CHAPTER-31

2.3K 51 0
                                        


Cassie

"Yeah he is and I want to be like him someday. You know what's more cool? We had the same silver eyes."

Ang pag-amba kong pagsubo ay natigil dahil sa narinig ko mula sa anak ko. Alam kong imposible tong iniisip ko ngayon dahil marami naman talagang tao sa mundo na may kulay pilak ang mga mata. Pero hindi ko maiwasang kabahan? Paano kung siya yong nakita at nakasalamuha ni Drade? Alam kung gustong-gusto ng makita at makasama ng mga anak ko ang Daddy nila pero hindi pa ako handang pagtagpuin sila sa ngayon.

"Let's go home?" Napatingin naman si Mom sa'kin dahil sa bigla-bigla kong pagyayang umuwi.

"Huh? Why Mom? I'm not yet done eating my food." Drade asked confused.

"Me too. Why we need to go home Mom without even finishing our food?" Segunda ni Clade na naguguluhang na rin.

"Kasi—"

"Kasi your Mom is not feeling well mga apo. Kailangan na nating umuwi para makapagpahinga na ang Mommy n'yo. Ipapa-take out na lang natin yang mga pagkain, ok? Do'n sa bahay n'yo na lang kainin." Sabi ni Mom sa dalawa. May pag-aalalang tingin ang pinukol sa'kin ng mga anak ko.

"Let's go home now, then." Sabay tayo ni Drade.

"Yeah let's go, so that Mom can rest." Si Clade at tumayo na rin.

Nasa magkabilang gilid ko sila at inalalayan ako palabas ng restaurant hanggang sasakyan namin. Sumunod naman si Mom habang dala-dala ang pagkaing ipina-take out niya. Sa buong byahe nasa magkabilang gilid ko lang ang mga anak ko na para bang binabantayan ako. Hindi ko maiwasang makonsensiya dahil sa pag-aalala ng mga ito kahit na ayos lang naman talaga ako. Kaya lang naman ako nagyayang umuwi na dahil sa pangamba at takot ko na baka magkita kami na hindi pa ako handa.

"Mom, dito na lang po kami matutulog ni kuya sa tabi niyo para mabantayan po namin kayo." Si Clade habang may dalang gatas. Sumunod rin si Drade na may dalang tray ng pagkain.

"Here's you food Mom." Inilapag nito ang tray sa harapan ko.

"Ok lang ako at dapat hindi n'yo to ginagawa. Kumain na ba kayo?"

"It's okay Mom and don't worry about us, tapos na kaming kumain ni Clade." Sabi ni Drade.

"You should eat and drink this milk Mom so that you'll be okay." Sabi ni Clade.

"Thank you. You two are so sweet, can you give Mom a tight hug?" Lumapit naman silang dalawa at niyakap ako.

Pagkatapos kung kumain niligpit ko na ito at napatingin ako sa mga anak kong nanonood ng palabas na naka-mute.

"Naiintidihan n'yo ba yang pinapanood n'yo? At bakit ba na ka-mute yan?" Tanong ko sa dalawa.

"It's better like this so that you can rest, Mom." It's Drade.

"Naiintidihan naman po namin Mom ang palabas at kung ano ang mga sinasabi nila, through mouth reading." It's Clade.

Naupo ako sa tabi nila. "Hindi pa ba kayo napagod? Lalo na sa pag-aalaga sa'kin?" Tanong ko sa dalawa.

"We won't get tired taking care of you Mom. Like you didn't get tired taking care of us." Si Drade.

"Yeah, anything for you Mom." Si Clade at niyakap ako ng patagilid. Hinalikan ko ito sa tuktok ng ulo at pati na rin si Drade.

"I love you two."

"I love too Mom."

"Love you too Mom."

Napangiti ako nang makitang natutulog na ang dalawa. Sinasabi ko na nga ba napagod ang mga ito kakaalaga sa'kin hindi lang nila sinasabi.

"Anak tulog ka na ba?" Rinig kong Sabi ni Mom sa labas ng pinto habang kumakatok.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon