain niya na ang niluto niya at lalo lang akong natakam. Binigyan niya ako ng plato at kinuha ko na agad ito at sumandok na tsaka sumubo.

"Aray!" Nalaswa yata ang bibig ko. Shit nakalimutan kong mainit pa pala ito.

"Tsk! Magdahan-dahan ka nga? Mainit pa yan mukha kang patay gutom!" Masungit na sabi niya.

Eh, sa gutom na ako, masisisi n'yo ako? Pero kung makapatay gutom naman siya wagas lang, eh no? Pasalamat siya masarap ang luto niya at nabusog ako.

"So dahil ako ang nagluto? Ikaw na ang magligpit at maghugas ng pinagkain natin." Sabi niya pagkatapos naming kumain tsaka tumayo at umalis na.

Teka ako magligpit at maghugas nito? Kung magligpit keri pero yong maghugas? * insert drop jaw here* anubeee another paghihirap na nemen itech! Nagligpit na ako at dahan-dahan kung nilagay sa sink yong pinggan at etc. But the question is? Paano ko ito sisimulan? Nagtingin- tingin ako sa paligid, may nakita akong sponge nilagyan ko ng Joy at pinabula ko ito. Nagsimula na akong maghugas, shit ang dulas naman nito? Kinuha ko ang isang plato nang bigla itong nadulas sa kamay ko at nahulog.

"OUCH!" Sigaw ko ng tumama ang mga bugbog sa paa ko, shit! May narinig akong mga yapak at nakita ko si Lyde na bagong ligo.

"What happened?" Tanong nito pero hindi ako sumagot, napatingin ito sa paanan ko.

"Fuck you're bleeding? Damn! you are so careless!" Hindi ko namalayan nakalapit na pala ito sa'kin.

"Pati ba naman paghugas lang ng pinggan di mo pa magawa ng tama? napaka-careless mo, ayan dahil sa katangahan mo nasugatan ka!" Asik nito.

Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung dahil ba ito sa sinabi niya? O dahil sa sobrang hapdin na nararamdaman ko ngayon? Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at iniupo niya ako sa couch bago siya umalis.

Pagbalik niya may dala siyang alcohol at nilagyan niya ang cotton ng alcohol. Holy cow, takot ako sa alcohol mahapdi siya pag inilagay sa sugat. Naalarma ako ng hawakan niya ang paa ko at nang idadampi niya na sana ito sumigaw ako.

"HUWAG MONG ITULOY YAN KUNG AYAW MONG MAMATAY!"

"What's wrong with you? Don't shout! Lilinisin lang natin ang sugat mo!" Sabi niya.

"Huwag sabi eh! Papatayin mo ba ako, huh?" Asik ko habang inilayo ko ang paa ko.

"Don't be stubborn, woman! Alcohol lang to hindi to nakakamatay? Pwede ba, akin na nga yang paa mo!" asik niya.

"AYOKO!" I shouted.

"Don't tease my temper lady!" Sabi nito at hinawakan ng mahigpit ang paa ko yong tipong hindi ko na maigalaw.

"Ano ba ilayo mo yan papatayin talaga kita!" Asik ko.

Pero hindi siya natinag at idinampi niya ang cotton na hawak niya na may alcohol.

"Aahhhh a-aray! Bwesit ka, papatayin kita!" Asik ko pero wala lang itong katinag-tinag.

"Aray ano ba! dahan-dahan naman masakit eh, patayin kita jan eh! Bwesit ka!" Mas lalo niya pang diniinan.

Kinuha niya yong alcohol at—

"AHH! WALANG HIYA KA TALAGA! " Mangiyak-ngiyak na sigaw ko ng binuhusan niya ang sugat ko ng pesting alcohol. Ngawa lang ako ng ngawa hanggang sa matapos na. Ang brutal niya! Napakabuwesit niya! Ang sarap niya pugutan ng ulo!

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon