"Where's your friend?" Tanong ni Lyde pagkapasok ko.
"Kaaalis lang may lakad pa yata yon." Sagot ko.
"Anyway, maaga akong aalis bukas, pupunta ako sa Ilocus para tingnan ang bagong mall na pinagawa namin. Ok lang ba yon sayo?" Sabi nito.
"Oo naman, anong tingin mo sa'kin hindi mabubuhay pagwala ka ng ilang oras lang?" Simangot ko.
He chuckled." I didn't say that?"
Umismid ako."Iwan ko sayo!"
"Uy teka galit ka ba?" Tanong nito ng mag-walkout ako.
Hinarap ko siya." Pasalubungan mo na lang ako ng manggang hinog na walang buto." Sabi ko.
"Manggang hinog na walang buto? Nag-i-exist ba yon?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
Sinimangutan ko ito." Basta hanapan mo ako! Pag-umuwi ka dito na hindi mo yon dala sa guest room ka matutulog!"Sabay punta ko sa kusina bigla kasi akong nagutom.
"O, Ma'am Cassie nagugutom na po ba kayo? Tamang-tama handa na ang tanghalian n'yo ni Sir Lyde." Si Aling Flor ng makita ako ngumiti lang ako dito at naupo na sa hapag.
"Sir maupo na po kayo handa na ang tanghalian niyo." Rinig kong sabi ni Aling Flor.
"Sige ho Aling Flor." Rinig kong sabi ni Lyde.
Naramdaman ko siyang umupo sa harap ko pero kunwari hindi ko siya nakikita. Tuloy-tuloy lang akong kumain.
"Wife?" Tawag nito sa'kin.
"Galit ka ba?" Sabi pa nito.
"Alright then, papasalubungan kita ng manggang hinog na walang buto. Kibuin mo na naman ako?" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
Iwan ko ba bigla na lang akong sumaya dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang kamay kong hawak niya saka ako tumayo at niyakap siya mula sa likuran.
"Ok na tayo?" Sabi nito.
"Uh-huh I love you." Sabi ko.
Nakita kong ngumiti ito." I love you more." Sabi niya.
Tumikhim si Aling Flor."Ahemm? Lumalamig na yong pagkain." Sabay alis nito. Natawa na lang tuloy kami ni Lyde at saka kumain na.
Kinabukan nagising ako dahil naduduwal ako. Mabilis akong pumasok sa banyo at do'n sumuka pagkatapos kong magmugmog lumabas na ako. Naupo ako sa kama at kinuha ko ang stick note na nasa bedside table at binasa ko ito.
"Good morning wife, I'm sorry if I didn't wake you up ayoko lang istorbuhin ang tulog mo. Don't forget to eat your meal in time okay? I love you and please take care-Lyde."
I just smiled my husband's thoughtfulness.
May plano na rin akong gawin sa araw na to alam ko napakaimposible at masakit umasa pero malakas talaga ang kutob ko na buntis ulit ako. Mabilis akong naligo at nagbihis. Aalis ako para bumili ng pregnacy test sa pharmacy para masiguro ko na tama ang hinala ko. Pagkababa ko sinalubong ako ni Aling Flor.
"Ma'am Cassie gising na pala kayo handa na po ang agahan niyo, may lakad ho ba kayo?" Tanong nito ng makita akong bihis na bihis.
Ngumiti ako dito."Oo Aling Flor aalis ako may bibilhin lang ako."
"May bibilhin kayo? Kumain muna kayo at ako na lang ang bibili ng bibilhin niyo." Sabi nito.
"Wag na Aling Flor, sige alis na ho ako kayo na lang muna ang bahala dito."Sabi ko at lumabas na ng bahay.
Sumakay agad ako sa kotse ko at pinasibad ito. Hindi pa ako nakarating sa pupuntahan ko nang may kotse biglang humarang sa dadaanan ko mabuti na lang mabilis akong nakapagpreno.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
