Cassie"Lyde may naalala pala akong itanong sayo?" Sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sa'kin.
"Hmm.. What is it wife?" Tanong niya.
"Naalala ko kasi nong pinuntahan kita sa opisina mo para bang kilala na ako ng mga staff at mga empleyado sa kompanya mo? Samantalang it was my first time to come in there...in your company?"I asked confused.
He smiled." Well, I told them or should I say— I announced to everyone that your my wife while showing them your pictures and I told every one of them that if you come to my company, they should treat you well and respect you like how they treat me and respect me. Because your my wife everything what's mine and what I got is all yours too." He said.
Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Nasaan nga ba kami ngayon? Well, nasa baybayin kami nakahiga sa isang picnic blanket habang nag-stars gazing.
"I love in here Lyde, very peaceful and relaxing. Look at the stars their so beautiful?" Nakangiting sabi ko.
"Yeah it is just like you. For me your like a star very beautiful, your beauty is shining like a stars in the Universe." He said.
"Bolero ka talaga!" Natatawang usal ko.
"No I'm not wife, I'm just telling the truth believe it or not." He said then kiss me on the lips while hugging me so tight. I felt contented and secured in my husband arms.
"I love you Lyde." I said heartily.
"I love you more." He said heartily.
Madaling lumipas ang mga araw lalo na pag masaya ka. Pang apat na araw na namin ngayon ni Lyde. Bawat araw na nagdaan hindi ako nakaramdam ng lungkot at pagkaboryo dahil sa asawa ko. Pero minsan nakaramdam ako ng pagkahilo tuwing umaga o di kaya'y nasusuka ako kapag nakakalanghap ako ng amoy ng kape. Yong amoy niya di ko talaga gusto, palagi rin akong nagcre-crave na kumain ng manggang hilaw at buko tapos lalagyan ko ng tuyo at ketchup.
Bumaba ako at hinanap ko si Lyde nakita ko siyang nakaupo sa malaking bato habang nakatanaw sa malawak na karagatan at parang may malalim na iniisip. Hindi nito namalayan ang presinsya ko. Nakapamaywang akong humarap sa kanya, napakurap-kurap naman ito.
"Cassie, kanina ka pa ba?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo? Hmp! Gusto kong kumain ng manggang hilaw at buko na may tuyo at ketchup." Masungit na sabi ko.
"Manggang hilaw at buko na may tuyo at ketchup? Seriously wife? Hindi kaya sumakit ang tiyan mo sa buko na may tuyo at ketchup?"Hindi makapaniwalang tanong niya. Iwan ko ba bigla na lang akong nainis sa sinabi niya.
"So what? Eh yon nga gusto ko! At saka hindi naman ikaw ang kakain eh, kundi ako! So ikukuha mo ba ako o hindi?" Naiinis na sabi ko.
"Whoa, are you mad at me now? Chill wife I'm just concern." Sabi niya.
"Tsk! Ikuha mo na nga lang ako!"Asik ko at aalis na sana ako sa harap niya ng hilain niya ako paupo sa kandungan niya at niyakap ako.
"Don't be mad at me wife, ayokong galit ka sa'kin. I'm sorry okay? Ikukuha na kita ng manggang hilaw at buko na may tuyo at ketchup." Malambing na sabi niya.
"Sorry kung nagalit ako Lyde. Hindi ko rin kasi alam kung bakit madali akong magalit sa simpleng bagay lang." I said guiltily.
"Hmm...Pansin ko nga, so we're okay now?"He said and I just nodded my head.
"Just wait for me inside the beach house. I'll be back after I get what you want okay?" He said then kiss my forehead. I smiled.
Tumayo siya pati din ako, then we parted our way.
Pagkarating ko sa beach house umakyat kaagad ako sa taas at humiga sa kama. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa marahang paghaplos sa buhok ko at sa malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng asawa ko. Bagong paligo ito naamoy ko pa ang after shave na ginamit niya, ang natural na panlalaki nitong amoy at pati ang mabango nitong hininga.
"Are you okay wife?" Nag-aalalang sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok.
Tumango lang ako." Asan na yong manggang hilaw at bukong may tuyo at ketchup?" Tanong ko agad sa kanya.
"Nasa kitchen, sandali kukunin ko lang." Sabi niya at lumabas na.
Wala pang isang minuto ng makabalik si Lyde na may dalang tray. Inilapag niya ito sa harapan ko at bigla akong natakam ng makita ko ang gustong- gusto kong kainin na nasa harap ko na.
"Ikaw na lang ang maglagay ng tuyo at ketchup sa paraang gusto mo." Sabi niya.
Nilagyan ko ng tuyo at ketchup ang buko na nasa bowl tapos hinalo-halo ko ito. Naglagay rin ako ng tuyo at ketchup sa platito para isawsaw ang hilaw na mangga. Pagkatapos nilantakan ko na. Grabi ang sarap.
"Oh god! It's look like it taste awful." Nakangiwing sabi ni Lyde, habang pinapanood akong sarap na sarap na kumakain.
"It's taste good Lyde, you want some?" Alok ko.
"No thanks wife, I think I'm going to vomit if I eat that?" Sabi niya at umiling-iling pa.
Natawa tuloy ako. Ang sarap kaya nitong kinakain ko?
Habang kumakain ako pinapanood lang ako ni Lyde. Tuwing inaalok ko siyang tikman ang kinakain ko tumatanggi lang ito.
"You need to eat this wife, hindi pwedeng yon lang ang kakainin mo." Pangaral ng asawa ko. Nasa kitchen kami ngayon. Pagkatapos ko kasing kumain ng buko na may tuyo at ketchup naghanda din ng pagkain si Lyde para ipakain sa'kin.
"I'm already full Lyde. Saka ayokong kainin yan! Ang baho ng amoy at ang pangit ng lasa, panis yata yan eh!" Sabi ko habang tinatakpan ang ilong dahil nasusuka ako sa amoy ng niluto niya.
Inamoy niya to." Hindi to panis Cassie."
"Panis yan! Ang baho ng amoy! Ikaw na nga lang ang kumain niyan!" Naiinis na sabi ko bago tumayo para umalis sa kusina.
"Cassie?" Rinig kong tawag ni Lyde pero nagtuloy-tuloy lang akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto namin. Hindi ko alam bakit naiinis ako? Nahiga ako sa kama at nagtaklubo ng kumot. Naramdaman kong umupo si Lyde sa tabi ko.
"Cass galit ka? I'm sorry pero hindi talaga panis yong pagkaing niluto ko." Rinig kong sabi nito. Hindi ko siya pinansin hanggang sa maramdaman kong yumakap siya sa'kin mula sa likuran. Hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/192305377-288-k513256.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that your already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be staying...