CHAPTER-21

1.7K 43 0
                                    

Cassie

Maaga akong nagising dahil sa sobrang sama ng nararamdaman ko. Piling ko maduduwal ako kaya mabilis kong tinungo ang toilet para doon sumuka. Nanghihinang sumandal ako sa tiled nang mahimasmasan ako lumabas na ko. Napatingin ako sa kama ng mapansin kong wala na ang asawa ko.

Ang aga niya naman yatang nagising? Samantalang 3:00 am pa lang ng madaling araw at saan naman siya nagpunta ng ganitong oras? Dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko pinagsawalang bahala ko na lang kung saan nagpunta ang asawa ko at natulog ulit.

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa bedside table. Hindi naman ako nag-set ng alarm ah? Bumangon ako at pinatay ito bago pumasok sa banyo para maligo. After I take a bathed, lumabas na ako at kukuha na sana ako ng damit sa closet ng may mahagip ang mga paningin ko, isa itong paper bag na nasa sofa. Nilapitan ko ito at tiningnan kung ano ang laman. Nagulat ako ng makita ang mga laman nito. A very beautiful black backless dress together with it's accessories and make up. Kinuha ko ang isang note na kasama at binasa ang nakasulat.

"Good morning my gorgeous wife, wear that dress and please hurry up I'm waiting for you-Lyde."

Napangiti na lang ako, I'm so excited sa kung ano mang pakulo ng asawa ko. Pagkatapos kong magbihis naglagay ako ng slight make up. I glance myself on the mirror once again when I satisfy, bumaba na ako sa hagdan na may mga lubo na iba't iba ang kulay ang nakahilira. Hanggang sa paglabas ko sa beach house.

Nagulat ako ng umulan ng mga petals ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Tumingala ako at nakita ko ang isang chopper na siyang nagpapaulan ng mga petals. Napakagandang tingnan ang pagbagsak ng mga petals. Habang sinusundan ko ang mga lubong nakahilira sa tabi ng dalampasigan sumusunod rin ang chopper na nagpapaulan ng mga petals sa bawat paghakbang ko.

Tumigil lang ang chopper sa pagpapaulan ng mga petals ng nakaapak na ang mga paa ko sa red carpet na nakalatag sa tabing babayin. Dahan-dahan akong naglakad sa red carpet. My gaze roamed in awed dahil sa ganda ng nakikita ko sa rock formation nakadikit ang naglalakihang mga stolen pictures ko habang napapaligiran ng mga petals ng bulaklak.

May naka-set rin na table in a romantic way, sa dulo ng red carpet. I saw my husband dashingly handsome with his black tuxedo while holding a bouquet of red roses. Bawat hakbang ko papalapit sa kanya ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko. His gazed never leave mine, hanggang sa makarating ako sa kanya.

"I'm glad you came in the right time wife?" Nakangiting sabi niya at inabot niya sa'kin ang bouquet ng bulaklak.

"This is amazing Lyde, ang ganda." Manghang sabi ko. Hindi ko alam kung paano niya tong nagawa lahat? Ni hindi ko man lang nga alam na may ganito siyang pakana?

"Thanks god that you like it." Sabi niya.

"Actually I don't like it." Sabi ko.

"But I thought you—" I cut him off.

"I don't like it because I love it."
Nakangiting sabi ko.

He sighed in relief at inalalayan niya ako paupo. May dalawang lalaking naka-tux na nakamaskara ang lumapit sa amin na may dalang iba't ibang uri ng pagkain. Pagkatapos nilang mailapag ang pagkain umalis na kaagad ang mga ito.

Nagtaka naman ako kasi sa pagkakaalam ko kaming dalawa lang ni Lyde ang tao sa islang to? Take note sa built ng pangagatawan at sa kilos ng mga ito ay halatang galing sa mayayamang pamilya. Idagdag mo pa ang kakisigan ng mga ito kahit na may suot itong maskara halata pa rin ang kagwapuhang taglay ng mga ito.

Masaya kaming kumain ni Lyde at maya-maya tumayo siya.

"May I have this dance?" Sabi niya habang nakalahad ang kamay sa'kin.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon