Cassie
Inaayos ko ang damit na dadalhin ni Lyde sa ibang bansa. May business kasi siyang aasikasuhin at aayusin sa Brazil dahil nagkaroon ng problema ang isang sa mga branch nila doon at tatagal ito ng apat na linggo bago maayos ang problema. Ito ang pinakamatagal na mawawala siya sa tabi namin ng mga bata.
Ngayong umaga ang alis niya at ihahatid namin siya ng mga bata sa airport. Hindi pa nga siya nakakaalis pero nakaramdam na ako ng pangungulila sa kanya. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Lyde na tanging tuwalya lang ang nakatapi sa hubad niyang katawan habang tumutulo pa ang tubig sa basa niyang buhok.
Kumuha ako ng tuwalya at lumapit sa kanya para tuyuin ang basa niyang buhok. Habang ginagawa ko yon nakatitig lang siya sa mukha ko na para bang may interesante siyang bagay na nakikita sa parte ng mukha ko. Sinunod kong pinunasan ang leeg niya pababa sa dibdib at braso niya bago ako nag-angat ng tingin sa kanya at sinalubong ko ang mga titig niya sa akin. Dahil matangkad siya kaya napatingala ako sa kanya at ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya. Nanuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
He licked his lower lip and pulled me more closer to his body." I feel like I don't want to go." He said while looking at me." I can't leave you and the twins that long Cassie, I'm gonna die in bereavement." Sabi niya.
Kung ako lang rin ayoko siyang umalis lalo na at apat na linggo siyang mawawala sa amin. Pero kailangan niyang umalis para maayos ang problema ng branch nila sa Brazil at isa pa siya ang CEO kailangan nandoon siya. Saka alam niya kung ano ang dapat gawin para malutas ang problema.
I cupped his face with my both hands." Kailangan mong pumunta, Lyde." Sabi ko." Mangungulila rin kami sayo ng mga bata pero kailangan naming magtiis hanggang sa makabalik ka dito." Pumikit siya habang dinadama ang mga kamay kong nasa pisngi niya.
"Just tell me that you don't want to me to go and I'll stay." Dumilat siya at tinitigan ako.
Umiling ako kahit gustong-gusto ko siyang manatili lang dito at wag ng umalis." Lyde, apat na linggo lang naman yon at pagkatapos no'n nandito ka na ulit. May FaceTime naman makikita mo pa rin kami ng mga bata araw-araw kung gustuhin mo."
"Pwede namang si Zack na lang ang papupuntahin ko do'n at dito na lang ako." Sabi niya.
Umiling ako." Nah-ah, magbihis ka na baka mahuli ka pa sa flight mo." Sabi ko at humiwalay sa kanya bago ko siya tinalikuran para kunin ang damit na nasa kama nasusuotin niya. Sumunod siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"How about I bring you and the kids with me in Brazil?" Sabi niya.
"Hindi kami pwedeng sumama sayo dahil may pasok ang mga bata."
"It's not a problem, they can study through online Cassie." Humarap ako sa kanya.
"Hindi ka makakapagpokus kapag kasama mo kami do'n, Lyde."
"Mas hindi ako makakapagpokus kung nandito lang kayo, malayo sa akin." He is really persistent.
"It's a no! Magbihis ka na at nang makaalis na tayo." Sabi ko sa kanya at ibinigay ang suit na susuotin niya. Bumuntong hininga siya alam niyang kahit anong gawin niya hindi niya ako mapapayag sa gusto niya.
"Alright." He said defeatedly." Dress me up then." Sabi niya at ibinalik sa akin ang damit niya na ibinigay ko sa kanya at walang sabi-sabing tinanggal ang tanging tuwalyang nakatakip sa hubad niyang katawan.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
