CHAPTER-18

1.9K 41 0
                                        

Cassie

It's Friday.

Muntik ko ng makalimutang ngayon pala kami magkikita ni Tin. Kaya naman nag-ayos na ako pero bago ako umalis ng bahay t-in-ext ko muna si Lyde na umalis ako ng bahay. Nasa Singapore kasi siya may ime-meet na mga investors at may inaasikasong business. Tatlong araw na siya do'n at sa makalawa pa ang uwi niya. Miss na miss ko na siya kahit palagi naman kaming nagfa-facetime, pero hindi pa rin yon naging sapat para sa'kin.

Pagkahinto ko sa sky blue Lamborghini ko na binili ng asawa ko para sa'kin. May kotse naman ako nasa mansyon siguro ibibinta ko na lang yon, kasi may bago na akong kotse na galing sa mahal kong asawa. Ipinark ko sa parking lot ang kotse ko sa naturang cafe kung saan kami magkikita ni Tin. Pagkababa ko palang sa kotse may natanggap na akong mensahe galing sa kaibigan ko.

From: Tin
Cassie where are you na ba?

To: Tin
Nandito na ako sa Cafe na sinasabi mo.

From: Tin
Can you please hurry up? Kanina pa ako loner dito!

To: Tin
Papunta na po.

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Pumapasok na ko sa loob at nilibot ko kaagad ang paningin ko, nakita ko siyang nakaupo sa dulo. Nakahalukipkip at busangot ang mukha habang umiinom ng milk tea. Lumapit na ako sa kanya at naupo sa upuang kaharap niya.

"What's that face Tin? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" Bungad ko sa kanya. Mas lalo naman itong sumimangot.

"Tsk! Na-miss kita Cass, kaya lang wala ako sa mood para yakapin ka nagtatampo pa rin ako sayo! What took you so long? Aish, never mind! Now, care to tell me, kung ano ng nangyari sayo mula ng umalis ka sa New York?" Nakahalukipkip na tanong nito.

"Well...I'm married." Nakangiting ani ko.

"Y-YOU WHAT?"Gulantang sigaw nito at napatayo pa talaga. Napatingin tuloy ang ibang kostumers sa amin.

"Maupo ka nga! And please lower down your voice!" Saway ko sa kanya. Tumingin naman siya sa mga taong nakatingin sa amin at tinaas niya ito ng kilay, bago siya naupo ulit.

"Kailan pa? Bakit di ko alam? At saka paanong nangyaring kinasal ka na? Samantalang wala ka namang boyfriend ever since? Don't tell me sa dami ng mga nanliligaw sayo? Pumili ka na lang ng isa at yon ang pinakasalan mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Wala sa mga manliligaw ko, ang naging asawa ko ngayon."

"Ano? Ibig sabihin pinikut mo? God! Bakit kailangan mo pang mamikot sa ganda mong yan? Hindi mo—" Hindi ko na siya pinatapos.

"Ano bang pinagsasabi mong namikot ako? Loka ka talaga! Arranged marriage ang nangyari."

Para talaga maintindihan niya. Kuweninto ko sa kanya lahat-lahat mula umisa hanggang sa huli. Siyempre hindi kasali yong mga sexy moments namin ni Lyde.

"So that's mean? Hindi ka na virgin? Oh God! Malaki ba yong patutoy ng hubby mo? Nagkasya ba sayo? Dumugo ba yong sayo? Nasarapan ka ba? Paano n'yo ginawa? Maraming beses n'yo na bang ginawa?! At anong position ang pinakaramasap sa sex?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Err...Basta wag ka magtanong jan! Ang hahalay naman niyang mga tanong mong babae ka!" Namumulang usal ko.

"OH MY GOD! Nahiya ka pa sa'kin? So ano na? Sagutin mo na ang mga tanong ko! Share naman jan?" Pangungulit nito.

"Kung makapagtanong ka naman jan! Parang hindi ka na virgin, ah?" Nakita kong pumula ang mukha niya at nag- iwas ng tingin sa akin. Wait a minute ako lang ba? O parang may nililihim siya sa'kin?

"Magtapat ka nga sa'kin, Tin Amethyst Vellanueva? May hindi ka ba sinasabi sa'kin? Who's the guy, who took your virginity? Do I know him? When did it happened?" Sunod-sunod na tanong.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon