CHAPTER-25

1.9K 46 1
                                        

Cassie

Pagkarating ko sa Braganza Empire Company agad na akong bumaba sa kotse ko, wala akong pakialam kung nakaharang ang kotse ko sa daraanan.

"Nasaan ang magaling n'yong amo? Nakabalik na siya mula sa Ilocus?" Paasik na tanong ko sa dalawang guwardiya habang hilam ng luha ang mga mata. Tumango lang ang mga ito at halatang nagtataka sa hitsura ko.

Papasok na sana ako sa loob nang siya namang paglabas ng magaling kong asawa may kasama itong lalaki at seryosong nag-uusap. Wala na akong pakialam kung may kasama pa siya mabilis ang mga hakbang kong lumapit sa kanya.

"Thank you so much Attorney— " He stop when he saw me.

"Wife? What are you doing here?"Tanong nito.

"We need to talk!" Walang buhay na sabi ko. Nagpaalam naman agad ito sa Attorney na kausap niya. Nang makaalis na ang Attorney humarap siya sa akin.

"Ang pasalubong ko sayo nasa bahay na. Ano bang dapat natin pag-usapan wif—hey are you crying?" Nag- aalalang sabi nito at tinitigan ako.

Mahal na mahal ko siya at natatakot akong kompruntahin siya baka mas lalo lang akong masasaktan sa malalaman ko mula sa kanya. But I need to brace myself together if I want to know the truth even though it pains me a lot.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at tiningnan siya." Bakit mo ako kailangang lokohin at pagmukhaing tanga Lyde?"

"Wife, what are you talking about?" Inosenting tanong nito na parang wala talaga itong alam.

"C'mon Lyde, maglulukuhan pa ba tayo dito? Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko!" Asik ko sa kanya.

"Wife, wala akong alam sa sinasabi mo?" Naguguluhang sabi nito.

"Bullshit! Eh ano ang ibig sabihin nito!"Sabay hampas ko sa mukha niya ang mga litrato nila ni Samantha na naghahalikan at mga litrato nilang hubu't hubad na tanging kumot lamang ang nakatakip sa kahubadan nilang dalawa.

Pinulot niya ang mga litratrong nagkawatak-watak sa simento dahil sa lakas ng paghampas ko sa kanya nito. Namumutla itong tumingin sa akin pagkatapos nitong makita ang mga litrato. Sa naging reaksyon niya palang kinutuban na ako, but I want to hear it from him.

"Now Lyde tell me that the pictures wasn't true? Na edit lang yan? Na hindi yan totoo? Na hindi ikaw yan? Kasi mahal mo ako diba? Hindi mo yan magagawa sa'kin diba? Sabihin mo na hindi totoo yang nasa litrato Lyde please, please sabihin mo?!" Umiiyak na sabi ko. I think my world stop and my heart broke into tiny pieces when I heard what he say.

"I'm so sorry wife, please let me explain?" Pagsusumamo nito habang sinusubukan akong hawakan.

Nagpupuyos sa galit ko itong tiningnan."Explain? That bullshit Lyde! Pinagmukha mo akong tanga! N-Niloko mo ako?! P-Paano mo nagawa sa'kin to?" Niyakap niya ako ng mahigpit at paulit-ulit na humingi ng tawad.

Nagpumiglas ako."Bitiwan mo ko! Hayop ka! Napakawalanghiya mo! Paano mo nagawa sa'kin to? Paano mo ko nagawang lokohin? Gago ka! Gago! Pinagmukha mo akong tanga! P-Pinagmukha mo akong t-tanga! B-Bakit Lyde? B-Bakit?"Pinagbabayo ko siya sa dibdib sa galit na nararamdaman ko at hindi ko na mapigilang hindi humagulgol ng iyak sa sobrang sakit.

Hindi siya pumalag sa bawat atakin ko at hinayaan niya lang akong pinagbabayo siya. Ang sakit-sakit dahil mahal na mahal ko siya, hindi ko aakalain na lolokohin niya ako ng ganito.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon