Cassie
Nagmamadali kaming pumunta sa guidance office ni Lyde. Tinawagan kasi kami nito dahil napaaway ang mga anak namin. Pagkapasok namin sa loob nakita namin ang dalawa na nakaupo habang malayo ang tingin.
"Hey, kids are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Lyde sa mga anak namin pagkalapit namin sa mga ito.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko. Putok ang ibabang labi ni Clade habang may sugat naman sa ibabaw ng kilay si Drade.
"They started it, we just give them what they deserved." Drade said nonchalantly.
"Yeah, we just give them what they wanted." Segunda ni Clade."Sila naman po talaga ang palaging nanggugulo sa amin ni kuya. Palagi nila kaming inaaway at hinahamon."
"What I always tell you two?"
"Hindi dapat nakikipag-away." Chorus ng dalawa.
"Cassie pinagtanggol lang ng mga anak natin ang sarili nila, walang masama do'n." Sabi ni Lyde.
"Mr and Mrs Braganza, hihintayin na muna natin ang kabilang panig at ng mapag-usapan natin ang nangyari." Sabi sa amin ng guidance counselor.
Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ng dalawang batang lalaki. Maraming pasa sa mukha ang mga ito.
"Dapat ma-expel ang dalawang batang yan sa ginawa nila sa mga anak namin!" Galit na sabi ng ama ng dalawang bata pagkaupo nila.
"Mga anak n'yo dapat ang ma-expil hindi ang mga anak namin dahil sila ang nagsimula ng gulo!" Kalmadong sabi ni Lyde.
"Mga anak namin ang dehado dito, marami silang pasa samantalang yang mga anak n'yo putok sa labi at maliit na sugat lang sa kilay!" Pasigaw na sabi nito.
"Ang lakas naman kasi ng loob na maghamon at magsimula ng away ang mga anak n'yo eh hindi naman pala kaya ang mga anak namin." Kalmado pa ring usal ni Lyde.
"Ang sabihin mo anak ni satanas ang mga batang yan!" Galit na sigaw nito.
"Be careful with your words!" May diing sabi ni Lyde.
"Bakit huh? Eh totoo namang anak ni satanas niyang mga anak n'yo." Tumayo ito habang tinuro-turo pa ang mga anak namin.
Tumayo na rin si Lyde at galit na hinarap ito." Put your filthy finger down before I break it!" Lyde said dangerously." Walang sino man ang may karapatang duruin ang mga anak ko!"
"Mr Fernandez and Mr Braganza please calm down. Pag-usapan natin ito ng mahinahon." Sabi ng guidance counselor ng makitang magsusuntukan na ang dalawa.
"Lyde calm down." Hinila ko ito maupo. Pinaupo naman ng asawa niya si Mr Fernandez.
"This conversation is over. I want their children out of this University." Lyde said with authority.
"And who do you think you are to decide?" Mr Fernandez.
Lyde smiled sheepishly." What do you think?"
Hindi siya pinasin ni Mr Fernandez sa halip ay humarap siya sa guidance counselor." Ang mga anak namin ang napuruhan kaya ang mga anak nila ang dapat mapaalis sa unibersidad na ito."
"Mr. Fernandez ang mga anak n'yo ang nagsimula ng gulo, maaagapan pa sana ito kung humingi na kayo ng dispensa at ang may-ari na mismo ang nagdesisyon wala na akong magagawa." Sabi ng guidance counselor at hinarap si Lyde." Sir, ipapaasikaso ko na ho ang mga papeles ng mga bata at nang makaalis na sila agad dito."
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomansaWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
