Lyde
"What the fuck man, Lasing ka na naman?" Si Magnus.
"C'mon Lyde, stop drinking it's not helping!" Si Miguel habang pilit na inaagaw sa'kin ang bote ng alak.
"Lyde, hindi ka ba nagsasawa sa alak eh araw-araw ka na yatang umiinom?" Si Zach habang naupo sa tabi ko.
"Hindi solusyon ang alak sa problema mo Lyde? Kaya kung pwede tigilan mo na ang kaiinom ng alak?" Si Zack.
"You don't understand me!" Sabay tungga ko sa bote ng alak.
Alak na lang ang tanging karamay ko sa sakit at lungkot na nararamdaman ko. Pakiramdaman ko wala ng saysay ang buhay ko magmula ng iwan ako ni Cassie bawat araw na nagdaan para akong pinapatay sa sobrang lungkot at pangungulila sa kanya. Cassie is my life without her I'm lifeless.
Araw-araw ito na lang palagi ang pinagkakaabalahan ko ang mag-mokmok at magkulong sa dati kong condo habang umiinom ng alak. Hindi ko kayang manatili sa bahay namin ni Cassie dahil bawat sulok ng bahay namin siya lang ang naalala ko, mas lalo lang akong masasaktan at mangungulila sa kanya kung doon pa ako mananatili. I miss her so much, I miss my wife so fucking much!
"Lyde, hindi man namin alam kung gaano kasakit ang nararamdam mo sa bawat araw na nagdaan? Pero tandaan mo nandito lang kaming mga kaibigan mo at handa kaming makinig kung gusto mo nang mapagsabihan sa sakit na nararamdaman mo?" Si Zack habang seryoso akong tiningnan.
"Tsk! Love is sucks! Kaya ayokong ma-in love eh dahil ayokong mag mukhang katulad mo man? You're like a shit! Naliligo ka pa ba?" Si Zach.
"Ang baho mo na nga Lyde, ilang araw ka na bang hindi naliligo? Or should I say ilang buwan ka na bang hindi naliligo? Grabi ang bantot mo na shit! Nakakahiyang kilalanin kang pinsan
ko– Fucking shit ang sakit!" Namimilipit sa sakit na sabi ni Miguel habang hawak-hawak ang ari niya. Binato ko kasi ito ng beer in can na may laman pa at saktong naglanding sa ari nito.
"Fucking shit man! Ang sakit may plano ka bang baogin ako? Fuck!" Mura nito habang namimilipit pa rin sa sakit.
Lumuhod si Zach sa harap ni Miguel."Masakit ba? Gusto mo himasin ko? Para mawala ang sakit." Sabi nito habang nagboses babae.
"What the Fuck man kadiri ka?Tadyakan kita jan eh!" Nandidiring sabi ni Miguel habang umiiwas kay Zach.
"Honey ko, magugustuhan mo naman ang gagawin ko eh? Wag ka nang maarte, dali na?" Malambing na sabi ni Zach na nagboses babae pa rin habang hinahabol si Miguel na paika-ikang lumalayo kay Zach.
Humagalpak sa tawa ang dalawa sa kalokohan ni Zach at nakisali na rin.
"Shit, bitawan n'yo nga ako mga baliw! Nakakadiri kayo! Ano ba!"Mura ng mura lang si Miguel habang pinagtutulungan ng tatlo at pinipilit nila itong hubaran.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Napailing-iling na lang ako sa kabaliwan ng mga kaibigan ko na kahit kailan hindi ako iniwan, palagi lang silang pumupunta dito sa condo ko na walang mintes baka daw kasi magbigti ako, mga baliw talaga.
Magmula kasi ng iwan ako ni Cassie hindi na ako pumasok sa opisina, nawawalan na kasi ako ng ganang magtrabaho, para saan pa? Eh, wala naman akong paglalaanan ng pera ko? Dahil wala na ang babaeng tanging gusto kong makasama habang buhay at ang babaeng bukod tanging gusto ko bilang ina ng mga magiging anak ko.
"Will you all stop? Para kayong mga baliw!" Natigil naman sila sa mga kalokohan nila at naupo silang apat sa couch kung saan ako nakaupo at pinapagitnaan nila akong apat.
"What the hell? Magsilayo nga kayo, naalibadbaran ako sa mga pagmumukha n'yo!" Seryoso lang nila akong tiningnan.
"Wala ka bang balak ayusin ang sarili mo at pati buhay mo?"Si Magnus.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
