Cassie
Bigla naman akong napatayo sa kama sa sinabi niya. Ako? Maiiwan dito? Para ipagluto siya? Ano siya sinuswerte?! Letchonin ko siya eh! Tinungo ko ang pinto at nakita kong pababa na siya ng hagdan kaya sumigaw ako.
"HOY MR. LYDE KENJUN BRAGANZA?! FOR THE RECORD, I'M NOT YOUR MAID!" I shouted.
Humarap naman ito sa akin.
"I didn't say that you're my maid?! As my wife it's your responsibility to serves your husband, so I want you to cook food for me? Oh Wait, don't tell me you don't know how to cook?" Mapang-asar na sabi nito. Sarap hambalusin ng lalaking to!
"Hoy! Wag mong mamaliitin ang kakayahan kong magluto kahit ano kaya kong lutuin kahit yang itlog at hotdog mo pa ang lutuin ko!" Napatutop naman ako sa bibig ko. Shit saan galing yon?
"Gusto mong lutuin ang itlog at hotdog ko? Pero alam mo namang hindi pwede diba? Dahil wala ng magpapaligaya sayo kung sakaling gawin na natin ang honeymoon natin bilang mag-asawa? " He said while grinning from ear to ear. Ang pervert talaga ng lalaking to!
"Wag ka ngang bastos jan? Napaka green minded mo! What I mean is? Ipagluluto kita ng itlog at hotdog na kakainin mo!" Depensa ko.
Ngumisi lang ito yong ngising mapang-asar.
"Is that so? But I'm telling you,wag yon ang lutuin mo gusto ko yong kakaibang pagkain total sabi mo marunong kang magluto? Then prove it!" Ani niya tsaka na naglakad paalis.
Lasunin ko siya eh! Makikita niya! But I don't really know how to cook? Hindi ko naman kasalanan kung pinanganak akong pinagsisilbihan diba? Pero bahala na nga! Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako.
Tinungo ko ang kitchen, binuksan ang malaking ref at kumuha ako ng manok pero aanhin ko to? Bahala na nga! Kumuha ako ng iba't ibang ingredients at pinaghalo-halo ko sa manok at pagkatapos niluto ko na. After 45 minutes tiningnan ko ito, luto na. Inamoy ko ito at napangiti ako, ang bango mukhang masarap siya lalo na pagtiningnan mo. Iwan ko kung anong luto to? Basta si Lyde ang unang pakakainin ko.
(insert evil laugh here)
Tinanggal ko na ang suot kong apron at saktong namang dating ni Lyde.
"Kumain ka na may niluto na ako at specialty ko yan." Inamoy niya naman ito tsaka naupo na at kumuha na ng plato.
"Did you cooked this?" He asked, ngumiti naman ako.
"Oo ako nagluto niyan, masarap yan." Pero ang totoo hindi ko alam kung ano ang lasa?
Naglagay naman siya sa plato niya at sumubo na. Nakatingin lang ako sa kanya habang ngumunguya siya.
Maya-maya nag-iba ang mukha niya yong hindi maipinta dali-dali itong tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa banyo. Hindi ko tuloy maiwasang huwag matawa at mapapadyak sa sahig dahil sa sobrang tuwa.
Serves him right! Akala siguro ng talaga ng walanghiya magpapatalo ako sa kanya? Huh! Never akong magpapatalo sa kanya!
______________________________________
___________
Lyde
Fuck! What kind of food she cooked? The hell! Sobrang sama ng lasa nasa loob pa rin ako ng banyo hanggang ngayon, ayaw kasing matanggal sa lalamunan ko ang lasa ng niluto niya. She's really crazy! She really want to kill me! Kasi yong luto niya parang murder ang lasa. Nag toothbrush, nagmogmog na ako't lahat-lahat pero nanunuot pa rin sa lalamunan ko ang lasa ng niluto niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo. Paglabas ko nakita ko siyang nakangiting tumingin sa'kin. Tiningnan ko siya ng masama kung hindi lang siya babae tsk!
"Oh how's my specialty for you? Nagustuhan mo ba?" Ngiting sabi nito.
Hindi ko ito pinansin at lumapit ako sa kanya, I pinned her to the wall and look straight to her eyes. Nakita kong napalunok ito, napatingin naman ako sa labi niya. Gantihan ko kaya ito sa ginawa niya? Inilapit ko ang katawan ko sa kanya.
"H-huy l-lumayo k-ka s-sa a-akin k-kung a-ayaw m-mong m-mamatay!" pautal na sabi nito. I just smile no one can't resist my charm.
"You don't know what will be the consequences sa ginawa mo huh?" Inilapit ko pa lalo ang katawan ko at ang mukha ko sa kanya nakita kong napapikit ito. So, she wants me to kiss her? Pero hindi ko siya hinalikan sa halip ay bumulong ako sa kanya.
"What do you want from me Mrs Braganza?" Bulong ko tsaka pinitik ko ang noo niya at lumayo na.
Dumilat ito tsaka ako tiningnan ng masama, mukhang nabitin.
"Oh, what's that look, nabitin ka ba?" I chuckled.
"Nabitin ako? Asa ka! Sarap mong bitayin!" Walkout nito.
"Oh wait? Akala ko ba marunong kang magluto? Tsk, ang tanda mo na hindi ka pa rin marunong magluto?" Ani ko at humarap naman ito sa akin na nakapamaywang.
"So what? It's none of your business, if I don't know how to cook!" Sabi nito at inirapan ako.
"Tss! What a pity? Puro pagrampa lang kasi ang alam mo!"
Sumimangot naman ito. I find her cute, tsk! Cute? Never mind!
"Pakialam mo!" Asik nito tsaka naglakad at binuksan ang ref. May kinuha ito at nang tingnan ko chocolate? Yan ang kakainin niya? Kay aga-aga, akmang kakainin niya na ito pero mabilis ko itong kinuha sa kanya.
"Hoy, akin na nga yan? Ako naunang kumuha niyan! Kumuha ka ng sayo!" Asik niya habang pilit na kinukuha sa kamay ko.
"Seriously? Ito ang kakainin mo?"
"So, pakialam mo? Sa nagugutom na ako eh! Wala pa akong kain mula kagabi! So, pwede ba? Wag kang epal jan! Give me that?!" Ani niya at tiningnan ako ng masama.
"See? Wala ka pang kain ito na ang kakainin mo? " Asik ko.
"Bakit ba? Eh, sa gutom na ko!" Inis na sabi nito.
Tsk! Yan ang napapala sa babaeng hindi marunong magluto. Hinila ko ito papunta sa kitchen at pinaupo.
"Hoy, anong—" I cut her off.
"Wag maraming tanong, maupo ka jan! Magluluto ako ng kakainin natin. Dahil kung ikaw ang magluto? Baka di na tayo abutan ng bukas!" Sabi ko at kumuha na sa ref ng lulutuin.
"Baka naman lasunin mo ako niyan?" Sabi nito sa akin.
Bumaling ako sa kanya at nagtaas ng kilay." Look woman, I'm not like you."
"What do you mean by that?" Tanong niya.
"Hindi ako katulad mo na kayang manlason ng tao." Naiilang na sabi ko at kumuha ng mga ingredients na kakailanganin ko sa pagluluto.
"Huh! Talaga? Tingin mo naman nilason kita?!" Sabi niya." Dapat ba akong magpasalamat dahil may husband akong hindi ako kayang lasunin?" Sarkastiko tanong niya.
"You should be." Patuyang sabi ko.
"Aba't—" I cut her off by pressing my finger on her lips.
"Don't say anything wife, just let me cook okay?" I teased. Hindi ko na naman siya narinig na nagsalita pa at pumula ang magkabilang pisngi niya.
"Are you blushing?"
"N-No of course not!" Nag-iwas siya ng tingin.
"Did I make you blush?"
"I said I'm not blushing! So fuck off!" Naiinis sa sabi niya.
"Oh really? Then why you can't look at me?" I teased while looking at her red face." Are you starting to fall for me?" I smirked.
"What? No way!" She said with wide eyes." Don't be so full of yourself! I won't never fall for you!"
"How sure you are?" Pangungulit ko pa.
"I'm confident Mr. Braganza and I know na hindi ako mahuhulog sa katulad mo! At never akong magkakaroon ng feelings para sayo! Dahil hindi ang tulad mo ang tipo ko!" Inirapan niya ako.
"Don't be so confident Mrs. Braganza, sooner or later you will—" She cut me off.
"That's not gonna happen!" She said firmly.
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that you're already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be stayin...
