Cassie
Maagang umalis si Lyde ng bahay dahil may urgent conference siyang dadaluhan habang si Mang Tony naman ang naghatid sa mga bata sa school hindi ko na kasi sila sinamahan dahil tumawag si Tin at gusto niyang magkita kaming dalawa.
"Aling Flor ikaw na muna ang bahala dito, may pupuntahan lang ako." Sabi ko kay Aling Flor pagkababa ko.
"O sige ho ma'am, mag-ingat kayo." Sabi niya at hinatid ako sa labas. Tumango lang ako bago sumakay sa kotse ko at nagmaneho patungo sa naturang Cafe kung saan kami magkikita ni Tin.
Pagkarating ko nakita ko si Tin na malayo ang tanaw hindi niya nga napansin ang pagdating ko. Kung hindi pa ako tumikhim hindi niya mapapansin ang presensiya ko. Huli kaming nagkita noong birthday ng kambal na dalawang buwan na ang nakalipas. She look very different now, mugto ang mata at halatang walang maayos na tulog. Naupo ako sa kaharap niyang upuan at ginagap ang kamay niya. Sa hitsura niya palang ngayon halatang may pinagdadaanan siya.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya." Salamat sa pagpunta Cassie. Pasensiya na sa abala kailangan ko lang kasi ng kausap." Her voice crack.
"Ok lang ano ka ba, magkaibigan tayo diba? At ang kaibigan sa anumang oras palaging nandyan para sa isa't isa." I smiled." You can tell me anything, I'm on ears."
"Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin Cassie. I still love him and I don't want to lose him." Umiiyak na sabi ni Tin.
"It's about my brother?" Tanong ko.
Tumango siya." Noong birthday ng kambal nag-usap kami Cass. He tell me that he loves me and he wants me back. Sabi niya wala siyang pakialam kung may asawa't anak na ko. Sinabi ko sa kanya na tigilan niya na ako pero hindi siya nakinig Cassie. He kept in pursuing me. Ginawa ko na ang lahat para tumigil na siya hangga't kaya ko pa siyang ipagtabuyan." She sobbed.
Bumuntong hininga ako." Mahal ka ni kuya at mahal mo rin siya tama?" Tumango siya." Alam mong walang patutunguhan ang pagmamahal na nararamdaman n'yo para sa isa't-isa dahil may asawa't anak ka na Tin."
"Alam ko."Umiiyak na sabi niya."Pero sa bawat araw na nandyan siya at sinusuyo ako mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko para sa kanya na hindi ko na kayang pigilan pa.
Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil sa sakit na dinulot niya sa akin Cassie, kaya nga ako pumayag na magpakasal kay Brandon dahil mahal ko siya at masaya ako sa piling niya. Hanggang sa nagkita kami ulit ni Diego at doon ko napatuyang hindi pagmamahal ang naramdaman ko para kay Brandon, na kaya lang ako pumayag na magpakasal sa kanya dahil sa kagustuhan kong mapatunayan sa sarili ko na hindi ko na siya mahal na kaya kong maging masaya sa piling ng iba."Humagulgol siya. Tumayo ako at niyakap siya.
"Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon Cassie, mahal na mahal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, para na akong nababaliw sa isiping tuluyan niya na akong sinukuan. Sumuko na siya Cassie, napagod na siya sa paulit-ulit kong pagtataboy sa kanya at nasaktan ko na siya ng sobra." She cried hard while I caressed her back." Hindi na siya nagpapakita sa akin Cassie. Paano kung maghanap na siya ng iba? Hindi ko kaya pag may iba na siya Cassie."
I sighed deeply." Ayokong mas lalong sumama ang loob mo pero tama ang ginawa ng kapatid ko Tin, tama na tumigil na siya at tantanan ka na niya dahil may pamilya ka na Tin. May asawa't anak ka na, na masasaktan kapag ipagpatuloy n'yo kung ano mang meron kayo ng kapatid ko. Alalahanin mo si Siege Tin siya ang mas maaapektuhan kapag nasira kayo ni Brandon. Mawawalan siya ng ama at mahirap para sa isang bata na lumaki na hindi buo ang pamilya." Humiwalay siya sa akin at tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
