Cassie
"Mom, get up!" Rinig kong sabi ni Drade habang hinihila ako sa kamay.
"Get up, Mom!" Sabi naman ni Clade habang hinihila ang kabila kong kamay.
"Alright, alright." Natatawang sabi ko at naupo sa kama. Nasa magkabilang gilid sila ng kama. Bagong ligo na sila at nakabihis na. Excited talaga silang makita ang Daddy nila, susunduin kasi namin si Lyde sa airport. Tumawag kasi siya kagabi at pinaalam sa amin na uuwi na siya ngayon.
"Good morning." Nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa at hinalikan ko sila.
"Good morning too Mom." Sabi ni Drade at hinalikan ako sa pisngi.
"Good morning din po Mom." Sabi naman ni Clade at hinalikan rin ako sa pisngi.
"I just get a shower and you two wait me downstairs,okay?" Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Alright, Mom we just wait you downstairs." Sabi ni Drade.
"Okay, but you have to be hurry Mom." Sabi naman ni Clade.
"Opo." Nakangiting sabi ko bago ako tumayo sa kama at pumasok sa banyo. Pagkatapos kung mag-ayos ng sarili bumaba na ako at nagtungo sa dinning hall kung saan ang mga bata.
"Bakit hindi pa kayo nagsimulang kumain?" Tanong ko sa kanila pagkaupo ko.
"We're waiting for you, Mom." Si Drade ang sumagot.
"Ok, kumain na kayo." Sabi ko at tinawag si Aling Flor." Aling Flor pakitimplahan ako ng kape at gatas na rin nina Clade at Drade." Sabi ko kay Aling Flor.
"Sige ho ma'am, sandali lang po." Sabi nito sa akin.
"Ito na ho ang kape niyo ma'am." Sabi niya at inilapag ito sa harap ko matapos niyang maibigay ang gatas ng dalawa.
"Salamat Aling Flor." Sabi ko sa kanya bago siya nagpaalam na sa kusina na muna siya.
"Huwag kayong tumakbo kakakain n'yo palang." Sabi ko sa kanila paglabas namin. Pinagbuksan kaagad kami ni Mang Tony ng pinto ng sasakyan pagkalapit namin sa kotse.
"Tara na Mang Tony." Sabi ko dito at pinaandar niya na ang sasakyan.
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa airport, abala naman ang dalawa sa pagkukuwentuhan habang inaaliw ko naman ang sarili ko pagtingin-tingin sa bawat dinadaanan namin.
"Mang Tony bakit ho kayo huminto?" Tanong ko kay Mang Tony.
"Traffic ho kasi ma'am." Sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa unahan namin at nakita ko ang haba ng pila ng mga sasakyan na nasa unahan namin."May banggaan daw po kasing nangyari sa unahan, ma'am." Sabi niya.
"Ganon ba, wala po ba kayong alam na ibang daan na pwede nating daanan Mang Tony?" Tanong ko. Baka kasi abutan pa kami ng gabi dito sa haba ng traffic.
"May alam po akong pwede nating daanan ma'am." Sabi niya.
"Talaga? Doon na lang tayo dumaan."
"Kaya lang ho ma'am medyo makipot po ang daan." Sabi niya.
"Kasya ba tong sasakyan doon?"
BINABASA MO ANG
Hunk Series-1: My Unexpected Wife (Completed)
RomanceWhat will you do if you'll find out that your already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra felt her world crashed after her parents announced that she's already married and she will be staying...
