CHAPTER-43

2K 48 0
                                        

Lyde

Patay na lahat ang mga tauhan ni Samantha. Nahalughog na rin namin ang buong abandonadong gusali na pinagdalhan nila ni Cassie pero ni bakas niya hindi namin makita.

"Sir negative po wala po dito ang asawa niyo." Sabi sa akin ng isa sa mga tauhan ni Papa.

"Kailangan nating mahanap si Samantha baka hawak niya si Cassie ngayon." Sabi ko sa kanila.

Bigla namang sumulpot si Fredo at kasama niya si Armando na nakaposas. Nakatakbo kanina ang gago! Agad akong lumapit dito at sunod-sunod na malalakas na suntok ang pinakawalan ko.

Humandusay ito sa lupa at basag ang mukha. Hindi pa ako nasiyahan pinagtatadyakan ko pa ito. I wanted to kill this bastard. Pero kahit gaano ko man kagusto itong patayin, pinigilan ko ang sarili. Ayokong mabahiran ng dugo ang sarili kong mga kamay lalo na sa dugo ng demonyong to.

"Itayo n'yo yan." Utos ko sa dalawang tauhan ni Papa at binalinga ko si Fredo." Isama mo ang lahat ng tauhan maliban sa dalawang to." Sabi ko na ang tinutukoy ang dalawa na nakahawak kay Armando." Kung kailangan na halughugin ang buong kagubatan gawin n'yo mahanap lang si Cassie."

"Yes, Sir." Sabi ni Fredo at umalis na kasama ang mga tauhan.

Humalakhak si Armando." Hindi mo na maabutan ng buhay ang asawa mo at malamang inanod na ng tubig ang bangkay niya. Sayang nga, hindi ko man lang natikman at napagsawaan ang asawa mo, ang sarap pa nama—" I give him a hard punched.

Napasubsob ito sa lupa at marahas ko itong itinayo." I fucking kill you! Your son of a bitch!" I said ragingly while throwing a hard punches.

Natigil lang ako sa pagsuntok sa gago nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Torture him, until he beg for his own death." Malamig na usal ko bago ako tumakbo sa kakahuyan.

"Cassie!" I run while shouting my wife's name. Madilim na at tanging flashlight ng cellphone ko ang ginamit kong pang-ilaw sa daan.

"Cassie!" I shouted like there's no tomorrow." Wife!" Sigaw lang ako ng sigaw sa pangalan niya habang tumatakbo.

Mas lalong lumala ang kabang nararamdam ko nang makita ko ang nagkalat na dugo sa daan na tinatahak ko. Hindi ko alam kung bakit may kung anong humihila sa akin na sundan lang ang mga patak ng dugo. Pababa itong daan na tinatahak ko at mula sa kinatatayuan ko, nakita ko si Cassie na nakahandusay. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya.

Nang tuluyan akong makalapit sa kanya,nanlamig ang aking buong katawan sa nasaksihan ko. Marami siyang galos at may tama siya ng baril. Maputla at wala siyang malay. Agad ko siyang binuhat at kahit masukal ang daan, tumakbo ako ng mabilis.

"Cass..." I felt weak and excruciating pain attacked my chest while looking at her bruised pale face."
Please...please, wife don't die on me. Hindi ko kaya at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin."

Dali-dali ko siyang ibinaba at sinakay sa kotse nang makarating ako sa kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Pagkatapos ay mabilis ko ng pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko habang nagmamaneho. Lord, please save my wife.

Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital at agad siyang ipinasok sa operating room. Naiwan ako sa labas, tulala habang umiiyak.

I ran my fingers through my hair and closed my eyes out of worry. This is the second time that Cassie's life put in danger. At kapag naulit pa ang ganitong pangyayari hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Ilang oras akong naghintay sa labas ng operating room at hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako, minsan uupo at natatayo na naman. I'm so damn worried about my wife conditions.

Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon