CHAPTER-39

2K 39 1
                                        

Cassie

Nagising ako sa sakit ng ulo ko at agad akong napabalikwas sa kama ng makitang iba ang damit na suot ko. Pinalibot ko ang paningin sa paligid at napansin kong nasa kwarto ako ng hotel na pinag-check in-an ko. Paano ako nakauwi dito? Sa pagkaalala ko umiinom ako sa bar at nakita ko si Lyde kaya umalis ako tapos tumakbo ako habang hinahabol niya ako at nag-usap kami.

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Life is really cruel huh? Ang lalaking mahal na mahal ako na handang gawin ang lahat mapasaya lang ako at ang lalaking ako ang naging mundo ay hindi na ako mahal ngayon. How funny isn't it? Kunti na lang siguro ang tao sa mundong to na kahit lumipas man ang maraming taon hindi mawawala o magbabago ang pagmamahal nila para sa taong mahal nila. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lyde na may dalang food tray.

"Mabuti at gising ka na. Dinalhan kita ng pagkain, kumain ka na para makainom ka ng gamot at mawala yang hangover mo." Sabi niya at nilapag ito sa harapan ko. Umirap ako at tumayo sa kama.

"Stop acting that everything is okay!" Sigaw ko." At yang pagkaing dala mo kainin mo yan!" Kinuha ko ang handbag na nakapatong sa couch at naglakad patungo sa pinto. Why he look so calm? Samantalang ako hirap na hirap na.

"Where do you think your going?" Sabi niya." You need to eat and take the meds so we can talk after." He said softly.

Humarap ako sa kanya." Talk? May dapat pa ba tayong pag-usapan? Sa pagkaalala ko tapos na tayong nag-usap kagabi!"

"Marami tayong dapat pag-usapan Cassie." Sabi niya." Bumalik ka na dito at kumain, alam ko kagabi ka pa walang kain." Malumanay at nag-aalalang sabi niya.

"I'm not hungry! I'm leaving!" Walang emosyong sabi ko.

"Please wife, don't make this hard for the both of us. If you don't want to eat then fine, let's talk."

I smiled bitterly. I'm sure it's about our annulment. Gusto niyang pag-usapan namin para maging malaya silang dalawa ng kabit niya. Gustong-gusto niyang mag-usap kami para matapos na ang lahat ng tungkol sa aming dalawa. Hindi niya man lang naisip ang kapakanan ng mga bata?Sila ang mas masasaktan at maaapektuhan sa paghihiwalay naming dalawa.

"Kung tungkol sa annulment natin ang gusto mong pag-usapan? Nagsasayang ka lang ng oras dahil kahit anong gawin mo hindi ako papayag sa annulment nating dalawa! Wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal at masakal ka sa akin. Kahit anong mangyari hindi kita palalayain at pakakawalan!" Mariing sabi ko.

"Kahit masakit na may ibang babae ka, tatanggapin ko yon basta ang mahalaga sa akin ka uuwi...kami ng mga bata ang uuwian mo, ok na sa akin yon Lyde." Pumiyok ang boses ko. Masyado ko siyang mahal na hindi ko kayang mawala siya sa akin...sa amin ng mga bata. Kung kinakailangan kong maging martyr ayos lang sa akin basta kasama ko pa rin siya...namin ng mga bata.

"Ayos lang talaga sayo na may babae ako? Na may kahati ka? Basta sa inyo pa rin ako uuwi, huh Cassie?" Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.  Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.

Hindi Lyde, hindi ayos sa akin na may iba ka, na may babae ka na kahati ko... namin ng mga anak natin. Gusto ko akin ka lang—sa amin lang ng mga bata. Pero kahit masakit na may babae ka tatanggapin ko basta manatili  ka lang sa amin ng mga anak mo." Ayos lang sa akin." Mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin bago ko pinahiran ang luha ko." Ayos lang sa akin Lyde basta manatili ka lang sa amin ng mga bata." I sobbed.

Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Ibinaling niya ang mukha ko paharap sa kanya at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko." Kung ayos lang yon sayo, sa akin hindi Cassie. Ayokong may kahati, ayokong may iba ka kasi hindi ko kaya Cassie, mamamatay ako o baka makapatay ako!" Mariing sabi niya.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon