CHAPTER-36

2.2K 44 0
                                        

Cassie

"Dad let's play?" Si Drade sa ama.

"Sige game ako jan. Two vs. one I'm sure I'm gonna lose." Natatawang usal ni Lyde sa dalawa.

"This is very easy to play Dad. I'm sure you won't lose again this time." Clade giggled.

Kapag kasi walang pasok ang dalawa at walang trabahong inaatupag ang ama nila, palagi nila itong niyayayang maglaro ng iba't ibang uri ng video games. Dahil hindi sanay ang ama nila sa paglalaro kaya palaging talo at pinagtutulungan pa nila ito kaya imposible talagang manalo ang ama nila laban sa kanila. Hinayaan ko lang silang maglaro kapag tapos na sila sa mga homeworks nila.

"This won't be hard, Dad. Do your best just to win this one, because Mom will be the price." Rinig ko sabi ni Drade.

"Oh, I love that...your Mom will be the price. I'm gonna win this." Bumaling si Lyde sa direksyon
ko." You heard it, Cass? You'll be the price." He lick his lower lip and winked at me.

"Kayo talaga ginawa n'yo pa akong premyo." Naiiling na sabi ko at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Lyde habang nasa harapan namin ang dalawa.

"Defeat us ,Dad so you can have Mom." Si Drade habang naghahanda.

"If you lose? Dad Mom will be sleeping with us for a whole week." Segunda naman ni Clade.

"Mukhang pinaghandaan n'yo yata to ah?" Naiiling na sabi ni Lyde sa dalawa na tumawa lang.

"Kaya nga Dad kailangan mong manalo."Si Drade.

"In a count of three the game will be started. One.....two.....three!" Ayon na nga nagsimula na ang laro ng mag-ama. Si Clade puwesto na sa tabi ng kuya niya.

"Ok lang naman kung hindi ka mananalo Lyde, one week ka lang naman matutulog ng mag-isa sa kwarto natin at saka na kaya mo namang matulog ng mag-isa sa loob ng limang taon kaya mo—" I stop when he glared at me.

Nakakunot noo itong nagpatuloy sa paglalaro. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Tutok na tutok silang tatlo sa paglalaro habang ako naman ay pinapanood ko lang silang mag-aama. I heard Lyde silently cussed, habang tutok na tutok sa paglalaro ni hindi niya na ako sinulyapan ulit. Gustong-gusto niya talagang manalo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa kusina para ipaghanda sila ng makakain. Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwich na paborito nilang mag-ama. Inilagay ko ito sa isang tray at dinala ko ito sa living room kung saan silang tatlo.

"Tama na muna ang paglalaro kumain na muna kayong tatlo. Ginawan ko kayo ng paborito n'yong sandwich at juice." Inilapag ko ang tray-ing hawak ko sa mini table.

Napabaling silang tatlo sa akin at napatingin sa tray-ing nasa mini table. Bago nagkanya-kanyang lumapit at kumuha ng sandwich at juice.

"Is your Dad lose?" Tanong ko sa dalawa ng pabulong.

"Nope." Si Clade habang ngumunguya.

"He's scared to lose, Mom." Si Drade at sinulyapan ang ama nilang kanina pa pala kami pinagmamasdan. Umisug ito at inakbayan ako.

"Anong binubulong-bulong n'yong tatlo?"

"Wala naman. Tinatanong ko lang kung natalo ka na ng mga anak mo." Nakangiting usal ko.

"They can't wife." Nakangiting usal nito sa akin at bumulong." Dalawang araw ko na kayang ininsayo tong larong to, Cass para naman hindi ako matalo ng mga anak natin."

Tumawa ako."Dalawang araw talaga?"

"Hmm...yeah." Tumingin siya sa mga bata bago ibinalik ang tingin sa akin."Anyway, bukas pagkatapos kong sunduin ang mga bata sa school nila may pupuntahan tayo."

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon